14
NOONG MALIIT PA lamang si Kallix ay tago na siya sa mundo. Sa kadahilanang mahina ang kaniyang puso. He remembered not playing around with kids his age at tanging ang pagkulong lamang sa kwarto niya ang kaniyang nagagawa. He's jealous of his older brother who can be free, pero alaga naman siya nito. Naalala niya rin ang dalawang nurse na nakaagapay sa kaniya at ang isang doctor na kada buwan ay binibisita ang bahay nila para lamang siya ay tignan.
Kallix always thought that he is a cursed child.
Pero nag-iba ang lahat noong araw na sinama siya ng kaniyang mga magulang sa isang ampunan. Sa isang simbahan iyon na napili ng kaniyang mga magulang sa kanilang charity project. As usual, nakatanaw lamang siya sa mga bata, pero may isang bata na umagaw sa atensiyon niya.
Nakatayo ang bata sa isang lamesa. Kumakanta, sumasayaw, gumagalaw ang mga kamay na tila ay may hawak na gitara. He remembered learning piano before, but he gave up because music became boring. Kaya habang tinitignan niya ang bata ay lalo siyang nadidismaya. Lalo na at kahit kinukumbinse nito ang mga kasamahan na panoorin ito, natutok na ang mga bata sa laruan na pinamimigay ng mga magulang niya. Naiwan ito roon na mag-isa sa itaas ng lamesa, kakaibang sakit ang makikita sa mga mata.
He's hopeless, that's what Kallix thought. Akala niya ay susuko na ito, but when he saw him smiled widely and continued singing kahit walang nakikinig, Kallix was deeply moved. Hindi niya naalis ang mga mata sa bata na iyon na hindi na niya namalayan na umalis na pala siya mula sa pagkaka-upo sa kaniyang wheelchair at tumayo sa harap ng lamesa.
"Kallix! We told you to stay where you are," nag-aalala ang kaniyang ina na lumapit sa kaniya.
Pero ang kaniyang paningin ay nanatili sa bata na iyon. He can see sparks around the kid. Kahit sintunado ito at hindi niya maintindihan kung ano ang kinakanta nito ay ramdam naman niya ang pagmamahal nito sa musika. That's what touched Kallix's heart. Kahit walang pumapansin dito at ang mga nakapaligid na mismo sa bata ang nawawalan ng pag-asa para rito, patuloy pa rin ito sa pagkanta. Naisip niya na isang napakagandang bagay iyon.
That's what made that kid's music beautiful.
"That was beautiful," wala sa sarili niyang nabanggit.
Natigilan ang lahat at natahimik. Maging ang bata na kumakanta sa itaas ng mesa ay nanlalaki ang mga mata na napatingin sa kaniya. Bumalik sa dating expresiyon ang mukha ni Kallix na tila ba wala na siya muling paki-alam sa mundo. Ang bata naman ay hindi magkandakumahog sa pagbaba sa lamesa at lumapit kaagad sa kaniya.
"Talaga?! Yes! Nagawa ko rin! Sister Ruth! May nagsabi nang maganda ang pag-awit ko!" pagmamalaki nito sa paligid.
Nakita niyang napailing ang ilan at ang mga bata naman na iba ay pinagtawanan ito. Pero kahit ganoon, nanatili itong malapad na nakangiti. Tila ba ang mga mumunting salita na sinabi niya ay napakalaking premyo na para rito.
As Kallix thought, that kid is a small minded idiot.
"W-what did you say, son?"
"Like I said, payag na po akong mag-monthly medication. Basta po bibisita tayo lagi sa simbahan na pinuntahan natin kahapon."
Mangha na nagkatinginan ang mga magulang ni Kallix mula sa narinig sa kaniya. His mom cried hearing that he'll finally push through to heal. Sumuko na kasi siya sa kaniyang karamdaman at hindi na mapilit na mag-monthly medication, but seeing something on his boring world, Kallix felt like he doesn't want to lose.
Doon nagsimulang magkalapit sila Kallix at Imo. Napag-alaman niya na isa ito sa mga kaunahang bata sa ampunan. Masiyahin, maingay, at palakaibigan, iyan ang mga katangian nito.
BINABASA MO ANG
🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔
Narrativa generaleCOMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Tesoro went back to the Philippines after his 'tragic' love story ended at the city of love - Paris, France - wherein, his and his man's dream p...