Siks

19 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Office ni headmaster pero Wala pa sya may pupuntahan Lang daw sya saglit at babalik din nakaupo Lang ako habang iniisip Yung nangyari kanina, di ko parin Alam anong nagawa ko at Wala akong idea Kung anong nangyare sakanya

Bumukas Ang pinto at napatingin ako sa mga dumating, Sina Lizza, Mira, Alzack at Warren nagtataka ako kase di nila kasama si Angel baka nasaktan talaga sya sa nangyare kanina kahit Wala akong Makitang emosyon kanina sa mukha nya ramdam ko na nasaktan sya base sa Pag hinga nya

Isang hawak Lang yon, isang hawak Lang pero kakaiba Yung nangyare sakanya kasama din ba sa powers ko yon?  Tinignan ko Ang mga kasama ko nag kukwentuhan Lang sila, baka may Alam sila para masagot na mga tanong ko

" Guys may tatanong ako " napatingin Naman sila sakin

" Pag nahahawakan nyo si Angel Anong nararamdaman nyo? " Tanong ko napatahimik Naman sila at Naging seryoso

I knew it, may Alam Nga sila

" Malamig kuya Freed, sobrang lamig " seryosong Sabi ni Mira

Bakit sila malamig Ang naramdaman ako mainit? Weird

" Bakit nahawakan mo na ba sya? " Tanong ni Lizza tumango naman ako

" Anong naramdaman mo? " Tanong nya ulit

" Nakakapasong init " sagot ko na ikinabigla nila nag tinginan Naman sila sa isa't Isa

" I think kailangan mong malaman to dahil Isa ka na din saamin " Sabi ni Warren

" Si Angel ay nasa ilalim Ng Isang sumpa, sinumpa sya ni  Max Straut Ang pinuno Ng Tartaros " Sabi ni Warren

" S-sumpa? Anong sumpa? " Naguguluhan Kong tanong

" Noong Bata pa kami napadpad kami sa lungga Ng Tartaros, sa di inaasahang pangyayari nakalaban namin si Max Straut dumating Ang mga magulang namin umatras si Max Straut pero bago sya umalis Nag iwan sya Ng sumpa sa Isa samin si Angel Ang nabigyan Ng sumpa, Pag hinawakan Ng kahit sinong Zentopian o kahit sinong may kapangyarihan si Angel Maglalaho sya, sa takot Ng mga magulang ni Angel gumawa sila Ng Lakrima na mag poprotekta sakanya Ang lakrima na yon ay nasa buong katawan nya para Yung shield na Hindi nakikita pero sa tuwing hahawakan na namin si Angel Malamig Lang Ang nahahawakan namin, pero sa sitwasyon mo Init Ang naramdaman mo, possible na may natunaw na lakrima sa katawan nya dahil sa pag hawak mo, maaring dahil Ito sa kapangyarihan mo kaya hanggat maari Wag na wag mo syang hahawakan " mahabang paliwanag ni Warren

" Ayokong Mawala si Ate Angel " nalulungkot na Sabi ni Mira

Hindi parin ako makapaniwala sa Narinig ko, kaya ba nanghina Ang  katawan nya dahil don sa sumpa nya o dahil sa pag tunaw ko sa lakrima na nag poprotekta sakanya, nakunsensya ako bigla pero noong oras na yon di ko naman Alam na may sumpa sya. Pero sa Mga nababasa at napapanuod ko Laging may solusyon sa bawat sumpa

" May Solusyon ba sa sumpa ni-- " di ko na natapos Ang sasabihin ko

" Wala " isang malamig na boses Ang nag salita sa gilid ko, si Angel

Napatingin ako sakanya, mukang okay na sya o nag papanggap Lang sya na okay? Isa Isa nya kaming tinignan na para bang sinisigurado nya na kumpleto na kami umupo na sya at pumikit nakukunsensya ako pero kahit gusto ko naman magpa sorry nahihiya ako na di ko Alam, Parang pag linapitan ko sya tutuluyan na nya ako

Sa buong araw na nakasama ko sya Wala akong Nakita na kahit isang ngiti sa mukha nya, Wala din lungkot sa Mga Mata nya hindi ko Alam Kung imagination ko Lang to o meron talagang misteryo sa mga Gray nyang mata, Parang may tinatago yon eh, di ko maiwasang Hindi mapatingin sakanya kinakausap sya ngayon ni Mira pero tango at Iling Lang Ang sinasagot nya magpapasorry ba ko? Pero di ko naman Alam na may sumpa sya eh, pero nasaktan sya dahil sakin pero di ko parin naman Alam Nung Mga oras na yon HAAAAAAYYYSSSS naguguluhan na ko

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon