Ten

7 3 0
                                    

" Gotcha " Sabi ko habang hawak Ang Isang dagger na binato saakin ni Angel

Nandito kami ngayon sa Training room, isang bwan na noong mag umpisa ako sa one on one training kasama si Angel one month na din Ang nakalipas noong pumasok ako dito sa paaralan na to, sa loob Ng Isang bwan nag focus ako sa pag tetraining ko nag aaral Naman ako Ng maayos nag cucutting class ako para mag basa sa library tungkol sa kapangyarihan ko marami akong natutunan na spells at iba pa, pero syempre mas pinagtutuunan ko Ng pansin Ang Training Lalo na Yung pag control sa kapangyarihan ko, pag tapos Ng klase sa hapon Pumupunta na ko Ng training room nagiging mabait na din sakin si Angel pero Hindi sa training -_- masyado syang brutal pag nag tetraining kami minsan nga Nanahimik akong nagpapahinga dito sa training room tapos bigla nya Kong babatuhin Ng Light Bombs na Kung di ko iiwasan baka sumabog katawan ko

" Good enough " sagot nya at umupo na sa sofa para magpahinga 9pm na kase at nag uumpisa Ang training ko Pag 4pm

Halata Ang pagod sa katawan ni Angel dahil sa araw araw nyang pag tetrain sakin ayaw nya din akong magpahinga kase mas maganda daw Kung mabilis matatapos Ang training mo para mas mabilis Kong magamit Ng maayos Ang kapangyarihan ko, nagugulat parin sya minsan pag ginagamit ko Ang kapangyarihan ko ako din naman nagugulat may time na di ko na kontrol Ang kapangyarihan ko tapos nasira namin Yung training room pero agad nya Naman babalik lahat, kaya nyang ibalik sa dati Ang mga nasisirang bagay, katulad Ng usapan e tetrain nya ko pero di ko sya pwedeng hawakan at katulad Ng dati di ko parin sya nakikitang ngumiti apaka sungit, Lalo nya Kong sinusungitan pag may nasisira ako sa training room

" Here " inabutan ko sya Ng bottled water kinuha Naman nya yon at umupo na ko kaharap nya

" Tinuro ko na lahat Ng Pwede Mong malaman I'm glad na mabilis Kang matuto " Sabi nya at uminom na sya Ng tubig

" Syempre magaling nagtuturo sakin " bola ko pero inirapan nya Lang ako, di talaga tumatalab Yung charm ko sakanya pssh

" This is our last training, at wag mong gagamitin sa kalokohan Ang mga tinuro ko sayo " Sabi ni Angel

" Yah " Sabi ko

Pagkatapos nyang ubusin Ang tubig ay tumayo na sya at naglakad paalis, tinitignan ko Lang sya habang naglalakad naka Sports bra sya at Leggings habang naka Tali Ang buhok nya, maganda talaga si Angel Hindi Lang mukha pati katawan pero di ako interesado Mas gusto ko parin Yung ugali nya kahit sobrang sungit, and di ko sya titigilan hanggat di ko sya nakikitang ngumiti, naging close Naman kami at madalas na kaming mag kwentuhan pero ayun nga mas gusto ko parin Makita Ang ngiti nya na kucurious kase ako sa mukha nya pag naka ngiti

Bumalik na ko Ng dorm at naligo nakahiga ako ngayon sa Kama one month na pero di parin ako sinusundo ni mommy at daddy hanggang kailan ba ko mag hihintay, maayos Naman Ang buhay ko dito nagiging komportable na ko sa lugar at mga Tao, pero di ko parin maiwasan ma miss Yung dati Kong buhay, di ako makatulog kaya tumayo ako at sinuot Ang hoody ko, pag nalulungkot ako nakagawian ko Ng pumunta dun sa mini forest Kung saan unang lumabas Ang Kapangyarihan ko

Lumabas na ako Wala Ng Tao sa Labas, tahimik na Rin Ang paligid at ingay Ng mga kuliglig nalang Ang naririnig ko, maaliwalas Ang Mahal Kong langit at puno Ng mga bitwin nagpatuloy na ko sa pag lalakad bago pa ko makarating sa Mini forest may nakita akong Tao na nagliliwanag at kasalukuyang nakikipag Laban sa dalawang lalaki na naka maroon, nasa loob sila ng barrier kaya Wala akong marinig, Teka, maroon? MGA TRAXOS! Unti unting nawawala Ang liwanag sa taong nakikipag Laban at SHET! si Angel!

Di ako makapasok sa Barrier dahil Ang barrier na ginagawa ni Angel ay limang beses na mas malakas at mas matibay kesa sa Mga barrier na ginagawa ko, pinapanuod ko Lang sya dahil Wala akong magawa kahit gusto Kong tumulong, napabagsak nya Yung Isa Sa isang suntok Lang Pinaulanan Naman nya Ng Light Arrows Ang iba at tuluyan na silang mag laho lahat, hinihingal na si Angel Ng tanggalin nya Ang barrier ay Agad akong lumapit sakanya

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon