Eleben

8 3 0
                                    

" hi Cutie "

" Good morning Freed My love "

" Hi Freed "

" Pare Yung Report mo pala ah "

Kakapasok ko Lang Ng room, katulad Ng dati Agaw pansin parin Ang kagwapuhan ko, nag hi Naman ako pabalik sa Mga kaklase ko buti nalang walang insecure sakin dito ka close ko naman mga kaklase ko, syempre bukod sa pagiging gwapo friendly din naman ako. Umupo na ko sa upuan ko Wala pa Ang mga Prinsesa at Prinsipe
Tumingin ako sa bintana nakakainip Naman Ang panahon ngayon di sobrang init pero di Rin naman uulan parang medyo makulimlim Lang umagang umaga nakakatamad Hays

Dumating na Ang mga Prinsesa at Prinsipe umupo na  sila pero naiwan na nakatayo sa harapan si Angel tumahimik Naman kaming lahat, Sino bang di tatahimik sa tingin ni Angel kala mo naman Papatayin ka pag di ka tumahimik, Napa Iling nalang ako sakanya kahit kailan talaga napaka bossy

" Listen up, We're having an Activity for Three days --- "

" YOWWWNNN!!! "

" YEEESSSS !!!! "

di na natapos ni Angel Ang sasabihin nya dahil Sa pagsasaya Ng mga kaklase namin halatang gustong gusto nila mag Activity or ayaw Lang talaga nila pumasok, tinignan ko si Angel pfffttt Ang sama Ng tingin nya sa mga kaklase ko hahaha

" IM NOT DONE YET " Sabi nya na medyo inis kaya natahimik na ulit Ang klase

" As I was saying may Activity for three days mag uumpisa yon Sa Monday, may apat na araw pa Tayo para mag prepare, Ang section natin Ang unang mag aActivity after natin susunod na Ang ibang class, Tayo Ang mauuna dahil kailangan nating maging Good Example sa iba, I want this activity to be Fun, each Class dapat may kanya kanyang Idea sa Activity Except sa Day one dahil napag desisyonan na ni Headmaster Ang gagawin Ng bawat class and the other days I already decided Kung anong gagawin " pag eexplain nya mag iingay na Sana ulit kami dahil planado na Ang lahat pero bago kami makapag salita Tinignan na nya kami Ng masama naku Naman

" For Day One kagaya Ng sinabi ni Headmaster Lahat Ng Section na mag aActivity ay dapat Magkakaroon ng feeding program, Tayo ay na assign  Sa bayan Ng Ferx, Ito Ang pinaka mahirap na bayan sa Zentopia Hindi ganon kalaki Ang populasyon nila sa ayaw at sa gusto nyo Tutulong Tayo sa bayan na yon.
For Day Two Magkakaroon Tayo Ng Concert I want all of you to Show your talents in singing and dancing gagawin natin yon sa Zentopia University Field 8:00Pm lahat Ng Estodyante sa University ay manunuod.
And Lastly Para sa Day Three Gusto ko mag relax tayong lahat at kalimutan lahat Ng problema natin in that day kaya Magkakaroon Tayo Ng Camping And Barbeque party at the same time PERO sa University Field Parin " Sabi ni Angel

Ang Ganda Ng mga naisip nya, siguradong mag eenjoy kaming lahat Lalo na mga students pag nag concert na kami HIHIHI papakitaan ko sila Ng gwapong talent ko

" Ang ganda Ng mga naisip mo Princess Angel " natutuwang Sabi ni Klesha isang kaklasi namin na

" Kung may Hindi Kayo nagustuhan Sa plano para sa activity feel free to ask and suggest " dagdag pa ni Angel

Sino bang di magugustuhan Ang naisip nya, Ang astig kaya Ng mga activity na gagawin namin Wala Naman naging problema sa First day kase di Naman labag sa loob nila na Mag feeding program sa Bayan Ng Ferx dahil matagal na daw silang di nakakalabas Ng University at Mabait din daw Ang mga Tao Doon, komusta pa ko diba? Kung sila matagal Ng di nakakalabas Ng University ako walang kaalam Alam sa mga bayan at mga Kaharian sa Zentopia

Pagkatapos namin mag meeting tungkol sa mga iba pang detalye tulad Ng pag papack Ng mga Grocery na pamimigay sa mga mamayan Ng Ferx at Pagluluto para sa feeding program napag usapan na din namin Ang about sa Concert merong nag solo, duo at nag Group sa tatlo at higit pa si Angel na daw Ang bahala sa Concert Stage namin, sobrang laki ng Field talagang kakasya kami don kase ginagawa din Yun battle ground, Yung sa Camping Naman kanya kanya daw Ng tent na papalibot sa isang malaking Bon Fire, mukang Magiging masaya talaga tooooooo

Lumabas na kami Ng Room at pumunta Ng Cafeteria di pa pala ako kumakain Mula kaninang Umaga tapos ginutom pa ko sa sobrang excited sa activity namin nag order na kami at umupo sa pwesto namin Excited na excited na si Mira nag tatalon na sya eh

" Ano kayang gagawin natin sa concert? " Tanong ni Lizza

" Wala din akong idea " sagot ni Warren na halatang dismayado

" Hmmm Tayo nalang pala Ang walang performance na ipapakita " singit ni Warren

Napaisip Naman sila, actually kanina pa ko may naisip sa concert kaya excited talaga ako, habang sila nag Iisip ako Naman nakangiti Lang habang kumakain

" Kuya Freed your smile is freaking me out " napatingin Naman ako Kay Mira at Napa Iling

" Actually may naisip na kase ako na gagawin natin para sa concert " pagmamalaki ko

" make sure it's not Something stupid " sabat ni Angel

" Gagawa Tayo Ng Band " sagot ko

" Good idea! I know how to play drums ako na sa drums  " sagot ni Warren

" Sa Piano ako " Sabi ni Lizza

" Electric Guitar Akooooo!! " Masayang Sabi ni Mira, wew marunong sya ?

" Acoustic guitar ako " Sabi ni Alzach

Sumang ayon Naman ako sakanila at mukang marunong Naman talaga sila sa Mga instruments na Pinili nila

" Sinong Vocalist natin? " Tanong ni Warren

" Stupid! Si Angel And Freed syempre " napatingin Naman ako Kay Lizza

Tinignan ko si Angel, marunong ba kumanta to? Alam ko magaling Lang sya mag sungit di man nga nag sasalita madalas eh, kumanta pa kaya

" Marunong Kang kumanta kuya freed ? " Tanong ni Mira tumango namn ako

" Sakto magaling kumanta si Ate Angel, well Hindi Lang magaling Kase sobrang galing nya talaga " natutuwa Nyang Sabi

" Ayoko " Sabi ni Angel napatingin Naman kami sakanya nalungkot Naman si Mira

" Why? U scared or shy? " Tanong ko tinaasan nya Lang ako ng kilay

" I'm not " she answered in a serious tone

" O baka di ka Lang marunong kumanta? Panget siguro boses mo" pang aasar ko

" Freed Tama na, Hayaan nalang natin " Sabi ni Lizza, Napa smirk naman ako

" I didn't know na di pala nakikipag participate sa ginawa nyang Activity  Ang Prinsesa Ng Fos " Sabi ko at nakipag sukatan ako Ng tingin Kay angel na masamang nakatingin ngayon sakin

" K-kuya freed Hayaan nalang natin si ate Angel " awat samin ni Mira pero masama parin nakatingin sakin si Angel ako Naman naka smirk sakanya

Di ako papayag na di sya sasali sya naka isip Ng concert tapos di sya sasali? Baliw ba sya? nagpalipat lipat Naman Ng tingin saamin Sina Mira pero masama parin nakatingin sakin si Angel pero syempre di Naman ako nagpapatalo, pumikit si Angel at huminga Ng malalim, hmm panalo ako

" Fine I'll think about it" sagot ni Angel napangiti Naman kaming lahat

Sabi ko na papayag sya eh, Pag ayaw Ng Tao pilitin dapat hahaha

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon