Thy Love The Series: 9

307 32 6
                                    

9

IT WAS ONE of those scenes, where a two man is sitting by the window. Ang papalubog na araw ay kalat na sa paligid nila. Matatanaw ang mataas at napakagandang Eiffel Tower sa kanilang harapan. Ang isa ay may hawak na gitara, habang ang isa ay nakapanlumbaba at matamang nakikinig dito. Tumigil sa panghuling hagod sa gitara ang kamay ng nag-gi-gitara. Ngumiti ito sa kaniya, pagkatapos nitong banggitin ang huling linya sa awitin na inawit nito para sa kaniya.

"How was it?" ang tanong nito sa kaniya.

"Hmm..." Pabiro siyang nag-isip sa harapan nito, sinadyang patagalin ang sarili niyang sagot. "Okay naman, maganda."

The man frowned in front of him. Hindi yata nito nagustuhan ang sagot niya.

"That's not what I want to hear, Blue," maktol nito na kinatawa niya ng malakas.

"Ofcourse, you're the best. My man's voice will always be my favorite." Hinawakan niya ang mukha nito at masuyo iyong hinagod. "Someday, I'll compose a song and you'll sing it for me, okay? Will you promise me?"

Ngumiti rin ito at inilapit nito ang mukha sa kaniya. The man kissed the tip of his nose, that made him smile. Napapikit siya, dinaramdam ang pagmamahal nito para sa kaniya.

"I promise."

Napamulat ang mga mata ni Blue at nakitang nasa isang kwarto lamang siya. Walang dapit-hapon, walang Eiffel Tower, at lalong-lalo na wala ang tao na iyon. Napa-upo siya mula sa pagkakahiga at pagak na natawa sa sarili.

"Binabati mo siguro ako dahil matutupad ko na ang pangakong iyon, pero ikaw hindi," bulong niya sa sarili.

Naramdaman niya ang mumunting mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata at hindi maiwasang madaanan ng paningin niya ang singsing na suot. Napakagat ng mariin si Blue sa kaniyang ibabang labi. Ang hapdi sa kaniyang dibdib ay muling sumidhi.

"Ang daya mo," mariin niyang sabi at tuluyan nang lumuha.

Alam niya na ang tadhana ang kailangan niyang sisihin sa maaga nitong pagkawala sa kaniya. Hindi pa nila tapos ang kanilang mga pangarap at pangako. Bakit kinuha kaagad ito sa kaniya? Sabi nila kapag oras mo na, oras mo na. Pero bakit may mga taong kinukuha sa mundo kahit hindi pa nito tapos ang misyon nito sa mundong ibabaw? Kailan nga ba ang tamang oras natin sa mundo?

Pinilit niyang matulog muli dahil hindi pa tuluyang pumuputok ang araw, pero hindi na siya makabalik pa sa pagkakahimbing. Bumuntong hininga na lamang siya at tuluyan nang bumangon para umpisahan ang kaniyang araw. Ala-singko pa lamang ng umaga at tiyak niyang tulog pa ang mga kasamahan niya sa unit.

Ngunit saktong pagpasok niya sa kusina, nadatnan niya roon ang isang Kallix Alexander Vladimir na gising na at tila ay nagluluto ng umagahan. Blue was taken aback. The man is wearing an apron at pakanta-kanta habang nag-gigisa yata ng kanin. May kahinaang tugtugin itong pinapatugtog sa cellphone nito na nasa gilid at sinasabayan nito ng pag-headbang. Napataas ang isa niyang kilay no'ng klaro niyang marinig ang musika na isa yata sa album ng banda nito. Nakikinita ni Blue na good mood ito.

"Maaga ka yata, ah?" bati niya rito.

Natigilan si Kallix sa mababaw na pagkanta nito at napalingon sa kaniya. Mabilis itong napangiti nang mamataan siya at ngumiti naman siya pabalik dito.

"Napaaga ang gising eh," anito. "Anyway, are you ready for later?" tanong nito, tinutukoy ang pagdala nito sa company nila.

Lumundang ang puso ni Blue. Gusto niyang magtatalon sa saya at sumigaw sa tuwa, pero pinilit niyang itago ang mga emosiyon na iyon sa pamamagitan ng isang ngiti.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon