Eytin

8 2 0
                                    

" Freed "...

" Freed" ...

Tawag sakin nung babae na Laging nagpapakita sa panaginip ko, hinanap ko Yung boses nya at Nakita ko sya malapit sa may ilog habang nakalutang

" Anong kailangan mo? " Tanong ko

" Kukunin nila Ang babaeng minamahal mo " Sabi nya naguguluhan Naman akong tumingin sakanya

" Ang babaeng may sumpa kailangan sya Ng kasamaan, Hindi ko masabi Kung Kailan pero pag nakuha sya Ng kasamaan tapos na Ang lahat freed Wala ka Ng magagawa pa upang mailigtas Ang mundo na iyong pinag Mulan " paliwanag nya

Di ako makapag salita, bigla nalang akong nawalan Ng boses gusto Kong mag tanong pero ayaw bumuka Ng bibig ko, babaeng may sumpa? Si Angel...

" ANGEL! "  napabalikwas ako napatingin sa paligid.
Hays Yung babae talaga na nagpapakita sa panaginip ko laging kulang kulang binibigay na impormasyon.
Napatingin ako sa paligid, nandito ako ngayon sa room namin at nagtataka ngayon na nakatingin sakin Ang mga kasama ko.

" Ayyiiee Napanaginip  nya si ate Angel " tukso sakin ni Mira, naalala ko naman Yung panaginip na yon, kukunin nila si Angel, napatingin Naman ko Kay Angel

" Angel, are you okay? " Tanong ko nagtataka Naman syang tumango

" You're acting so weird " sagot nya sakin

" Lakas mo naman Kay Freed, pati sa panaginip nya nakakadating ka " tukso ni Lizza Napa irap Naman si Angel

Nakatulog ako dahil sa tagal Ng prof namin may one hour vacant kase kami di na kami umalis Ng room at di ko inaasahan na makakatulog ako, Ng dumating na Yung prof namin ay nag ayos na ko Ng upo tinutukso parin ako nila Alzack pero di ko nalang pinansin, kinakabahan parin ako sa sinabi Ng babae sa panaginip ko, si angel Yung babaeng may sumpa sigurado ako Doon at kukunin sya Ng kasamaan.
May pumasok na Student at sinabing pinapatawag kami ni Headmaster, agad Naman kaming nag tungo duon tahimik Lang akong nag lalakad habang iniisip parin Yung panaginip na yon kinakabahan ako, kinakabahan ako para Kay Angel pano Kung kunin sya at Wala ako sa tabi nya pag nangyari yon, pano na Yung pangako ko na poprotektahan ko sya. I need to do something

" You'll have a mission " umpisa ni Headmaster

" YAAAANNN!!! " sabay na Sabi ni Alzack at Warren, pero si headmaster seryoso parin Ang mukha

" Something wrong? " Tanong ni Angel  umiling Naman si Headmaster

" Masyadong delikado Ang Mission na to, pupunta Kayo sa lungga Ng Traxos para iligtas Ang mga binihag nilang mamamayan hindi ako sigurado Kung Ilan sila pero sa tingin ko Dalawampung Tao Ang kinuha nila upang gawing alay, mag iingat Kayo Sa misyon na to dahil maaring buhay nyo Ang maging kapalit " Sabi ni Headmaster

Parang natuyo Ang Lalamunan ko Hindi ako makapag salita nakatingin ako sa mga kasama ko di Naman sila mukang kinabahan pero seryoso silang lahat, mukang ako Lang talaga ang kinakabahan ngayon, dahil na din siguro sa panaginip ko kanina hanggat maari dapat Hindi makalapit Ang traxos Kay Angel dahil sigurado gagamitin nila lahat Ng chance na kunin si angel Lalo na at malapit Lang sya.

" Palala Ng Palala Ang ginagawa Ng Traxos at padami na din sila Ng Padami walang makakapag Sabi Kung Kailan magaganap Ang Digmaan pero sa mga sinyales na pinapakita nila malapit na itong mangyari " Dagdag pa ni Headmaster

" Kailan po kami aalis " tanong ni Mira

" Ngayon, sa kalkolasyon ko Mamayang Gabi sila iaalay kaya dapat na silang Mailigtas ngayon " Sabi ni headmaster

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon