NAPAKARAMING MGA TAO ang dumalo sa nagaganap na fansign event ng Monochrome sa labas ng Arena. Kagaya ng kanilang concert ay dingasa muli ito ng mga fans. Noong nakaraang buwan lamang naganap ang kanilang concert pagkatapos ng kanilang hiatus at naging successful iyon. Sold out din ang kanilang album at halos na-top nila ang mga charts.
"Bilis, bughaw! Mahuhuli na naman tayo ang kupad mo kasi lagi!" maririnig ang sigaw ni Alex hapong iyon sa apartment ni Blue.
"Ikaw naman palaging atat! Kahit ma-late tayo o hindi dumalo ng fansign nila makakapag-authograph ka pa rin naman! Hindi pa ba sapat na isa ka na sa pinakamalapit sa kanila? Magpasalamat ka sa kupad na ito!" si Blue.
"Excuse lang par, ha? Baka nakalilimutan mo na ako ang uploader ng video na dahilan kung bakit isa tayo sa malapit sa kanila ngayon. At ang dahilan kung bakit naging syota mo na ang bokalista nila at kasama pa sa iisang bubong!" Nanlalaki ang mga butas ng ilong nito na kinatawa ni Blue. "Sa akin ka magpasalamat!"
Oo, tama ang sinabi ni Alex. Kahit ngayon, pakiramdam ni Blue ay nananaginip pa rin siya. Ang isa sa mga kilala at iniidolo ngayon, ang taong halos pangarapin ng lahat, tinitingala at tinitilian ng mga kababaihan, ngayon ay syota na niya. Parang kahapon lang noong masaktan siya dahil kay Imo, ngayon ay tila nasa ulap na siya dahil kay Kallix. Hindi pa rin siya makapaniwala na pinili siya nitong mahalin.
Nang gabi ng concert kung saan nalaman nila na lumipad si Kallix papuntang Paris ay hindi nagdalawang-isip si Blue na sundan ito. He immediately booked a ticket going to Paris at alam na alam niya kaagad kung saan hahanapin si Kallix. Hinabol niya kaagad ito dahil ramdam niya na kapag hindi niya ginawa, tuluyan nang mawawala si Kallix sa kaniya.
"Blue..."
Kaagad na nawala ang pagod ni Blue sa magdamagang byahe mula Pilipinas hanggang Paris, patungo rito sa puntod kung nasaan si Imo. Tanaw pa lang niya si Kallix ay nawala na lahat ng kaniyang pangamba. Binitawan niya ang dalang bagahe at walang pag-alinlangan na tumakbo payakap sa bokalista.
Naramdaman niya ang gulat nito sa ginawa niyang iyon.
"B-Blue!"
"Shh... Five minutes. Hayaan mo muna akong damhin ang init mo sa limang minuto," paki-usap niya rito.
Tumahimik sa pagitan nila at hinayaan niya ang sarili na makulong sa bisig nito. Yinakap siya pabalik ni Kallix na nagpangiti sa kaniya.
"Okay na ako." Humiwalay siya sa yakap. "Huwag ka na ulet aalis ng walang pasabi, okay? Nakapanghihina, eh."
Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Bahagya siya nitong tinulak para magkalayo ang katawan nila. Blue saw sadness on Kallix's eyes.
"Blue... Please, stop. Alam ko na alam mo na itong nararamdaman ko at alam ko rin na si Imo pa rin ang nariyan sa puso mo."
Bumuntong hininga si Blue sa narinig. Hindi siya sumagot dito bagkus ay hinawakan niya ito sa kamay at hinila papunta sa kung nasaan si Imo. Ramdam niya ang pagpupumiglas ni Kallix pero hindi niya ito pinansin.
Blue smiled upon seeing Imo again.
"Hi," pauna niyang bati. "Long time no see."
Sa gilid ng kaniyang mata ay nakita niyang nag-iwas ng tingin si Kallix.
Binitawan niya ang kamay ni Kallix at kinuha ang singsing sa isa niyang kamay. Yumuko siya para ilagay ang singsing sa lapida ni Imo katabi ng bungkos ng bulaklak ni Kallix. Blue heard Kallix gasp.
"Blue... a-anong ginagawa mo?" tanong ni Kallix.
"This heartache is long due already, it's time to really move forward now." Tumingin siya kay Kallix at nilahad ang kaniyang kamay sa harap nito. "Will you hold my hand and walk together with me to move forward?"
BINABASA MO ANG
🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔
BeletrieCOMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Tesoro went back to the Philippines after his 'tragic' love story ended at the city of love - Paris, France - wherein, his and his man's dream p...