17
EVERSINCE THEY KNEW na ang Imo na mahal niya at ang Imo na matalik na kaibigan ni Kallix ay iisa, ramdam na ni Blue ang pag-iwas nito sa kaniya. Alam niya na nabigla lamang ito dahil ganoon din naman siya, pero hindi niya lamang maiwasang masaktan sa pakikitungo nito sa kaniya. His cold shoulders, their dull conversations, at hindi pa nito itinatago na iniiwasan siya nito.
"We'll start the recording tomorrow. Handa na ba kayo next week?" their producer asked the band.
Nasa meeting room sila ngayon kasama ang lahat. Kahapon ay natapos na nila ang buong composition sa comeback album ng banda at napagkasunduan na ang composition niya ang magiging title track noon. Dapat masaya si Blue, pero hindi niya magawa dahil kay Kallix.
Tumingin siya sa binata na kaharap niya at seryoso lamang ito na nakikinig sa meeting. Alam niyang magiging busy na ito dahil after ng recording ay may MV shoot pa sila at photoshoot para sa album jacket. Pero kahit kaunti manlang ay nais niya itong makausap para mabalik sa dati ang lahat sa kanila, ngunit paano mangyayari iyon kung kahit sa apartment niya ay iniiwasan siya nito? Minsan nga naiisip ni Blue na baka sa susunod na mga araw ay aalis na ito sa apartment niya na hindi manlang sila ayos.
And that hurt his feelings a lot.
"Ayos ka lang ba, Blue?" narinig niya ang boses ni Manager Kiko. "Kanina ka pang tuliro kahit sa kalagitnaan ng meeting."
Mapakla siyang ngumiti rito at tinanggap ang ini-abot nitong inumin. Tumingin siya sa harap kung nasaan at kinakausap ng producer ang banda para sa iba pang plano sa full album nila. Tinuon niya ang buong atensiyon kay Kallix at umaasa siya na maramdaman ng binata ang mga titig niya at tumingin manlang kahit saglit.
"Masakit po pala na ituring ka na parang hangin," wala sa sarili niyang sambit.
Kita niya sa gilid ng kaniyang mata na natigilan si Manager Kiko at tumitig sa kaniya. Ibinaba nito ang sariling inumin bago rin tumitig sa harap.
"Hindi ko alam kung nag-away ba kayo o ano, pero ganiyan lamang si Kallix kapag umiiwas siya sa taong importante sa kaniya." Nagkatinginan silang dalawa. "Kallix is usually snob at walang paki-alam sa paligid, pero iba ang kaso sa iyo Blue. Kung anuman ang hindi niyo pagkakaintindihan ngayon sana ay maayos ninyo. You might see na tila hindi siya apektado pero apektado siya, kapag malapit ka ay kita ko rin na natutuliro siya."
Iniwan siya ni Manager Kiko roon na natitigilan. Napaisip siya at muli ay napatingin kay Kallix. Somehow, Blue felt relief. Kailangan lamang siguro ay magkalinawan silang dalawa. Ayaw niya ng ganito silang dalawa. Nais niya na mabalik ang dati nilang samahan.
"K-Kallix, maaari ba tayong mag-usap?" lakas loob niyang sabi noong maka-uwi na sila sa apartment.
Nakita niya na nag-aalala rin ang kababata niyang si Alex habang nakatanaw sa kanila mula sa sala. Nasabi na niya rito ang pagkaka-ugnay nila ni Kallix kay Imo at hindi rin maiwasan ng kababata niya na mag-alala. Nais niya rin sana na dumistansiya kay Kallix kagaya ng ginagawa nito, pero hindi niya kaya. His chest is aching everytime Kallix avoids him.
"Sorry, Blue. I am tired. Let's talk kapag hindi na ako busy."
Magsasalita pa sana siya pero pumasok na ito sa kwarto nito at pinagsarhan siya ng pinto. Blue's lips trembled at hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha. This feeling is very familiar to him. Yes, Blue is very familiar with this. It's been a long time. That sweet yet painful feeling.
At that time, Blue realized Kallix's position on his heart.
PAGKASARA NG PINTO ay kaagad na napasandal si Kallix doon. He bit his lower lip so hard that it bleed. Ang bigo na mukha ni Blue bago niya ito tinalikuran ay rumehistro sa kaniyang utak. Ayaw niyang saktan ito, but everytime he sees Blue's face, mas lalo siyang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔
General FictionCOMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Tesoro went back to the Philippines after his 'tragic' love story ended at the city of love - Paris, France - wherein, his and his man's dream p...