Thy Love The Series: 12

267 27 8
                                    

12

BLUE MET THAT man at the church where he first went after he left home. For Blue, that man is the answer for his prayers. Para sa kaniya, ang lalaking iyong ang anghel na pinadala para sa kaniya. Meeting him changed his life. Ang taong iyon ang naging liwanag sa kaniyang buhay.

"Aba eh, sigurado na ba kayo riyan?" ang sabi ni Sister Ruth sa kanila na nabigla sa kanilang naging desisyon.

Iyon ang araw na pinaalam nila sa lahat— maging sa mga kasamahan ng kasintahan niya sa orphanage sa simbahan— ang kanilang relasiyon. Alam nilang marami silang kakaharapin lalo na at hindi tanggap sa simbahan ang ganoong klase ng relasiyon. Pero nang sinabi ng mga madre na kung doon sila masaya, hinding-hindi nila sila titignan na naiiba. Blue cried so hard that time. Sobrang swerte niya sa ikalawang pamilya na natagpuan niya.

"Hindi ba talaga natin sasabihin sa mga magulang mo?" his lover asked him as they held each other's hands kung saan makikita ang dalawang singsing.

Sa simbahan kung saan sila unang nagtagpo, roon din sila nag-isang dibdib. Tanging ang mga bata sa orphanage, mga madre at si padre ang naroon para saksihan ang lahat ng iyon. Si Alex pa nga ang naghatid sa kaniya sa harap ng altar na mas emosiyonal pa sa kaniya.

"Alam mo naman na matagal ko nang pinutol ang koneksiyon ko sa kanila, Imo. Masaya na ako ngayon sa buhay ko kasama ka." Blue smiled at his man, the man he love with all his life.

His name is Imo Laurent; your typical rock en' roll guy. He loves singing and playing guitar. Music is everything for him. He loves black and has undercut hairstyle, dyed with gray. May piercing ito sa dila at tattoo sa leeg na mga nota. Lagi nitong suot ang isang dogtag. Black almond eyes, right cheek dimple, his favorite word is "swag". His soft side is around cats and he sees Blue like a cat not a rabbit.

Unang kita ni Blue rito ay wala talaga siyang nakita na magugustuhan sa lalaki na ito. He doesn't like his aura, the way he look kahit na gwapo ito, he doesn't like tattoed guys nor pierced. Pero bakit nga ba nagustuhan niya ito?

Ah. Right. Dahil sa busilak nitong puso.

"Ang problema, harapin mo, huwag mong iyakan. Iiyak ka lang dapat sa simbahan kapag ikakasal ka o magpapaalam sa mahal mo sa buhay."

Naalala pa niya kung paano tumigil ang mga luha niya noon sa pagbuhos. Seeing that stranger smile at him like that. Sa likod nito ay ang sinag ng araw na mas dumipina sa nakangisi nitong mukha. As if time stopped and all he could see is that man. That man wiped his tears away that melted his heart. And Blue was sure that time that he already fell in love.

Truth be told, noong ikinasal sila sa simbahan kung saan sila unang nagkakilala, umiyak nga siya. Hindi sa sakit dala ng problema, kung hindi sa labis na kasiyahan. Hindi niya aakalain na ang lalaking iyon din ang paglalaanan niya ng kaniyang puso.

After they got married, lumipad silang Paris. They wanted to spend their married life sa lugar na pareho nilang pangarap na mapuntahan. Sabay nilang pinag-ipunan at naisakatuparan iyong pagkatapos nilang ikasal. Sa Paris ay unti-unti nilang sinimulan ang kanilang mga pangarap.

Not until that fateful night.

"Oo, nandito na ako sa harap ng kompaniya niyo," nakangiti niyang sabi rito sa tawag.

Sukbit niya ang gitara nito at handa na para sa plano nilang New Year celebration. Nakatayo siya noon sa harap ng kumpaniya nito hanggang sa matapos ang trabaho nito. Kaagad  na ngiti nito ang ibinungad nito sa kaniya nang mamataan siya. Tatawid lamang ito noon, ngunit may hindi inaasahan na pangyayari.

Isang kotse na nawalan ng preno, isang bata na tumakbo sa gitna ng kalsada habang kinukuha ang bola nito, at ang pinakamamahal niyang iniligtas ang bata na iyon. Nandoon siya nang mangyari ang lahat ng iyon. Sa harap mismo niya, sa dilat niyang mga mata, bumulagta ang katawan nito. Nakita niya na pumailalim ang katawan nito sa kotse. Kung paanong bumuka ang ulo nito ng walang kalaban-kalaban. Sa harap mismo niya namatay ang taong kaniyang pinakamamahal.

"I-Imo?" nagsimula siyang maglakad sa katawan na pinapalibutan na ng lahat. "Mahal?"

Hanggang sa nakalapit siya rito ay bumubuhos na ang kaniyang mga luha. Unti-unti siyang napaluhod malapit sa katawan nito. Nakita niyang may bahid ng dugo ang singsing nito sa kamay. Kalunos-lunos ang nangyari sa katawan ng pinakamamahal ni Blue. Ang sagot sa kaniyang mga dalangin ay kaagad ring binawi.

"Ah!"

Halos halikan niya ang lupa sa kaniyang paghagulhol. Kahit inaakay na siya ng mga tao paalis sa katawan nito, hindi siya natinag sa kaniyang pwesto. In the middle of the road of Paris, Blue lost him. Ang bagong taon na dapat ay masaya, naging isang bangungot para sa kaniya.

"I love you till my last breath, Blue."

He won't ever forget that man and his grin. Ang mapagmahal nitong mga mata na tinitignan siya habang nagsusumpaan sila sa harap ng altar. Hindi niya aakalain na ang taong ito ang iiyakan niya ng dalawang beses sa simbahan. Ang taong nag-alis sa kaniya sa dilim.

"Miss na miss na kita."





HINDI ALAM NI Kallix kung ilang segundo o minuto na siyang nakatulala sa loob ng kaniyang sasakiyan. Ang kaninang napakaraming ilaw na matatanaw sa lugar kung nasaan sila ay unti-unti nang nawawala. Marahil ay nagpapahinga na ang ibang tao sa mga oras na iyon.

Lumingon siya sa passenger's seat at nakita ang payapa nang natutulog na si Blue. Ramdam niya ang namuong inis sa kaniyang sistema nang muli niyang masulyapan ang pamumula ng gilid ng mga mata nito. Naalala niyang muli ang umiiyak nitong mukha habang kinukwento nito sa kaniya ang sarili nitong nakaraan. Ang tungkol sa taong mahal nito, ang kabiyak nito.

Napapikit si Kallix nga mga mata. Frustrated niyang dinaanan ng kamay ang kaniyang buhok. Kanina pa sumasakit ang dibdib niya. Hearing Blue's story and also some feelings that is eating him up. He hates it.

"Miss na miss na kita..."

Nanlaki ang mga mata niya at muling tumitig kay Blue nang magsalita ito sa gitna ng pagtulog. Nalukot ang kaniyang mukha. Gusto niyang alisin ito sa kung anuman ang napapanaginipan nito. Alam niyang wala na ang taong iniiyakan nito, pero naiinis siya! Gusto niyang ilayo si Blue sa taong kaluluwa na!

"Can't I replace him, Blue?" bulong niya sa harap nito.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. He run a finger to Blue's soft, red, lips. It really hurts. The heart pumping inside his chest hurt so bad. It hurts more after realizing his feelings for this person in front of him.

He is in love with Blue.

"Fuck..." mura niya sa kawalan.

Napasandal siya sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya alam kung bakit biglang sumagi ang mukha ng batang iyon sa isip niya. Ang batang dahilan kung bakit minahal niya ang musika at pagkanta.

"I wonder how's that fucker now. It's been 12 years since then."

"Kapag sikat na sikat ka na, makipagkita ka ulit sa akin!"

He laughed remembering that kid's irritating grin. His first ever friend. Ang nagligtas sa kaniya noon. His childhood friend.

"Guess I'll visit him to let off some steam."

He badly wants to release the painful feelings inside his chest to the person who Kallix know.... will understand him the most.

"I think it is really time to see you again, Imo Laurent."

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon