Prologue

489 10 0
                                    

LUST TURNS TO LOVE
(MY OFW BRIDE SERIES 3)
Written by M.R.Galing

Prologue

FIVE YEARS AGO

"Yot, saan ba tayo? May project pa tayo ah!" si Ella sa kaklaseng bakla.

"Basta sumama ka lang! Kailangan natin magrelax lalo pa't ang dami nating gawain sa school. My treat no worries." Nakangiting saad ng bakla. Lulan na sila ng taxi. Alas otso na ng gabi.

"Naku talaga oh! Nagpaalam ako kay Mama, na 'di uuwi kasi may project tayo tapos ito maggagala lang," ani Ella na walang magawa kundi ang sumama. Alangan namang siya lang gumawa eh partner sila. Second year college na siya sa edad na twenty. Patigil-tigil kasi siya sa pag-aaral dahil sa problemang financial. Accountancy ang kurso niya.

"Parang ngayon lang girl! At sinisigurado ko sa'yo na mag-eenjoy ka."

"Bahala ka na nga basta treat mo ha?"

"Oo sabi," anito.

Papuntang Dasma sila, nasa Imus Cavite naman ang bahay nila magkaibigan. Nagpapara si Jelay sa isang bar.

"Dito tayo?" Gulat na bigkas ni Ella. Never pa siya nakapasok ng bar in her entire life.

"Halika na!" yakag ni Jelay, na ang real name is Jay. Parang sabik na sabik itong pumasok sa loob.

Nakasunod naman si Ella rito. Maingay sa loob at nag-iinuman. Karamihan ay halos kasing edad lang nila. Mga nagsasayawan na tila katapusan na ng mundo.

"Doon tayo!'' ani Jelay na hinawakan sa pulsuhan si Ella at iginiya sa bakanteng table. Naupo sila na tahimik lang ang dalaga.

"Ano 'yan?" tanong ng dalaga nang makita ang iniabot ng waiter.

"Alak siyempre!"

"Iinom tayo?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Ella.

"Hindi, kakain! Ano ka ba siyempre iinumin! 'To talaga!" Napapailing na saad ni Jelay.

"Bakla 'di ako umiinom." Teklamo ni Ella dahil hindi naman talaga siya palainom.

"Hoy twenty ka na girl! Inosente nito! Hays!" anito saka palinga-linga na tila may hinahanap. "Alam mo besh, maraming gwapo rito! Mamaya darating na 'yon!" Kinikilig nitong saad.

Ilang minuto lang ay nagulat na lang si Ella nang tumili si Jelay. Sinundan niya ang tinitingnan nito. "Oh my P!" aniya nang makita ang pagdating ng apat na lalaki na ang popogi. Parang model ng isang men's magazine.

"Iyan ang kinababaliwan ko rito, besh! 'Yang nasa gitna na red ang polo shirt ay si Joseph, ang white na t'shirt ay si Mico, ang navy blue shirt is Nathan, and last na stripes ang suot is Mero. Actually may isa pang pogi na minsan ka-tropa nila pero bihira lang sumama." Kumikislap ang mga matang saad ni Jelay.

"Oo nga, walang itulak kabigin sa kanila, pero mas type ko 'yong Mero," sabi ni Ella na tinamaan agad sa lalaking naka-sideview mula sa kinauupuan nilang table.

"Naku, balita ko, 'yan ang matinik sa girl. Babaero 'yan. Kaliwa't kanan ang girlfriend kaya 'wag 'yan."

"Ha? Ganoon siya," ani Ella pero para sa kanyang sarili ay ito ang nakakuha agad ng kanyang puso este atensiyon. Bawal muna ang puso delikado. Pero wala atang pinipili ang puso at 'di marunong sumunod sa isip dahil 'di na nahiwalay ang tingin niya sa lalaki. Dahil sa nadaramang kakaiba ay napainom siya ng alak. Napangiwi siya sa unang pagtikim ngunit nang nakailang shots na ay parang matamis na sa dila.

"Hi!"

"H-ha?" Gulat na bigkas ng dalaga nang lumapit si Mero sa mesa nila ni Jelay. Ang bakla ay nasa dance floor na at bigay na bigay sa kasasayaw sa kahit na sino na lang.

LUST TURNS TO LOVE (MY OFW BRIDE SERIES 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon