" ALZACK NAMAN SAKIN YAN EH! " sigaw ni Mira Kay Alzack, Napa Iling nalang kami sa ingay nya
" Asawa mo ko kaya dapat pagbigyan mo ko " sagot Naman ni Alzack
" Ah ganon, Oh Kung hiwalayan Kita ha? Ano! " Banta ni Mira
" Hehe sorry na hon, heto sayo na gusto mo pa ba magpapabili pa Tayo " natawa nalang kami sa kanilang dalawa
" Pasensya na Galeo and Patricia Ganyan Lang talaga sila " Sabi Naman ni Warren at sinuway Sina Mira at Alzack na ngayon ay maayos nanaman
Nandito kami ngayon sa Human World dito sa Pilipinas sa Mansyon nila Galeo, Isa sya sa mga Six Keys noon Kung naalala nyo, na kwento na sya saamin ni Warren at Lizza nagulat man kami ay napalagay na din Ang loob namin sakanya dahil taon taon kaming pumupunta dito pag Mag babagong taon na sa Pilipinas, sa Zentopia kase Wala namang Christmas and new year, Mga Festivals Lang.
Asawa nya si Patricia tatlong taon na silang mag Asawa at May dalawang taon silang Anak na lalaki, Isaac Ang Pangalan nya at Napaka bait nyang Bata. Si Lizza at Warren naman ay Three Years na ding kasal at may two years old ding anak na babae na si Natalia Kung si Lizza At Warren tahimik Lang si Natalia Naman ay Sobrang Likot at Napaka bibo, at Ang aso't Pusa Naman na si Mira at Alzack Apat na taon Ng kasal At may babae at lalaking kambal na anak na si Almira at Ackiro magkasundo Ang kambal na yon at Napaka sweet sa isa't Isa di tulad Ng magulang nila.
Limang taon na Ang nakalipas Nang matapos Ang Digmaan, binalik ni King Bright Ang lahat sa dati at pinuksa lahat Ng kasamaan Ng Traxos, nanumbalik Ang saya sa Zentopia, isang Tao nakalipas Ang Digmaan ay umupo na sa kani kanilang trono Ang mga Kaibigan ko, naging Hari na Si Alzack sa Land of Photia, naging Reyna Naman si Mira sa Land of Gaea pero napili nilang Tumira sa Land of Photia, si Warren Naman ay naging Hari na sa Land of Nero, si Lizza Naman ay Naging Reyna na sa Land of Aer pero naninirahan sila sa Land of Nero, Sa Land of Ouranos naman ay Hari na Doon si kuya Marcus at Asawa nyang si Ate Crystal, mabait si ate crystal at Napaka mahinhin may anak na din silang lalaki na kasama Kong gumagawa Ng kalokohan sya ay ang Four years old na si Alexandrite, tinanggihan ko Ang pagiging Hari naintindihan Naman nila iyon, Ang mga Magulang namin Ng mga kaibigan ko ay namumuno parin pero pa chill chill na Lang sila ngayon dahil Ang tungkulin nila ay napasa na sa Mga anak nila, nag aalaga nalang sila ngayon Ng mga apo nila. Si king Bright at Queen Erza Naman ay biniyayaan ulit Ng Kambal na anak na Lalaki na si White at Light isang taong gulang palang sila at Todo alaga talaga sila sa Mga Ito.
" Mommeeee!!! " Napatingin kami sa batang babae na tumatakbo ngayon papalapit saamin
Naluluha na tumatakbo sa dinning table si Natalia ang anak ni Warren at Lizza, nakasunod Naman sa likod nya Ang tumatawang Sina Isaac, Ackiro at , si Almira naman ay pinapalo Ang dalawa sa braso, si Alexandrite Naman ay Seryoso Lang at poker face as always, sinasama ko talaga si Alex pag pumupunta kami dito pumapayag Naman si Kuya kase di ko Naman pinapabayaan Yung anak nya kahit lagi kaming gumagawa Ng kalokohan
Kumandong si Natalia Kay Warren at pinunasan nito Ang luha nya, tumabi din sakin si Alexandrite, Ang kambal Naman ay naka kandong sa Mga magulang nila, Ganon din si Isaac.
Napailing nalang ako sa Mga Bata na to kahit makukulit ay Ang tatalino parin." What happened baby " tanong ni Lizza Kay Natalia
" Si Ishaak and Ackiwo kasheee, sabi nila may gowsh daw " explain ni Natalia honestly di ko masyadong gets hahaha
Nagtawanan Naman Sina Isaac at Ackiro, si Almira Naman sinusuway Ang Kambal nya.
" I told you Naty walang ghost Doon, stop crying naaa " suway ng katabi ko na si Alex sabay subo Ng chicken wings
Pagkatapos namin mag dinner at lumabas na kami at pumunta sa Garden Ng Mansyon nila Galeo It's already 11:00 Pm hinanda na nila Alzack Ang mga fireworks Ang mga Bata naman Ay may Torotot na hawak at kanina pa nag iingay, Sina Mira Naman ay inaayos Ang table, ako Naman Nag iihaw Ng Hotdogs and pork Barbeque
Masaya Kong pinapanuod Ang mga Bata na naghahabulan ngayon napailing nalang ako Kay Alex dahil kahit anong sungit nya ay napapatawa pa din sya sa mga kaibigan nya.
I looked at everyone they're all happy, masaya din ako para sakanila.
Napaka buti nilang kaibigan, simula Ng Matapos Ang Digmaan ay Hindi nila ako iniwan kahit may kanya kanya na silang Pamilya at tungkulin ay binibisita parin nila ako sa Ouranos.Madalas akong mainip sa Palasyo pero dahil Kay Alex nawawala Ang pagkabagot ko, madalas kaming pumunta sa Human world na Hindi Alam Ng mga magulang nya para Lang sumakay Ng mga Rides at kumain Ng mga street foods, Pag Nasa Ouranos Naman kami ay namamasyal kami sa Iba't ibang bayan, Minsan pag Hindi Ko kasama si Alex Hindi ko Alam Kung paano libangin Ang sarili ko, kahit busy lagi Ang mga magulang ni Alex di parin sila nawawalan Ng oras sakanya, Parang ginawa Lang akong baby sitter ni kuya -_-
Ng matapos ko Ang mga iniihaw ko ay dinala ko na Ito sa table at nakipag asaran na kina Warren kasama Ang mga Bata, Ng malapit Ng mag twelve ay Nag tayuan na kami para salubungin Ang bagong taon.
" 3...2...1 "
"HAPPY NEW YEAR!!! " sabay sabay naming sigaw at lumiwanag na Ang kalangitan dahil sa mga fireworks, tuwang tuwa Ang mga Bata at nag tatalon sa saya
Nagpabuhat sakin si Alex at sabay naming pinanuod Ang Mga fireworks, kumikinang Ang mga Mata nya habang pinapanuod Ito.
" Happy New year Tito Freed " Sabi ni Alex at niyakap ako habang karga ko sya
Masaya na ko Kung anong meron ako ngayon, pero kahit ganon Hindi ako nakakalimot Hindi parin nagbabago Ang nararamdaman ko sakanya, Nagpapasalamat ako dahil Hindi Magiging Payapa Ang Zentopia kundi dahil sakanya, at di Magiging ganito kasaya at natahimik Ang pamimigay ng mga Kaibigan namin kundi dahil sakanya.
Babalik din Ang dating saya Ng puso ko pag nag sama na ulit Tayo, Tutuparin ko Ang pangako ko Mahal ko...