Thy Love The Series: 3

396 36 8
                                    

3

PAGKAALIS NA PAGKAALIS pa lamang ng manager nang Monochrome Band na si Kiko sa condo ni Blue ay masamang titig na kaagad ang kaniyang pinukol sa sariling kababata. Lapat ang labi at hindi ito makatingin sa kaniya. Bumuntong hininga si Blue at hinilot ang kaniyang sentido. Hindi niya aakalain na bigla ay magiging exclusive singer siya sa isa sa mga hinahangaan at magaling na bokalista sa industriya. Heck, meron bang ganoon? To hire someone just to sing for your ears only para maging insperado at magkaroon ng gana na bumangon ulit?

Baka meron nga. Napangiwi si Blue sa naisip. Isa na doon iyong bokalista.

Blue sighed again at binalingan muli ang kababata. "Let me see the video, Lex." sabi niya dito at sa wakas ay tinignan na siya ng kaniyang kababata na noon ay natitigilan.

"Ha?" maang nito at pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Blue. "H-heto na, heto na par."

Tumabi si Alex sa kaniya sa sofa at plinay mula sa cellphone nito ang kaniyang video na siya ay umaawit sa parke. He just want to see from his own eyes kung ano ba ang mukha niya noon sa video at kung anong klase na boses ba ang inilabas niya para makakuha ng interest kay Kal Lex nang Monochrome. When Alex played the video ay kapwa sila nanahimik at tutok lang sa panunuod n'un. Nangibabaw sa magkabilang sulok ng condo ang kaniyang tinig.

Blue was taken aback by how much emotion he got kahit sa sarili niyang boses. Nangibabaw ang sakit, ang pangungulila — boses ng isang taong nawalan.

"Ang galing mo diyan." si Alex. "Umpisa mo pa lang noon ay ramdam na kaagad kita kung kaya ay kinuhaan kaagad kita ng video. Hindi lang ang mga nandoon ang saksi ng masakit mong awitin, par. Lahat ng nakapanuod niyan ay nagkokomento ng paghanga sa iyo. Kung kaya, hindi na ako magugulat kung maging mga sikat na kagaya ni Kal Lex ay mapansin ka."

Napalunok si Blue. Hindi niya alam kung bakit tila pati siya ay gustong maluha habang tinitignan ang kaniyang mukha – lalo na ang magkabila niyang mga mata na nagsusumigaw ng pighati. Ewan ba niya, pero tila ang pagkaka-awit niya ay humihingi din ng tulong na sana, may sumalba sa kaniya mula sa sakit. His expression was too painful to watch at noong umiiyak na siya sa video ay agaran din niyang pinunasan ang luha na muntik ng kumawala sa isa niyang mata.

Napangiti si Blue ng mapait. Nailabas niya sa kaniyang pagkanta ang sakit na kinikimkim niya sa kaniyang puso at napadama niya iyon sa lahat – pati din mismo sa kaniyang sarili.

Natapos ang video at malungkot na ngiti lang ang ibinigay niya sa kaniyang kababata.

"Blue..." nag-aalala ang tinig nito.

"It hurts. Ang sakit, Lex." nanginginig ang boses na sabi niya sa kaniyang kababata na mabilis siyang dinaluhan para yakapin.

Alam niya na nangako siya sa kaniyang sarili noong linisan niya ang Paris na hindi na siya iiyak pa – na bubuo na siya ng bagong pag-asa sa pagbabalik niya sa Pilipinas. He don't want to cry so hard again, to feel that pain again – just like what he lived for almost everyday sa Paris magmula ng iwan siya ng taong iyon. Pero tignan mo ngayon, heto na naman siya at umiiyak sa balikat ng kaniyang kababata.

It's still there. Nandoon pa rin ang sakit sa puso niya. Akala niya ay humihilom na, akala niya ay nagsasara na, pero nagpahinga lang pala pansamantala – hindi pa rin pala siya nakakaalis sa sakit nang pag-iwan sa kaniya ng taong lubos niyang minahal. Hindi pa rin siya nakakamove-on, nakakamove forward.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon