Tertiwan

5 1 0
                                    

" Gaea University is Out! Zentopians!  Don't worry Gaea University you're still amazing " sigaw Ng Emcee Ng Matumba na Ang huling Lumalaban na representative Ng Gaea University

Napatumba sya Ni Vien gamit Lang Ang isang malakas na sipa sa mukha, si Vien Ang pinaka Bata kesa sa Mga kalaban na kaharap nya na nasa 19 years old na at lahat Ng kalaban nya ay lalaki, isang Representative nalang Ng Photia University Ang kalaban nya ngayon

" I'm so proud of Gaea talaga, kahit natalo sila di nila yon dinidibdib at masaya parin sila " Sabi ni Mira na proud na proud parin sa mga Gaea University, remember sa Gaea Ang Kaharian nila

Naglaban na si Vien at Ang taga Photia University Nakakamangha kase di sila gumagamit Ng kapangyarihan, pisikal Lang silang nag lalaban at katulad ni Vien Magaling din Ang kalaban nya sa Physical fights. Bandang huli ay si Vien parin Ang Nanalo pinalakpakan namin sya at nag sigawan din Ang Mga taga Zentopia University na nanunuod ngayon, pinagaling ni Vien Ang mga Nakalaban nya at Masaya na silang nag kwentuhan pagkatapos non.

Sa Pagitan Naman Ng Labanan Ng Dalawang taga Aer at Nero ay Nanalo Ang Taga Aer bagsak Ang dalawang taga Nero at isang Aer.

Sa Labanan Naman sa West side Kung nasaan Ang kalase naming si Genea ay Kasalukuyan silang naglalaban Ng Isang myembro Ng Fos na Isa ding Ice User pero di katulad Kay Genea Ang Ice Ng kalaban nya ay kulay Violet Yung Kay Genea kase kulay blue, natalo Ng Taga Fos Ang Isa pa nilang kalaban na taga Photia Ang Isa naman na taga Fos ay natalo Ng Taga Photia, halatang nahihirapan si Genea ngayon dahil sa mga natamo nyang mga sugat sa Taga Photia University, Pinaulanan nya Ng Ice Blades Ang Taga Fos pero naiwasan Lang agad yon Ng kalaban, Nanghihina na silang dalawa pero Wala paring gustong magpatalo, nakaluhod na sa Lupa so Genea Hindi nya napansin Ang mabilis Papalapit na Kalaban Isang Matulis na ice Sword Ang Tumusok sa Tagiliran na Genea na ikinagulat nya Pero laking gulat namin Ng Gumawa din sya Ng Ice sword at sinaksak Ang kalaban.

" I- it's a draw! Zentopians!!! Parehong Hindi na makakilos si Genea Ng Z.U at Klea Ng F.U! " Sabi Ng emcee

Napahiga nalang sa Lupa Ang magkalaban at Nag shake hands Sabi ni Alzack pag draw daw ay parehong walang points Ang magkalaban.

" Hindi parin naglalaban Ang mga Leaders, dalawang myembro nalang Ang naglalaban ngayon Ang Taga Z.U na si Trevor at Ang taga F.U na si Clara!, Ano kaya Ang kalalabasan Ng Laban na Ito, at Kailan kaya kikilos Ang mga leader!!! " Sigaw Ng emcee

Dumako Naman Ang atensyon Ng lahat sa Southern part isang one on one na Laban Ang nagaganap sa pagitan ni Trevor at Isang Taga Fos, nagtataka Ang lahat Kung bakit Hindi Lumalaban si Trevor isang Illusionists at Sorcerer at pinsan ni Mira, Kaharap nya ngayon Ang isang Babae na Taga Fos isa itong Plant User, puro iwas Lang Ang ginagawa ni Trevor sa kalaban na Pinapaulanan sya Ng Rose spikes at Burning petals. Medyo nakaka boring Ang Laban nila dahil di talaga lumaban si Trevor.
Bigla syang Nahuli Ng kalaban nya nakatali na ngayon Ang mga paa at kamay ni Trevor sa Ginawang Baging Ng kalaban nya. Gumawa Ng mga arrows Ang kalaban gamit Ang kahoy napakarami non at nakatutok lahat yon Kay Trevor.

Nagulat kaming lahat Ng Papalapit na Kay Trevor Ang mga Arrows Ng bigla nalang natumba Ang kalaban ay umubo Ito Ng dugo, napatingin kami sa likod nya at nanduon si Trevor na Naka cross arms Lang na naka sandal sa isang pader, so All this time illusion Lang Ang kalaban Nung taga Fos? Magaling pala talaga sya tulad Ng Sabi ni Mira, di Lang Magaling matalino pa Ito

" Clara Of F.U is Down! Trevor Of Z.U Won!!!! " Sigaw Ng Emcee nagsigawa. Naman Ang mga Tao, nakakamangha Kasi talaga Yun

Hindi parin nag lalaban Ang mga Leader na nasa Gitna Ng Syudad ngayon, naka tingin Lang sila sa isa't Isa na Parang nag uusap gamit Ang mga mata nila, Ang leader Ng Fos ay Babae, Ganon din Ang Gaea at Nero, Ang Aer, Zentopia at Photia Naman ay may Mga lalaking leader, Kakaiba Ang leader Ng Fos dahil Mula kanina Hindi nya pinapakita Ang kapangyarihan nya tanging Ang katana Lang na hawak nya Ang gamit nya para matalo Ang mga kalaban.

Parang Fos University at Zentopia University Lang Ang naglalaban ngayon dahil Mula kanina Ang dalawang school Lang na to Ang nag kakainitan, matalim Ang titigan ng leader Ng Z.U na si Mark at Leader Ng F.U di nila pansin Ang ibang leader na kalmado Lang na nakangiti sa isa't Isa, silng dalawa Lang Ang seryoso sa apat na Leader na nasa Gitna Ng Syudad ngayon.

Kumilos na Ang leader Ng Fos  University at kinalaban Ang Leader Ng Nero at Photia University Napa singhap ako Ng Mawalan Ng Malay Ang dalawang leader dahil Lang sa Isang kumpas Ng katana, natahimik Ang Lahat dahil sa tensyon, si Mark naman ay Pinatumba Ang leader Ang Aer at Gaea University, Magaling Ang bawat leader pero pag dating sa bilis Parang 100x na lamang Ang leader Ng Fos at Zentopia, pano ko nasabi? Sa isang Kurap Lang Natalo na nila Ang apat na leader.

Don't get me wrong Magaling Ang bawat leader, at kakaiba Ang galing Ng bawat isa sakanila pero Ang apat na leader na yon ay gulat din sa nangyari sakanila, Ikaw ba Naman na tahimik na nakatayo lang tapos masasaksak ka sa loob Lang Ng isang Segundo.

Katulad Ng sinabi ni Warren naging Madugo nga Ang Laban na to, nakakaawa Ang sinapit Ng leader Ng Nero at Photia na pinuruhan Ng leader Ng Fos dahil gumagapang silang lumalayo ngayon sa Labanan Ng Z.U at F.U Ang mga tinalo Naman ni Marcus ay nawalan Ng Malay

Matalim na nakatitig sa isa't Isa Ang leader Ng Fos at leader Ng Z.U  na Parang matagal na silang nagkakilala.

" Sino kaya Ang mananalo sa pagitan Ng Leader Ng F.U na si Aurora at leader Ng Z.U na si Mark " Sabi Ng Emcee

Tahimik Lang Ang mga manunuod, malapit ng mag Gabi pero di parin tapos Ang laban.

" Di maganda to " Sabi ni Warren na nakahawak sa baba nya na Parang nag iisip

" They're gonna kill each other " Sabi ni Angel na nasa kaliwa ko naman

" What do you mean? " Tanong ko naguguluhan na kase ako sa mga sinasabi nila

" Isn't it obvious simula nang mag umpisa Ang Laban mainit na Ang dugo nila sa isa't Isa, Wala sa isip nila Ang Manalo sa nakikita ko mas gusto nila mag higanti sa isa--- " Hindi na natapos ni Angel Ang sasabihin nya Ng isang malakas na pagsabog Ang nangyari sa battle ground.
Makapal Ang nilikha nitong usok ilang minuto pa ay humupa na Ang usok at natahimik Ang Lahat sa nakita

Wtf?

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon