Eyt

10 3 0
                                    

" Tara na po " Aya ni Alzack sa dalawang matanda at pumasok na sila Ng portal

Pagkatapos nila mag impake ay kumain Muna kami mas umaliwalas na Ang mukha Ng dalawang matanda dahil nawala na Ang sakit na nararamdaman nila, si Angel Naman di man Lang nginingutian Ang mga matanda

Tinignan ko Ang dalawang matanda na magkahawak kamay ngayon habang papasok sa portal kami Naman ni Warren Ang may dala Ng mga maleta nila, Kung tutuusin napaka simple Lang Ng gusto nila para sa ibang Tao Kung di mo talaga iintindihin Kung ano Ang tunay na nangyare siguro iisipin ko na ambaba Ng dahilan nila para mag nakaw, mabubuti silang Tao Hindi nila kayang mawala Ang isa't Isa or should I say na Hindi pa sila handa para iwan Ang isa't Isa, gusto pa nilang Mabuhay Ng matagal napaka simpling dahilan para sa iba pero napaka halaga sakanila na Mabuhay dahil nabubuhay sila para mahalin at alagaan Ang isa't Isa, hayyss patagal Ng patagal nagiging corny at chezzy na ko

" Ihahatid Muna natin sila sa totoo nilang bahay sa Bayan Ng Fiorz sa dulong bahagi Ng Zentopia " Sabi ni Angel at sumunod ng pumasok sa portal

Tumango nalang kami ni Lizza at sabay Ng pumasok sa portal di parin nawawala Ang pagka mangha ko pag nasa loob ako Ng portal, Niluwa kami Ng portal sa isang bahay, Ito na siguro Ang bahay ng mga matanda Nasa Dulong bahagi Ito Ng gubat medyo creepy, inanyayahan nila kaming pumasok mas malaki Ito kesa sa bahay nila sa North Korea at mas maganda Ito siguro kahit saan or kahit anong bahay okay Lang sakanila Basta Magkasama sila

" Aalis na po kami " pagpapaalam ni Angel

" Maraming Maraming salamat sa inyong lahat Lalo na Sayo Prinsesa Ng Fos Patawad din saaming nagawa, pag Kayo Ang may kailangan wag kayong mag dadalawang isipin na Lumapit saamin "  Sabi ni Lola tumango Lang si Angel

" Mag iingat po Kayo Lola at lolo ahhh, babyeee pooooo " Sabi ni Mira at niyakap Ang dalawang matanda natutuwa talaga Ang mga matanda sakanya

" Mag iingat din Kayo mga apo, mapanganib Ang Gubat na tatahakin nyo " bilin ni Lolo

Nagpaalam na kami at umalis na, nag lalakad Lang kami sa gubat bawal daw kaming gumamit Ng portal o kahit anong kapangyarihan baka daw may makaramdam samin na Traxos bawal na ngang gumamit Ng kapangyarihan sa Human world pati ba Naman dito sa gubat na to haaayy naku, nangunguna sa paglalakad si Angel kasunod nya si Warren at Alzack si Mira at Lizza Naman katabi ko nag kukwentuhan tinatanong nila ako minsan sinasagot ko naman Kung tutuusin di Naman talaga ako dapat nasasama sakanila kase mga nakatataas sila tapos ako naligaw Lang dito, kelan ba ko babalikan nila mommy gustong gusto ko na talaga umuwi kahit na naging komportable na ko sa mga kaibigan ko di ko parin maiwasan na ma miss Ng sobra Ang dati Kong buhay na mimiss ko na makisuntukan sa mga Tambay

" Kuya Freed bakit di ka pa nagkaka Girlfriend? " Tanong ni Mira

Nakakapit sya ngayon sa braso ko, Sabi ni Alzack masanay nalang daw ako Kay Mira kase pag komportable daw sya sa isang Tao para daw syang tuko Kung maka kapit sa braso, Para ko na din syang nakababatang kapatid sa sobrang kulit nya Parang nag aalaga ka Ng Bata, ano kaya pakiramdam Ng may kapatid na babae?

" Wala pa sa isip ko yon " sagot ko sakanya tapos ginulo ko Ang buhok nya

" Alam mo kuya Freed Bagay Kayo ni Ate Angel " napatigil Naman ako sa sinabi nya

Pffttt kami ni Angel bagay? Nagpapatawa ba sya?

" Wag ka ngang mag biro Ng Ganyan Mira " sagot ko sakanya at nag kwentuhan na kami

Nag aasaran na Naman ngayon si Alzack at Mira parang di sila nag sasawa na inisin Ang Isa't Isa, si Warren Naman sinusundot sundot sa tagiliran si Lizza may si Lizza Naman halatang inis na, nagpapatuloy Lang sa paglalakad sa unahan si Angel, habang ako eto chill Lang naglalakad sa likod nila, pero..

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon