"Kriiiinnngggg !!!! Kriiiiiinnggg!!!"Napagising ako sa ingay Ng alarm clock dito sa kwarto, tumingin ako sa paligid Hays di nga ako nananaginip nandito parin ako sa Zentopia University, akala ko talaga pag gising ko Magiging maayos na Ang lahat pero mukang mag uumpisa na Ang totoong gulo sa buhay ko
Kahit labag sa loob ko naligo na ako pagkatapos ay nagluto Ng breakfast buti nalang puno Ng stock Ang kusina at puno din Ang ref pagkatapos kumain at sinuot ko na Ang uniform Ng school, bagay Naman sakin mukha akong matinong estodyante psshh di ako komportable na masyadong formal kaya Yung dalawang butones sa taas Ng long sleeve na to e-nanbuttoned ko, now I look cool
Lumabas na ko Ng dorm 7:58 na mukang late ako sa first day of class , tinignan ko Lang schedule ko, putek di ko Alam Kung saan tong Room Na to Ng makapunta na ko sa mga building di ko Alam Kung saan ako papasok
" Excuse me, saan dito Ang Room Ng Beryl? " Tanong ko sa isang Batang babae ayoko magtanong sa mga dalaga baka pagkaguluhan nila ako
Pagkatapos ituro Ng Bata Ang direksyon papunta sa room ko ay nag lakad na ko, sakin parin nakatingin Ang mga dinadaanan ko, Yung iba nag tataka Yung iba kinikilig pero meron din akong Narinig na nagtataka Kung anong powers ko at Kung malakas ba ako, Hays ano ba kase talaga Ang powers ko!
Ng makarating ako sa room namin katulad Ng inaasahan late ako, kumatok ako sa pinto at bumungad sakin Ang room na may 30 sigurong estodyante na nakatingin lahat saakin at Ito siguro Ang prof namin ngayon mukhang Bata pa sya at babae sya na maganda
" Yes Mr.?? " Tanong Ng prof
Pinakita ko sakanya Ang i.d ko at pinapasok na nya ako pinapunta muna nya ko sa harap, tinignan ko naman Ang mga kaklase ko na nakatingin lahat ngayon saakin ngumiti ako Ng napaka tamis at as expected sa gwapong tulad ko kinilig Ang mga babae at nag tilian, Sabi Ng prof magpakilala daw ako
" Freed Redfox " I introduced my self, nag blush Naman Ang mga babae naku nakuuu.
" What's your Exousía " tanong Ng isang babae na kaklase ko
Exousía? Ano nga ulit yon? Ah oo nga pala Yun Yung tawag nila sa powers nila
" I don't know " sagot ko Parang na dismaya Naman Yung iba, i don't care anyway
" Then bakit nasa Beryl class ka? Hindi ka mapupunta sa strongest and highest section Kung Hindi ka malakas" Sunod na tanong Ng Isang lalaki, wait Parang Binabae?
Nag kibit balikat Lang ako sa tanong nila, wtf? Nasa highest section pa ko sa lagay na to? Strongest section? E Hindi ko nga Alam powers ko, umupo na ko sa pinaka likod na bahagi may mga ilang babae na tumitingin tingin parin sakin habang kinikilig, jeez so weird
" So let's continue our discu-- "
Di natuloy Ng prof Ang sasabihin nya Ng may limang tao na pumasok, hinayaan nya Lang Ito tumahimik Naman Ang lahat, dalawang lalaki at tatlong babae, mga may itchura sila at halatang mas nakatataas sila, Yung dalawang lalaki masyang nakangiti, at nakikipag kwentuhan at inaasar Ang dalawang kasama nilang babae, Yung babae na nasa unahan nila Ang naka agaw Ng atensyon ko, seryoso Lang Ang mukha nya
Parang nakita ko na sya pero di ko matandaan kung saan, papalapit na sila ngayon sa likod, pero di maalis Ang tingin ko sa babaeng seryoso at tahimik lang ngayon Lang ako nakakita Ng ganito kagandang babae, walang makikitang ekspresyon sa mukha nya, malamig din Ang mga titig Ng Gray nyang mga Mata, Ang ganda Ng hugis Ng mukha nya maputi sya at Parang nagliliwanag Ang balat nya may matangos at pointed syang ilong tapos Yung mga labi nya Parang sinadya, Yung buhok nya na umaabot na sa legs nya na sobrang itim at wavy pero nag babounce at sumasabay sa hangin sa sobrang lambot, Ang ganda--- fuck! Bakit ako pumupuri Ng babae?