Thy Love The Series: 13

265 33 4
                                    

13

NAGISING SI BLUE kinaumagahan at nabungaran ang pamilyar niyang kwarto. Ilang segundo pa siyang natulala sa kisame bago naalala ang mga eksena kagabi. Mabilis siyang napa-upo mula sa pagkakahiga at napasabunot sa sariling buhok.

"Ah! Nakakahiya!" he screamed.

Naalala niyang ikinuwento niya lahat kay Kallix. Naalala niyang umiyak siya sa harap nito. Naalala niya ang expresiyon sa mukha nito. Seryoso pero may bahid ng kakaibang lungkot. Naalala niya lahat. Hindi niya lamang alam kung nakatulog ba siya pagkatapos noon at dinala siya ni Kallix hanggang sa kwarto niya, pero nais na lamang niyang kainin ng lupa ngayon din sa nararamdamang hiya.

"Haaa...." buntong hininga niya ng malakas. "Hindi mo na mababawi iyon, Blue."

Napapikit siya at kinapa ang kaniyang puso. May katuwang pakiramdam siyang nararamdaman doon. Tila ba ang bigat sa kaniyang dibdib ay biglang gumaan. Ang nakabarang harang doon ay tila lumuwang. Hindi kaya dahil iyon sa paglabas niya ng kaniyang hinanakit at saloobin?

Nasanay na siyang kinikimkim ang lahat. Kahit pinapakita niyang ayos lamang siya at sinisikap na maging maayos kahit hindi naman ay nagbibigay ng bigat sa kaniyang dibdib sa bawat araw na dumaraan. Telling someone about his feelings gave his burden a breathing. He felt somehow relief that he did.

"I wonder why... ang dali ko lamang nasabi kay Kallix," he murmured to himself.

Hindi niya rin alam. Basta ginusto na lamang niyang ilabas. He never did that even to Alex. Lagi niyang sinasabi sa kababata na hindi na masyadong masakit pero ang totoo naroon pa rin. When he looked at Kallix' eyes last night, tila may naghipnotismo sa kaniya na sabihin rito. Lahat ng hinanakit at iiyak iyon lahat para mawala.

And remembering Kallix listening to him and giving some expressions on the latter's face gave Blue a tingling sensation. Hindi niya alam kung bakit kasabay ng pag-gaan ng pakiramdam niya ay ang tila mga paro-paro na iyon sa kaniyang tiyan. He wanted to see Kallix again, that way, he'll feel safe again.

Napasinghap si Blue sa naisip. "Gutom lang 'yan, Blue. Tama, gutom lang 'yan," kumbinsi niya sa sarili.

Mabilis siyang tumalima paalis sa kaniyang higaan para simulan na ang kaniyang araw. Kinakabahan lamang siya kung paano niya kakaharapin si Kallix muli.

"Oh? Gising ka na?" ang kababata kaagad na si Alex na noo'y nanunuod ng TV sa sala ang bumati sa kaniya. "Mag-agahan ka na, par. Alas-otso na."

Nagpalinga-linga siya sa paligid, pero wala siyang nakita ni anino ni Kallix. Nagtatakha siyang napatingin kay Alex. Sa pagkakaalam niya kasi ay wala itong trabaho ngayon.

"Si Kallix?"

Bagot na tumitig ang kababata sa kaniya. "Isang buong gabi na kayong magkasama ni idol kagabi, par. Bitin pa rin?"

"Nagtatanong lang, gaga." Pinaikutan niya ng mga mata ang kababata na tumawa lamang.

"Maagang umalis, eh. Sabi may bibisitahin daw."

He's still confused pero tumango na lamang. Naisip niya na mabuti na rin iyon at makakapag-isip muna siya kung paano kakaharapin si Kallix mamaya.




MARAHANG INAYOS NI Kallix ang suot na disguise pagkarating niya sa harap ng isang simbahan. He felt nostalgic looking at the place. It's been so long since he last came here. Noong naging busy na kasi ang mga magulang niya at silang magkapatid sa kanilang mga trabaho, hindi na sila pa nakabisitang muli sa orphanage. They've donated here before and he also made a friend here. Kinakabahan siya at baka galit na ito sa kaniya, but Kallix never forget their promise. Baka alam na nga nito na natupad na ang pangako nila.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon