20
HABANG PAPALABAS ANG mga tao sa arena ay tahimik at maingat na pumuslit sila Blue at Alex sa likod ng backstage. Dama ni Blue ang tensiyon at pagkawala ng pasensiya habang walang ingay na sumisiksik sa mga tao para lang makatungo sila kung nasaan sila Kallix. Kahit nagulat ay walang salita naman na sumunod ang kababata niya sa kaniya.
"Malapit na tayo, bughaw. Ilang hakbang pa," si Alex.
Mahigpit ang pagkakahawak nila sa kamay ng isa't-isa, pinipilit na hindi magkahiwalay. Sa rami ng mga dumalo sa concert ngayon ay ang ilang hakbang na backstage ay nagmistulang isang oras bago marating.
"Baka hindi na natin siya maabutan, Lex!"
"So confirm nga na baka umalis na siya sa apartment natin?"
"Hindi ako sigurado." Nanginig ang boses ni Blue. "Pero hindi na maganda ang kutob ko."
Hindi nagtagal na pakipagsiksikan ay hapo nilang narating ang backstage. Mabuti na lamang at madilim sa may parte na iyon at hindi sila nakita ng mga tao. Wala na silang sinayang pang oras at mabilis na nagtungo sa pupuntahan kung saan ang mga staff na obligado sa backstage at ilang dancer ang kanilang nadatnan.
"Oh! Sino kayo? Bakit po kayo narito?" isa sa mga staff.
"Sila Kallix po? Nasaan po sila?" agarang tanong ni Blue.
"Ay! Bawal po kayo rito, Sir at Maam. Maaari lamang po ay lumabas na kayo bago kami magtawag ng security."
Hindi nagpatinag si Blue.
"No! Kailangan ko pong makausap ang banda! Kilala po nila ako. Sabihin niyo po na si Blue Tesoro. Ako po ang isa sa composer ng kanta nila, Kuya. Kilala po ako ng management!" pagpupumilit niya sa staff na tinignan siya na tila nahihibang na siya.
"Saan ba ang security at nakalusot 'to? Tawagin niyo na ang security bilis!"
"Hoy!" si Alex na kwinelyuhan ang staff. "Tauhan ka lang sa backstage, pero itong kababata ko nakapasok na sa kumpaniya at nakatrabaho na kasama ang Monochrome! Kung ayaw mong mapahiya mamaya, papasukin mo na kami!"
"A-Alex, huwag ganiyan. Makiusap tayong maayos." Hinila niya ang kababata. "Kuya, maniwala po kayo. Kahit tawagin niyo po ang ilang producer nila, kilala po nila ako."
"Oh!" May isang dancer na dumaan ang tinuro si Blue. "Hindi ba at ikaw ang naging trending dati sa youtube? Iyong kumakanta sa park?"
"O-Oo! Oo ako nga!" Nabuhayan ng loob si Blue at sabay silang lumapit sa dancer. "Kuya nakikilala niya ako, oh! Kailangan ko lang makapasok at makausap si Kallix. May importante lang talaga akong sasabihin."
Kumunot ang noo ng dancer at tumingin sa mga kasamahan. Nagsimulang kabahan si Blue na bagama't nakangiti ay kumukunot na rin ang noo. Bumuntong hininga ang dancer bago seryoso na muli ay bumaling kay Blue.
"Hindi ko alam kung tama ang pagkaririnig namin kanina pero umalis daw si Kallix pagkatapos na pagkatapos ng concert." Tumango ang ibang kasamahan nito. "Nakita rin namin na ihatid siya kanina sa exit door dala ang mga bagahe niya, 'di ba? Nagtataka nga kami eh, pero hindi na kami nagtanong."
Sa narinig, pakiramdam nu Blue ay nahulugan siya ng mga bloke ng semento sa ulo. Umalis si Kallix. Nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang utak. Hindi makapaniwala si Blue na wala manlang itong pasabi na aalis. Na iiwan siya.
"P-Par..."
Naikagat ni Blue ang ilalim ng kaniyang labi nang muli niyang maramdaman ang pamilyar na kirot na iyon sa kaniyang dibdib. Hindi niya akalain na maipararamdam din ito ni Kallix sa kaniya. Akala niya ay hanggang kay Imo lang siya masasaktan ng ganito.
BINABASA MO ANG
🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔
Fiksi UmumCOMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Tesoro went back to the Philippines after his 'tragic' love story ended at the city of love - Paris, France - wherein, his and his man's dream p...