Tertitu

5 1 0
                                    

Napatayo Ang mga magulang namin Ganon din kami, ang magkalaban na si Aurora at Marcus ay napatilapon. Hindi sila Ang may gawa Ng pagsabog na yon, Ang pag sabog ay Gumawa Ng Napakalaking Butas sa ilalalim Ng lupa. Inalalayan Ang mga nasa Battle ground ma makapunta sa exit si Mark ay inaalalayan ngayon si Aurora na napuruhan sa pagsabog.

kinuha ni Dad Ang microphone na nasa tabi nya na ginamit nya kanina noong nag simula Ang Laro.

" Zentopians! Be Ready! " Sigaw ni dad at nag labasan Ng Mga sandata Ang mga manunuod

" They're here " Sabi Ng mom ni Warren

" Hon go with the other Queen's and Princesses save the Zentopians, we'll take care of Traxos " Sabi ni King Bright na father ni Angel

" But dad! I'll go with you! " Sabi ni Angel

" No my princess, Protect the Zentopians that's an order, Now go " sagot Ng Ama nya Wala Ng nagawa si Angel kundi Ang sumunod

Di ko mapaliwanag Ang nararamdaman ko, nandito na sila mas marami at mas malakas.
Hindi ganito Ang inaasahan Kong pagsulpot nila, lahat Ng nandito ay Naghanda na Ang mga Reyna at Prinsesa ay nagpunta sa mga tao na Hindi parin umalis sa Mga Pwesto nila at nakahanda Ng lumaban kami nila dad ay bumaba sa Battle ground Kung saan nagaganap Ang Laro kanina, nawala na Ang illusion na Syudad.
Ito na ba Ang ...

" Ang Digmaan ay magaganap na " Sabi ni dad kaya napatingin na kaming lahat sakanya na Parang nagtatanong kaming lahat Kung ano Ang plano nya

" Katulad parin ba Ng dati? " Tanong ng ama ni Alzack umiling Naman si dad

" No our Exousía can't beat them " Sabi ni dad na ikinagulat Ng mga kasama nyang Hari

" What do you mean Martin " tanong Ng Ama ni Warren

" They are 10x stronger now, Lamang din sila sa bilang " Sabi ni dad na ikinagulat namin, fudge! how can we beat Tartaros!

" Martin!! " Saway sakanya ni King Simon father ni Lizza

" What's the plan " seryosong tanong ni King John ama ni Mira

" John, Simon, Pyro and James Go with the Queens, Kayo Ng bahala sa mga Traxos Army wag nyo silang maliitin, they're all stronger, Marcus, Alzack and Warren go with the princess Kayo na Ang bahala sa Mga Keys-- " di na natapos ni dad Ang sasabihin nya

" Martin! Are you out of your mind?! Ilalagay mo sa kapahamakan Ang mga anak natin " putol ni king Pyro

" Trust your Kids, and follow what I've said Pyro Hindi ko sila ilalagay sa isang posisyon Kung Alam Kong Hindi nila kaya, Alam nila Ang gagawin at Kung paano talunin Ang mga bagong keys Hindi sila Ang mga keys na nakalaban natin noon, Bright and Freed We're going to face Max Straut " seryosong Sabi ni dad, ngayon ko Lang naramdaman na nakakatakot pala si dad

" Max Straut is stronger than me and bright but we can do this with freed so follow everything that I've said, Ubusin nyo Ang mga Traxos Army Ang kadiliman sa mga Tartaros Army Ang nakakadagdag sa lakas Ng Keys at ni Max Straut, nakaya na natin Ito noon kakayanin din natin ngayon, pero ngayon Wala Ng mawawala, Now go! " Tumango Ang ibang kings at tinap nila Ang bawat Isa

Umalis na sila at sumunod na sa sinabi ni dad, kami nila King Bright at dad nalang Ang nandito.
Tumingin ako sa baba Kung saan Ang battle ground at Kung saan Ang malaking butas sa Lupa na gawa Ng pagsabog kanina, biglang tumahimik at mga tawa Lang Ang naririnig namin, Alam ko Ang tawa na yon nandito na nga sila.

Isang itim na liwanag Ang lumabas sa butas at may lumabas na isang Tao na nakalutang pataas, Mas lumakas Ang nararamdaman Kong Kapangyarihan sakanya kesa dati, lumabas din Ang anim na Tao sa butas na yon na ngayon ay lumulutang din pataas, Nabigla ako sa naramdaman ko sakanila... Hindi... Pano nangyari to... Sabi ni dad mas lumakas sila pero di ko inaasahan na ganito kalakas.

nakalutang ngayon si Max Straut kasama Ang six Keys sa likod nya, nabuhay Nga nya Ang Isang napatay ni Alzack noon, kakaiba na Ang itchura nila ngayon may mga itim na guhit sila sa katawan na Parang tattoo, pero Hindi Yun Ang nakaagaw Ng atensyon ko kundi Ang Lakas Ng kapangyarihan nila na nararamdaman ko, Kung gaano kalakas Ang kapangyarihan na nararamdaman ko Kay Dad ganon din Ang nararamdaman ko sa six keys, Kung kasing lakas Ng mga keys si dad at immortal na Paano na sila  tatalunin Ng mga kaibigan ko? Ano ba Ang iniisip ni dad! Bat pinaubaya nya sa Mga kaibigan ko Ang mga halimaw na to!

Napatingin Naman ako Kay Max na sampung beses na Ang lakas ngayon, ano na kaya Ang kaya nyang gawin ngayong mas lumakas na sya, Kaya ba Hindi namin sila naramdaman nitong mga nakaraang bwan dahil gugulatin nila kami sa ganitong paraan?

" Freed " napatingin ako sa tumawag saakin nakaharap ngayon sakin si Dad at king Bright na ama ni Angel

" What now dad? " Tanong ko

" Na plano na nila Ang lahat Freed, Kung Hindi ako nagkakamali Napili nila na makipag digma ngayon dito sa araw Ng Exousía Game dahil mas maraming Zentopians, sapat na Ang mga Tao dito at Ang lakas Ng Lahat para Mabuhay Ang Ama nya, ngayon ko Lang napag tanto na Ang one hundred thousand na Tao ay may malakas na Exousía pag pinagsama sama, idagdag mo pa Ang mga Hari at Reyna kasama Ang mga anak nila, doble Ang dami nila gusto ko na mag focus ka Lang Kay Max " Sabi ni dad Na ikinagulat ko

What the?? So balak nyang patayin lahat Ng nandito para Lang Mabuhay Ang Isa which is Yung ama nya, baliw na talaga tong Max na to, di ko hahayaan na may masaktan sya sa mga kaibigan at Pamilya ko

" Dad promise me, if things get worst Call the Goddess Zepheria-- "

" NO! THAT WONT HAPPEN! NEVER! " suway ni dad saakin napatingin Naman ako Kay King Bright na tinapik Ang balikat ni Dad

" Listen to him first " Sabi ni king Bright

" I'll give my best dad but when things get worst I'm willing to sacrifice for Zentopia, for my friends and for our family dad, you see dad I'm a grown up now I know what I'm doing And I know my purpose now, Please dad " Sabi ko Kay dad at ngumiti sakanya
Hindi sya sumagot pinunasan nya Lang Ang takas na luha sa mata nya at ngumiti saakin and I think that's a yes

Humarap na kami Kay Max na ngayon ay nakangisi na saamin Tinaas nya Ang kanyang mga kamay at tuloy tuloy na nagsilabasan sa butas Ang mga Traxos Army, para silang Langgam na lumalabas sobrang dami nila, Naghanda na Ang mga Tao Nakita ko na nag hiwa hiwalay na Ang mga Kaibigan ko Ang mga Hari at Reyna Naman ay nasa Paligid din para tulungan Ang mga Tao. Kanya kanyang labas Ng sandata, may mga umiilaw na Ang kamay na handa Ng maglabas Ng kapangyarihan, may Mga Nag transform na sa kanilang Battle skin. Dumilim Ang kalangitan napatingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko handa na sila mas lumakas din sila ngayon dahil sa pagsasanay namin noong nakaraang bwan, nagawi Ang tingin ko Kay Angel Nakita ko Ang Alab Ng tingin nya sa Mga kalaban don't worry angel pangako magsasama tayong dalawa Ng Masaya at walang problema ...

My Angel ( ✓ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon