Tu

17 3 0
                                    

Hindi ako makatulog sa mga nalaman ko, at Hindi parin nag sisink in lahat Ng yon sa utak ko ayoko parin maniwala iniisip ko na baka panaginip Lang lahat Ng Ito or baka nag jojoke lang si mommy, pero ilang beses ko Ng kinurot at sinampal Ang sarili ko Wala paring nangyayari

Hindi Ito Ang Birthday gift na gusto ko, gusto ko Ng normal na buhay Lang na masaya kasama Ang Pamilya ko, Yung Hindi sila Laging busy Yung lagi kaming nagsasabay pag kumakain Yung nanunuod Lang kami Ng movie buong araw Yung nag lalaro Lang kami sa garden ganon Yung gusto ko, I never dreamed of having a fucking powers, I don't even know my powers

" Anak? " Napatingin ako Kay mom na kakapasok Lang sa room ko

Nakapag ayos na ko Ng gamit, isang maleta Lang Ang dala ko kase Wala akong balak magtagal sa Sinasabing lugar ni mom

" Mom? Is this really happening? " Tanong ko kase di parin talaga ako makapaniwala

Tumango Lang si mom at umupo sa tabi ko, nakahilig Ang ulo nya sa balikat ko at may naramdaman akong basa mukang umiiyak nanaman sya

" Mom ano po Ang powers ko? " Tanong ko kase Hindi ko naman talaga Alam
Napatingin sya sakin at hinarap ako

" We don't have any idea, because your power is kept since you're born, you'll discover your powers once you enter our real world, are you ready? " Tanong ni mom at tumango naman ako

Tumayo na kami at kinuha ko naman Ang maleta ko, nagtataka ako kase nakatingin Lang si mom sa pader Ng kwarto ko, may binulong si mom pero di ko masyadong Narinig pero WTF!! Di pa ba tapos lahat Ng kahiwagaan na to? Bigla kaseng may Parang black hole na lumitaw sa pader Kung saan naka harap si mom

Napalunok ako Ng laway sa nakita ko, dito ba talaga kami dadaan? Parang sa space kami makakapunta pag Jan kami dumaan, hinawakan ni mom Ang kamay ko na kasalukuyang nanlalamig ngayon, ngumiti Lang sya sakin na Parang sinasabi nya na kumalma Lang ako

Humakbang kami ni mom at pumasok sa black hole na yon nakapikit Lang ako Wala akong naramdaman na nagkahiwa hiwalay Ang katawan ko kaya kumalma ako Ng konti

" Open your eyes son " pagkasabi non ni mom ay dahan dahan Kong binuksan Ang Mata ko

Totoo ba talaga to? Kinusot ko Ang Mata ko para siguraduhin na Hindi ako namamalik mata, fuck totoo nga! Nandito kami ngayon sa tapat Ng isang malaking gate, napakataas Ng gate na to na kulay Green sinilip ko Ang loob at di ako makapaniwala sa nakikita ko, may mga lumilipad na Tao may mga tumatakbo Ng sobrang bilis na halos di ko na Makita meron ding mga Tao na nagbabago Ng anyo, di pa ko nakakapasok nyan ah, nakasilip palang ako sa gate pano pa kaya pag pumasok ako

" Anak listen to me, iiwan na Kita dito --- "

" Mom no! Can't you see I can't do this without you it's creeping me out mom " di na natapos ni mommy Ang sasabihin nya dahil kinakabahan na talaga ako

" You'll be fine anak, may kailangan Lang kaming ayusin Ng daddy mo bago kami bumalik dito, dito ka mag aaral dito mo malalaman Kung Sino ka talaga gusto ko na alagaan mo Ang sarili mo, kumain ka sa tamang oras ha at wag Kang pasaway " Sabi ni mom na maluha luha na

" Mommy Naman " ngayon pati ako mukang maiiyak na

" Pumasok ka na anak, everything will be fine this world need us for now kailangan mo munang matutunan lahat, go to the headmaster's office Alam na nya Ang gagawin " bilin ni mom at tumango naman ako

" And one more thing son, please I'm begging you wag na wag Kang gagawa Ng kalokohan if possible wag ka masyadong makipag usap okay? " Pano ko gagawin yon e kalokohan Lang Alam ko

Tumango ako Kay mom niyakap nya ko Ng mahigpit bago sya umalis, huminga ako Ng malalim bago itulak Ang gate na to pero Parang di na kailangan kase kusa Naman Yong bumukas, napakalaki Naman Ng lugar na to, habang hila Ang maleta ko Hindi ko maiwasang Hindi mamangha sa mga nakikita ko sa sobrang laki Ng lugar na to para akong nasa isang bayan

Napatingin ako sa malaking logo na nasa pinaka taas Ng statue na nakalagay sa gitna Ng fountain di kalayuan sa gate na to Zentopia University Ang pangalan Ng school, shit! Nakalimutan ko itanong Kay mom Kung saan Banda Ang headmaster's office

Naglalakad ako ngayon papunta sa unang building na nakikita ko, halata Naman Ang pagtataka sa mga Mata Ng mga estodyante dito, Sabi ni mommy wag akong papansin pero pano ko gagawin yon Kung Ang gwapo ko?

" OMG he's so hot "

" Transfer? "

" Hi cutie "

Hanggang dito ba Naman di ako tatantanan Ng mga babae, cool Lang akong naglalakad di pinapansin Ang tingin Ng mga nadadaanan ko, hila hila ko parin Ang maleta ko Yung Isa ko namang kamay ay nasa bulsa Ng pants ko, naka black pants ako at white Vneck t-shirt na pinapatungan Ng black Kong jacket, jeez Parang normal na Tao Lang naman sila pero Ang lakas Ng presensya Ng bawat Isa

" Looking for the headmaster's office? " Napatingin ako sa batang lalaki na nasa harap ko ngayon siguro 7 or 8 years old Lang sya

" Yes " I answer

Tinuro nya Ang daan papunta sa headmaster's office nagpasalamat ako bago sya tumakbo palayo at mabuti naman di ako naligaw, kumatok ako bago pumasok, kailangan Kong magpakita Ng konting galang kase Hindi ako sanay sa mundo na to, baka bigla nalang akong sunugin okaya barilin pag di ako nagpakita Ng good manners

May nadatnan akong lalaking nakaupo sa table Ng office na to siguro sya Yung headmaster kuno, pinaupo nya ako tahimik Lang ako habang pinag mamasdan sya siguro nasa 50 years old palang sya

" Sinabi na sakin Ng mga magulang mo na darating ka, Ito Ang Susi sa dorm mo nandoon na lahat Ng Kailangan mo, bukas mag uumpisa na Ang klase kaya Ito Ang schedule at i.d mo, good luck Mr. Redfox " Sabi nya habang nakangiti sakin

Di Naman sya masungit, tinuro nya din Kung saan Ang dorm ko bago ako umalis Ng office nya, tinahak ko Yung daan na sinasabi nya at nakarating Naman ako Ng maayos, pagpasok ko sa dorm ko para Lang akong nasa bahay may kusina, Sala, cr, at isang kwarto nasa third floor ako ngayon Ng building na to, Parang hotel Lang

Inayos ko Ang gamit ko, at tinignan Ang uniform, maganda naman Maroon na pants, white na long sleeve na papatungan Ng Maroon na Coat, nakita ko na din Ang schedule ko bukas 8:00Am Ang klase ko

Humiga na ko sa Kama, unti unti Ng pumapasok sa utak ko Ang mga nangyayari, at di ko parin matanggap, Parang gusto ko nalang bumalik sa mundo Ng mga Tao at gumawa Ng kalokohan, Parang mas gusto ko nalang Tumambay sa computer shop at maglaro Ng League of Legends buong umaga, kumain Ng fishball at kwekwek, at makipag suntukan sa mga Tambay mas gusto ko pa yon kesa sa weird na lugar na to na Parang di Naman ako nababagay
Habang nakahiga tinignan ko Ang i.d na nasa Kama ko haaayy Ito na ata Ang pinaka malalang nangyare sa buhay ko, pinag masdan ko Ang i.d ko

Freed C. Redfox
4th year
Beryl Class

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon