Tweyntinayn

6 1 0
                                    

" u ok? " Tanong ko Kay Angel para mabasag Ang katahimikan namin habang nag lalakad, tumango Naman sya bilang sagot.

" We're here " Sabi nya

Nakatayo kami ngayon sa entrance Ng isang Napakalaking Grocery store, sobrang lawak talaga Hindi Ito katulad Ng Grocery store sa human world kase mas malaki Ito, nandito parin Naman kami sa loob Ng Magi Walk pero sobrang lawak talaga Ng Store na to.
Di parin maalis Ang pagkamangha ko dahil sa damin Ng pagkain sinundan ko na si Angel Ng Pumasok sya naglilibot parin Ang paningin ko sa paligid, This place is heaven... Para sa mga taong patay gutom

Nahagip Ng paningin ko Sina Alzack na tinutulak Ang Cart Kung saan nakasakay si mira, si Warren Naman sya Yung nakasakay sa isang cart na tinutulak Ng naiinis na si Lizza.
Natatawa nalang Ang mga Tao dito na namimili din dahil sa kakulitan nila
Sinundan ko Lang si Angel at kumuha sya Ng basket at nag lakad na hanggang sa makarating kami sa Chocolate Lane Ng Store na to.
Sobrang daming chocolate Kung nandinto Lang si kuya baka binili na nya Kalahati dito Adik Yung sa chocolate eh

" Ako na mag dadala " Sabi ko at bahagyang hinablot Yung Basket Kay angel medyo nagulat sya pero agad din bumalik Ang tingin sa Mga chocolates, Nakita ko na Parang kumikinang mata nya habang nakatingin sa mga to, psshh may pagka childish din pala tong babae na to pagdating sa pagkain.

" You like Chocolates? " Tanong ko tumango Naman sya

" Kumakain ka Ng champorado? " Tanong ko ulit napatingin Naman sya sakin na naka kunot Ang noo

" Champo-- what?? " Tanong nya di pa mabigkas Ng buo Yung champorado, mayayaman nga Naman, o baka Naman Wala Lang champorado dito sa Zentopia???

" Masarap yon, uhmm rice pudding with chocolate ba tamang explanation don? " Nagtatakang tanong ko sa sarili ko di ko kase Alam Kung rice pudding ba yon o normal na kanin Lang

" Whatever " Sabi nya at naglagay na Ng dalawang chocolate bar sa Basket

Sinusundan ko Lang sya hanggang sa Mapunta kami sa Milk Lane, Aauughh this is heaven lingid sa kaalaman nyo mahilig talaga ako sa milk, di ko Naman Alam na meron palang Gatas sa Mundo ma to.
Kumuha ako Ng Limang kahon Ng Fresh Milk at Nilagay yon sa basket na hawak ko
Nagtataka akong tinignan ni Angel, di ko Alam Kung nang aasar sya o ano

" What ? " Tanong ko kase mataray nya parin akong tinitignan

" That's a lot of milk " Sabi nya

" Same as your Chocolates, and babayaran ko naman eh " Sabi ko at inirapan nya Lang ako

Nagtingin tingin pa kami sa ibang lane, pero Wala na Kong nagustuhan bukod sa milk nagkita Kita kami nila Alzack,Mira, Lizza and Warren sa counter, puno Ng Chips at Biscuits Ang Cart nila Mira at Alzack, Sina Lizza at Warren naman ay mga drinks. Pagkatapos namin magbayad ay Lumabas na kami Wala kaming bitbit kase tinago yon ni Angel, kaya din siguro gawin nila Alzack yon kaya nila natago Yung mga Alak noong unang beses silang uminom sa dorm ko.
Pagkatapos namin mamili ay bumalik na kami sa Z.U at nagkanya kanya na kami Ng uwi sa dorm namin 6:30 palang Naman mamayang 8:00 palang sila pupunta dito sa dorm ko

Nag linis Muna ako Ng konti sa dorm ko, Wala naman masyadong kalat di Naman kase marami Ang gamit dito at Hindi Rin ako makalat na tao, pagkatapos ko maglinis ay inayos ko na Ang kwarto ko Kung saan kami matutulog lahat Ewan ko Kay Mira Sabi ko Pwede namn matulog sa Sala kaming mga lalaki kaso gusto nya sama sama para daw feel na feel Yung sleepover.
Pagkatapos ko mag ayos Ng kwarto ay naligo na ako at nag bihis, naka suot Lang ako Ng jersey short at sando na puti nasa loob Lang naman Ng dorm eh.

Ilang minuto pa Ang nakalipas ay nagdatingan na sila. Dumiretcho na sila sa Sala at nag Indian sit sa lapag at nilabas na ni angel mga pinamili namin kanina di ko Alam Kung mauubos namin to sa sobrang dami.
Ako Naman pumunta Ng kusina para ilabas mga kailangan nila.
Pagbalik ko naka isang can na Ng Beer si Alzack at Warren si Liza Naman At Mira May nilalaklak na mga Chichiria, si Angel ayun tahimik Lang kumakain Ng chocolate nya.

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon