Tertin

6 2 0
                                    

" ANO BA KUYA WARREN ANG TAGAL NAMAN NYAAAAN! " Sigaw ni Mira Kay Warren, nagtawanan Naman Ang mga kak

Nandito kami ngayon sa room at nag papack na kami Ng Mga groceries, Si Warren Ang nabibigay Ng mga box Kung saan namin ilalagay Ang mga Groceries at katulad nga Ng Sabi ni Mira Ang tagal nya, nandito lahat Ng mga kakalase namin, bawat Isa may ginagawa ako Naman Yung nag tetape sa mga box, busy kaming lahat except Kay Angel na tinitignan Lang kami

" Hoy Angel Tulungan mo nga kameee!! " Sigaw ko tinaasan nya Lang ako Ng kilay

" Tumutulong na ko " sagot nya
" Kailangan Kong bantayan Kung may tamad " dagdag nya pa

" IKAW YUNG TAMAD EH " sagot ko at nag tawanan Naman mga kaklase namin

Di nila kayang sagut sagutin si Angel katulad Ng ginagawa ko kase takot sila Kay Angel, ako di Naman ako takot sakanya at Di Naman ako kayang takutin ni Angel Sinapak ko pa sya... Joke

Masaya naman kaming nag papack di namin nararamdaman Yung pagod kase puro kami kwentuhan pag tumahimik Naman mag iingay si Angel at aasarin Ang iba naming kaklase, kahit Na mataas posisyon nila nakikisama sila na Parang katulad Lang Ng bawat Isa

Nag Pahinga Muna kami saglit si Angel Naman kasama Yung ibang kaklase Kong lalaki nagbibigay Ng Snacks and water

" Here " napatingin Naman ako sa nag abot Ng tubig sakin

" Baka Muriatic Acid to ah " pag iinis ko

" Good idea, next time Muriatic Acid ipapainom ko sayo " Sagot ni Angel tapos inirapan na ko bago umalis

Tignan mo tong babae na to, minsan maayos kausap madalas Hindi tulad kagabi bago kami matulog nag kwentuhan pa kami Ng maayos, natulog sya kasama Sina Mira sa kwarto ko akala ko talaga Matutulog sya sa sofa para makapag moment kami nag assume Lang pala ako hmmfff

Crush ko si Angel, crush Lang naman di ko Alam pero nagugustuhan ko na sya di Naman ako tanga sa pag identify Ng nararamdaman ko Sino ba naman di magkakagusto sakanya diba? Kahit pinaglihi sa kasungitan at sama Ng loob mabait Naman talaga sya, crush palang Naman eh normal Lang siguro magka crush? Wiiww ngayon palang ako humanga sa isang babae tapos Kay Angel pa na kulang nalang patayin ako araw araw

Katabi ko ngayon si Mira, Alzack, Warren at Lizza si Angel Naman pumunta Ng faculty room nagpapahinga Lang kami Yung iba naming kaklase nagpapahinga din Yung iba lumabas, tinignan ko si Alzack at Mira Mukang katulad parin Naman sila Ng dati na puro asaran at sigawa ano kayang mangyayare pag umamin na si Alzack Kay Mira? Si Lizza Naman nakahilig Ang ulo Kay Warren habang nakapikit si Warren Naman Namumula amp HAHAHAHA okay ako pala Ang Walang kapartner

" Kuya Freed Ready ka na ba para sa Exousíes Game? " Tanong ni Mira napatingin Naman ako sakanya, pinag sasabi nito?

" Ha? Ano yon? " Tanong ko nag ayos Naman sila Ng upo at tumingin saakin na Parang Ang tanga ko -_- pati si Lizza na nagpapa idlip napatingin na din sakin

" Seryoso? Di namin nabanggit sayo yon? " Tanong ni Lizza umiling Naman ako

" Ang Exousíes Game ay Laro Sa pagitan Ng Anim na University sa Zentopia, Ginaganap yon tuwing Limang taon Ito Ang mga University na Kasali sa Laro, Una Ay Ang Gaea  University na nasa Kaharian nila Mira, Pangalawa ay Ang Aer University na nasa Kaharian nila Lizza, Pangatlo ay Ang Photia University na nasa Kaharian namin, pang apat ay Ang Nero University na nasa Kaharian nila Warren, Pang Lima ay Ang Fos University na nasa Kaharian nila Angel, sila Ang Nanalo noong nakaraang laro Ang galing Ng mga estodyante Doon, Pang Anim ay itong Zentopia University na nasa Gitna Ng Zentopia at Ang pinaka malaking University sa Buong Zentopia " Paliwanag ni Alzack

" May Kanya kanya Naman pala kayong University sa mga Kaharian nyo bat dito pa Kayo nag aral? " Tanong ko

Syempre bat pa sila lalayo? Ang laki laki Ng Zentopia magkakalayo din Ang mga Kaharian bat pa sila lalayo diba

" Sa Zentopia talaga nag aaral Ang mga Katulad namin Kuya Freed at ayaw namin sa mga University sa mga Kaharian namin gusto namin sama sama kami " masang Sabi ni Mira

Pero anim Ang Kaharian diba? Anim din Ang mga University pero bat Walang Ouranos University? Bat Zentopia University? Ayyy Ang gulooo

" Diba merong Kaharian Ang Ouranos? Bat Wala silang University? " Tanong ko

" Di mo ba Alam na Ang Land of Ouranos Ang namumuno sa buong Zentopia? Samantala Ang mga Ibang Kaharian ay Pinamumunuan lamang Ang mga Lupain sa Zentopia, Ang Land of Ouranos ay Nasa Taas Ng Zentopia " sagot ni Lizza

Alam ko naman na Ang Ouranos Ang mumuno sa buong Zentopia pero Teka .. NASA TAAS NG ZENTOPIA???

" Anong nasa Taas Ng Zentopia? " Gulat Kong tanong, Napa face palm Naman sila

" Ang Land of Ouranos ay nakalutang sa Taas Ng Zentopia Kuya Freed, Alam mo ba na Sobrang bait Ng mga Tao Doon? Para silang mga Alagad Ng Kabutihan at Napaka busilak Ng kalooban nila, dalawang beses palang ako nakakapunta sa Land of Ouranos pero di ko malimutan Kung gaano kaganda Ang lugar na yon " sagot ni Mira na Parang iniimagine pa Ang lugar na yon

" Let's talk about the Exousíes Game, two months from now gaganapin na Ang game, Ang Laro na yon ay Sinusubok Ang iyong Lakas, Talino At diskarte, bawat University may apat na Representative padamihan Lang Ng points bawat level, may Tatlong Level yon pero Kada Limang taon paiba iba Sila Ng Theme pwede Kang mamatay pwede ding hindi, paiba iba din Ang Price para sa mga mananalo pero I swear Sobrang worth it Ng mapapanalunan, tulad noong nanalo Yung Fos University napanalunan nila ay 100Milyon Diamonds at Ang Eternal Plato. Napaka Ganda Ng Eternal Plato na yon na nasa taas Ng Fos University ngayon  at Alam mo ba Kung gaano kalakas yon? Dinagdagan Lang naman Ng Bagay na yon Ang Kapangyarihan Ng Bawat isang Estodyante sa fos University, Ang Cool no? " Pagmamalaki ni Alzack

" Sasali ba Kayo? " Tanong ko

Kase Pag sumali sila sigurado na Ang panalo Ng Zentopia University dito nag aaral Ang Mga Pinaka malalakas sa Zentopia kaya sure win na to

" No, Hindi kami pwedeng sumali unfair yon " sagot ni Warren

Oo nga naman may point Naman sila don pero Sayang parin yon malaki Sana chance Manalo Ng Zentopia University Kung sakaling sasali sila.
Nag kwentuhan pa kami tungkol sa game at mukang masaya Naman yon pero di masaya pag namatay ka.
Ilang sandali pa Ang lumipas ay nag patuloy na kami sa pag papack Ng mga groceries bumalik na din si Angel katulad kanina pinapanuod nya Lang kami tamad tamad talaga, pero ayos Lang Para di nya sya mapagod awwwwwiiieee harot

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon