Thy Love The Series: 15

276 30 1
                                    

15

MALAPIT NANG MATAPOS ang araw ay hindi pa rin umuuwi si Kallix. Alam ni Blue na wala itong schedule ngayon at may pupuntahan lamang ayon na rin kay Alex, pero kinakabahan na siya at hindi pa rin ito bumabalik. Hindi niya maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano lalo na at mag-isa lamang ito at walang kasama. Paano na lamang kung kinuyog ito? Hinabol nang hinabol? Paano kung may stalker na dinala ito kung saan?

Blue's thoughts are making him crazy minute by minute.

Hindi na niya napigilan na hindi magtipa ng mensahe para sa manager nito. "Pumunta po ba riyan si Kallix sa studio? Itatanong ko lang po sana kasi wala pa rin siya hanggang ngayon, almost dinner na."

Bumuntong hininga siya at kinalma ang sarili. Nang marinig niyang bumukas ang pinto ay mabilis pa sa isang segundo na napatakbo siya only to find his childhood friend na kakagaling lang sa pagbili ng isang litro ng coke. Gulat din ito nang makita siya na tila tumakbo mula sa kung saan.

"Oh? Anyare, par? Teka, wala pa rin si idol?" usal nito pagkapasok.

Naglakad silang dalawa patungo sa kusina. Tinignan niya ang kaniyang niluluto at pagkatapos ay sumilip muli sa orasan. Hindi na siya mapakali.

"Wala pa rin. Paano kung may nangyari na roon, Lex?" nag-aalala niyang sabi.

"Wait kalma muna tayo, par. Tinext mo ba si Manager?"

"Oo, pero — teka nag-reply na siya!"

Sabay nilang sinilip ang reply ni Manager Kiko sa kaniya. Mas lalong nahabag si Blue nang mabasa ang reply nito.

'He didn't went here, Blue. Ang sabi ko sa batang iyon ay magpahinga siya, umalis pala talaga?' - Manager Kiko

Blue groaned. Nagkatinginan sila ng kababata na noo'y mukhang nag-aalala na rin.

"Wala ba talaga siyang nabanggit sa iyo kung saan siya pupunta?" tanong niya kay Alex.

"Wala eh. Ang sabi may pupuntahan lang daw na importante. Naku! Dapat pala nagpresinta na lang akong sumama kahit taga-bantay lang niya. Sorry, par," pagpapaumanhin ng kababata sa kaniya.

Aayain na sana niya ang kababata na lumabas para hanapin si Kallix nang muli ay bumukas ang pinto at iniluwa na noon ang taong kanina pa nila hinihintay.

"Kallix!"

Mabilis na lumapit si Blue rito kasunod ang kababata. Nang magtama ang mga mata nila ay natigilan siya sa nakitang kakaibang sakit at pighati sa mga mata nito. Without uttering any word ay lupaypay nitong ipinatong ang ulo nito sa kaniyang balikat at hindi nagtagal ay yumugyog ang magkabilang balikat nito. Pareho silang nagulat ni Alex but when Blue heared Kallix's painful sobs, awtomatikong dumapo ang palad niya sa likod nito para ito ay aluhin.

Hindi niya alam kung anong nangyari, walang nakakaalam kung ano ang nangyari rito. Pero hinayaan na lamang nila itong umiyak, walang salita na namutawi sa kanilang mga labi.





NANG MAHIMASMASAN SI Kallix mula sa pag-iyak ay hinintay muna nila ni Alex na magsalita ito. Hindi sila nagsalitang dalawa hanggang sa ito mismo ang magkusa na magsabi kung ano ang nangyari. Natawagan na rin ni Blue ang manager nito na muntik nang magtawag ng pulis dahil sa pag-aalala.

"That was embarassing of me. Sorry," nahihiya nitong paumanhin.

"Naku! Ayos lamang iyon idol. Kami lang naman ito, hindi mo kailangang pigilan ang nararamdaman mo sa harap namin ni Blue," si Alex.

Blue is worried. He can't believe he'll see Kallix like this. This human side of Kallix na wala sa imahe nito bilang isang sikat na tao.

"I have a childhood friend." pagsisimula nito na nakakuha sa atensiyon nila Alex at Blue. "Pareho kaming nangarap na maging isang sikat na mang-aawit at nangako sa isa't-isa na tatayo kami sa iisang entablado. Not until we both auditioned at ako lang ang maswerteng nakapasa."

Napasinghap ang kababata niya sa narinig samantalang si Blue ay naikagat ang ibabang labi. Naisip niya na kahit siguro masaya si Kallix noong nakapasa ito ay hindi nito nagawa dahil sa kababata nito. He must felt sad.

"Pero hindi siya nakaramdam ng inggit o pagkamuhi sa akin, bagkus ay sinuportahan niya ako ng buong puso. Sinabi niya na kapag sikat na ako ay makipagkita ako ulit sa kaniya." Yumuko ito upang tignan ang mga palad. "I had all my free time before pero kumpiyansa ako na marami pa namang oras. I can see him anytime I want, but when I finally decided, roon ko nalaman na nagkamali pala ako."

Nang mag-angat ito ng tingin sa kanila ay kitang-kita nila ang pighati sa mga mata nito.

"Nalaman ko na wala na pala ito. He's dead."

"Hala!" gulat na sigaw ni Alex sa narinig.

Natutop ni Blue ang kaniyang bibig. He can feel him. He can clearly feel what is Kallix feeling right now. He's been there. Alam na alam niya ang pakiramdam nang mawalan.

Mabilis niya itong niyakap.

"Sorry... Sorry about your friend," garalgal ang boses na bulong niya rito.

Naramdaman ni Blue na yumakap pabalik si Kallix sa kaniya. Hindi man ito umiyak pang muli, sa higpit nang yakap nito ay ramdam niya ang bigat na dinadala nito. Ang pakiramdam ng labis na pangangailangan. Ang pakiramdam na gusto mong isigaw ang lahat ng nasa dibdib mo pero kahit anong sigaw mo ay hindi na maririnig ng taong nais mong makita ang iyong boses. Walang kasing sakit. Blue felt like while he is giving Kallix a hug, pakiramdam niya ay sa wakas, ang bigat sa dibdib niya ay tuluyan nang gumaan.

All those yesterday's tears, yesterday's loneliness, yesterday's pain, felt like ended today. Ngayon alam na ni Blue kung ano ang kailangan niya all this time. Ang kailangan niya noong mga panahong lugmok siya. All it takes is someone's hug, telling you that everything will be alright.

We can't have what is already lost, but we have no choice but to move forward and do things ahead right. Lahat tayo lilisan sa mundo, we should treasure our time better. Iyon ang mga naisip ni Blue sa punto na iyon. Alam niyang hindi na rin niya maibabalik pa ang nawala kagaya ni Kallix, but they still need to live today and for the days that will come.

I'm sure that's what you want too. Bulong ni Blue sa kaniyang isipan habang inaalala ang lalaking malapit sa kaniyang puso.

"Kahit pala mga taong akala mo ay wala nang kulang sa buhay ay may mga ganiyan din palang drama, ano?" biglang salita ni Alex.

Marahang sinara ni Blue ang pinto sa kwarto ni Kallix na noon ay natutulog na. Bumuntong hininga siya at nang magtama ang mga mata nilang magkababata ay pareho silang tipid na napangiti sa isa't-isa.

"Alam ko ang iniisip mo," anito. "Alam ko na higit sa lahat, ikaw ang nakararamdam sa nararamdaman ni idol ngayon."

Marahang pinisil ni Alex ang kaniyang balikat. Yumakap siya sa kaibigan at yumakap naman ito pabalik sa kaniya.

"I'm okay. I am better now, Lex."

"Good 'yan, par!"

And the reason that he is not alone is more than enough for Blue.

Pagkatapos niyang mahugasan ang pinagkainan nila ay nagpaalam na siya sa kababata na mauuna nang magpahinga. Sa pagkakaalam niya ay pupunta ulit sila ni Kallix bukas sa studio para ipagpatuloy ang ginagawa nilang kanta. Araw na lamang din ang binibilang para sa pagbabalik ng banda nila. Nag-aalala lamang siya kung makapagtatrabaho ba ng maayos si Kallix bukas.

Nasa daan na siya patungo ng kaniyang kwarto nang may maapakan siya sa sahig. Nang tinignan niya ang bagay na iyon at pinulot ay nakita niyang isa iyong papel. Nangunot ang noo ni Blue at nang binuksan niya iyon ay nakita niyang isa iyong liham.

Pakiramdam ni Blue ay may dumaan na malamig na hangin sa kaniyang likuran nang makita niya ang pamilyar na sulat kamay na iyon. Nanginig ang kaniyang mga kamay habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Nang mabasa niya ang pangalan sa ilalim kung kanino galing ang liham na iyon ay walang nang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

"Imo..."

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon