" Freed "Nandito ako ngayon sa isang lugar na Parang paraiso di ko Alam Kung nasaan ako ngayon pero napakaganda Ng lugar na to
" Freed " tawag ulit saakin pero di ko Alam Kung Sino
" Magpakita ka " Sabi ko at lumitaw sa harap ko Ang isang napakagandang nilalang
Isang babae na hanggang lupa Ang kulay Ginto na buhok na nakakasilaw para syang Dyosa na sa langit Lang makikita, pero bat Parang pareho sila Ng Mata ni dad parehong kulay Berde , lumulutang sya habang papalapit saakin ako Naman nakatayo Lang
" Freed " tawag nya ulit saakin napaka gaan sa pakiramdam Ng boses nya
" Anong kailangan mo? " Tanong ko ngumiti Naman sya sakin
" Freed makinig ka " umpisa nya tumango naman ako
" Ikaw Ang nakatakda na maglikigtas sa Zentopia, nasa kamay mo Ang kinabukasan Ng lahat at Ng babae na iyong iniibig " Sabi nya
" Pfffft Wala naman akong iniibig " sagot ko na medyo natatawa pa totoo Naman eh wala naman akong nagugustuhan
" Mababatid mo din Ito sa iyong sarili, Hindi ko sakop Ang iyong buhay pag ibig pero sa ngayon kailangan mong hasain Ang iyong kapangyarihan na aking kaloob noong Ikaw ay naisilang, Ikaw Ang Hari Ng kalangitan Freed, Ikaw Ang nakatakda at nasayo Ang kapangyarihan na magliligtas sa lahat kailangan mo Lang itong tuklasin, sa ngayon nag uumpisa Ng lumabas Ang iyong kapangyarihan pero hanggat maari Hindi Ito pwedeng malaman Ng lahat dahil hahabulin ka Ng kasamaan at magugulo Ang nakatakdang mangyari, Ang Panahon ay maari Mong pasunurin Ang langit ay pwede Mong angkinin, Ang Kalawakan ay sayo din tanggapin mo Ang lahat lahat at gagabayan Kita freed " Sabi nung babae sa harap ko
Unti unti na syang naglalaho at lumiliwanag Ang katawan nya
" Tekaaaaa " tawag ko pero tuluyan na syang makaalis
Hari Ng kalangitan????
...
Minulat ko Ang mga Mata ko, kumikirot pa Ang ulo ko nandito ako sa kwarto ko pero pano? Pagkaka alala ko ... Ah oo nga pala nahimatay na ko pagkatapos non. Nakatingin Lang ako sa kisame Ng maalala lahat Ng nangyare, di parin ako makapaniwala na nakapaglabas ako Ng ganon kalakas na kapangyarihan, noong una kidlat ngayon Mga meteors na galing sa kalawakan
Yung panaginip ko, Yung babae? Totoo ba talaga lahat Ng yonm pumapasok ulit sa isipan ko Ang mga impormasyon na pumasok sa isip ko noong nakikipag Laban kami may isang babae na nakikipag usap sakin sa panaginip pero ngayon mas luminaw na Ang lahat, Alam ko na ngayon Kung Sino talaga ako at hanggat maari kailangan Kong itago yon dahil marami Ang mapapahamak
Kailangan Kong matutunan kung paano kontrolin Ang kapangyarihan na meron ako pero paano? At kailan ako mag uumpisa di ko naman Alam Ang gagawin kase pati ako Mabibigla pag lumalabas Ang kapangyarihan ko
" KUYAAAA FREEEEEDD!!! " nagulat ako Ng may biglang sumigaw
Tumingin ako sa pinto Ng kwarto ko at nandito silang Lima at tulad Ng inaasahan si Mira Ang sumigaw, may dala din silang pagkain at prutas Wala na Ang mga sugat nila at mukang okay na silang lahat, Edi Sana all.
Napunta Ang tingin ko Kay Angel pero nag iwas Lang sya Ng tingin ano nanaman problema Ng babae na to? Mamamatay na at ako pero di ko parin sya nakikitang ngumiti" Komusta ka na ? " Tanong ni Warren
" Okay Lang gwapo parin " sagot ko
" Mukang okay ka na nga " Sabi Naman ni Liza
Nakaupo si Mira sa Paanan Ng Kama ko sa kabila Naman si Alzack tapos Yung tatlo nakaupo sa sofa na nasa Kwarto ko
" Alam mo ba kuya Freed ngayon Lang ako nakakita Ng ganon na kapangyarihan Ang galing galing mo palaaaa " masayang Sabi ni Mira
" Akala ko talaga Kidlat Ang kapangyarihan mo pero mas malakas ka pala sa inaakala ko freed " masayang Sabi ni Alzach
" TAPOS KUYA FREED ALAM MO BA NUNG NAHIMATAY KA SA SOBRANG LAKAS NG KAPANGYARIHAN NA NILABAS MO ALALANG ALALA TALAGA KAMI SAYO TAPOS DALAWANG ARAW KA PANG WALANG MALAY BUTI NALANG OKAY KA NA NGAYON " Sabi ni Mira napaka energetic na Bata talaga nito, pero talaga? Dalawang araw akong walang Malay, tagal Naman
" BAT KA SUMISIGAW! " suway ni Alzack pero inirapan Lang sya ni Mira
" PERO MAS NAG ALALA TALAGA SAYO SI ATE ANGEL AGSKSGAKAGSKA! " di na natapos ni Mira Ang sasabihin nya Ng subuan sya Ng buong mansanas ni angel
Tinignan ko si angel, nginisian ko sya tinaasan nya ko Ng kilay tapos nag iwas na ng tingin. nag aalala pala sya ah, konti nalang iisipin ko na talagang may crush sya saken hahaha
Umalis na sa Kama ko Si Mira nakaupo na sila ngayon sa sofa habang kumakain Ng Prutas si Lizza si Warren at Alzack Naman ay pumunta Ng kusina Si Angel na Ay kumuha Ng silya at umupo sa tabi Ng Kama ko, naku naku mag tatapat na ata sya na may crush sya sakin hehe" Let me guess, You're thinking of some stupid things " Sabi nya habang naka cross arms at naka taas Ang kilay na nakatingin saakin, napatawa Naman ako Ng bahagya, di na sya nag bago kelan ba babait tong babae na to
" I'm thinking about you, so your a stupid thing? " Pang aasar ko sakanya at tinatawanan ko Lang sya
" Stop laughing, walang nakakatuwa " Sabi nya napaupo ako Ng maayos sa Kama ko at tinignan sya
" Do you know how to smile? " Tanong ko tinaasan nya Lang ako Ng kilay sumosobra na sa katarayan Ang babaeng to
" I have no reason to smile " Sabi nya, ngumiti Lang ako dahil sa kabiteran Ng babae na to pinaglihi siguro sya sa ampalaya
" There's always a reason to smile, kahit gaano pa kaliit na bagay yon Basta inisip mo na Yung nagpapasaya sayo mapapangiti ka, and sometimes you don't need a reason to smile, even waking up Every day can make people smile yah know it shows that you're thankful because you're alive " explain ko
" Corny , you sound like a gay because of those words coming from you " sagot nya napailing nalang ako sa katarayan Ng babae na to
Kinuha nya Ang isang Orange at binalatan yon, nakatingin Lang ako sakanya pag di sya nag sasalita Hindi halata Ang katarayan nya mabuti naman syang Tao di Lang sya showy sa nararamdam nya, pagkatapos nyang balatan Yung orange ay binigay nya yon sakin, awwwiiiww inlove na ata sya sakin hwapo mo talaga freed
" Thanks for saving me last time " sabi nya habang nag babalat ulit Ng orange
" Kwits na Tayo nyan " sagot ko tumango Lang Naman sya
" Yung mga nakalaban natin Ay Ilan sa mga Class A Traxos Army, malalakas sila, dahil sa kapangyarihan na pinakita mo kahit namatay sila asahan mo Ng nakarating sa Pinuno nila Ang balita " Sabi ni angel
Napaisip Naman ako, Kung nakarating na yon sa Pinuno nila nabigo ako na itago Ang kapangyarihan ko Ibig sabihin maraming mapapahamak
" Angel? " Tawag ko sakanya
" I need to learn how to control my exousíes " seryoso Kong Sabi napahinga Naman sya Ng malalim
" Okay, I'll train You but ... "
" I'm not allowed to touch you, yah I know " pagtutuloy ko sa sinabi nya
Alam ko naman na di ko sya pwedeng hawakan, kailangan ko na talagang matutunan Ang kapangyarihan na to sa lalong madaling panahon