EPISODE 1 - THE MEETING

564 9 0
                                    

DALE POV

"I couldn't believe na ayaw mo na sa akin, anu ba ako sayo Dale! Hindi pa tayo tapos" Yun lang ang sinabi ng babaeng nasa harap ni Dale at naramdaman na lang nyang may umaagos na tubig sa kanyang mukha.

Tinapunan na pala sya nito ng tubig dahil sa pinaghalong inis at galit dahil sa sinabi nyang ayaw nya na rito. Madaling magsawa sa babae si Dale, marami na rin syang pinaiyak at iniwan dahil hindi nya pa rin mahanap ang babaeng nagligtas sa kanya nung bata pa sya. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit ganun na lang ang ginagawa nya sa bawat babaeng pinagsasawaan nya.

Isang Ceo sa isang malaking kompanya si Dale Joshua Lagdameo, Ang kanyang kompanya ay masasabing kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bansa, halos kilala na sya sa buong Asya at nais nya na makilala rin sya sa buong mundo yun ang pangarap nya kaya nagtayo sya ng isang Kompanya na naglalayon na tulungan ang mga tao na abutin ang pangarap nila at hanapin ang kaisa isang tao na mahalaga sa kanya. Napakalaki ng opisina nya sa Makati, sakop nun ang isang floor lang at dun nya dinadala ang mga babaeng kanyang pinagsasawaan.

Halos lahat ata ng magandang babae na empleyado sa kanyang kompanya na modelo ay nagiging kanya ngunit pagkatapos nya pagsawaan ay bibigyan nya ng karampatang reward upang di na manggulo sa kanya at dun sya masaya.

Kinagabihan ng araw na iyon ay naiwan syang nakatulala sa salamin ng comfort room, sa lugar kung saan sila nagkita ng babae na hiniwalayan nya, wala lang sa kanya ang matapunan ng tubig dahil sanay na sya at handa na sya sa mga ganung bagay, nariyan ang paliguan sya ng wine, juice or tubig, meron ding tapunan sya ng pagkain or hagisan sya ng kung anu anung mahawakan ng mga ito.

Tanggap naman nya at hindi naman ungentlemen na bawian sya ng mga ito sa dahas na paraan. Hindi sya nananakit ng babae, sa katunayan ay binibigyan nya pa ang mga ito ng second chance, nariyan ang bigyan nya ng kotse, bigyan nya ng trip to Paris, at kung anu anu pa na special rewards sa mga nakarelasyon nya kaya walang nagtatangkang lumabas para magreklamo sa kanya at kung may kumontra man ay tatanggalan ng trabaho sa kanyang kompanya.

Fired agad dahil sa una pa lang alam nya na pera lang ang habol ng mga ito sa kanya at alam nya ang mga pinanggalingan ng mga ito kaya wala silang laban kapag nagkasisihan na.

habang pinupunasan nya ng panyo ang basang mukha at ang kanyang tuxedo ay dinayal nya ang number ng kanyang assistant,

"Mr. Lagdameo?" Ani ng assistant sa kabilang linya, "Dalhan mo ko ng plain na tshirt andito ako ngayon sa Coffee Project sa Makati", at binaba nya na ang phone. Malapit lang naman sa office mya ang lugar na ito kaya madali lang syang matutuntong ng kanyang assistant. Lumabas sya ng comfort room at dumeretso sa kanyang inuupuan, tahimik sa lugar na iyon kaya dun nya mas piniling makipaghiwalay upang walang makakita, lumabas sya sa lugar na iyon.

Habang naghihintay ay may namataan sya sa madilim na sulok, parang may anino pero ng lapitan nya ay wala ito, may kumalabit sa kanya at natakot sya, paglingon nya ay napaharap sya sa isang babae, nalaman nya na babae ito dahil sa anino nitong animo'y nakadress, madilim sa lugar na iyon kaya di nya makita ang itsura ng babae.

Nang yumuko sya ay naramdaman na lang nyang may malambot na dumampi sa kanyang labi, sa dami ng nahalikan nya ay ito ang pinakamatamis, kakaiba sa lasa ng mga nakahalikan nya, parang tumigil ang mundo nya, hindi nya maintindihan ang naramdaman, na parang binubuhay nito ang bawat sistema ng kanyang katawan lalo na ang nasa harapan nyang bahagi na pilit kumakawala sa kanyang basang trousers upang angkinin ito.

My Amazing Girl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon