Thy Love The Series : 7

315 30 7
                                    

7

"After so long, I've tasted home made meals again."

Hindi maiwasan nila Blue at Alex na magkatinginan pagkatapos sabihin iyon ni Kallix.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nila maproseso sa kanilang utak na kasama nila ngayon ang isa sa mga sikat na personalidad sa bansa, sa iisang hapagkainan, at ang mas malala pa ay ang sinabi nito kanina na dito ito titira simula ngayon!

Alex pinched Blue's arm at nginuso nito ang noon ay maganang kumakain na si Kallix. Nakuha naman kaagad ni Blue ang nais ng kababata. Na muli ay i-open-up kay Kallix ang sinabi nito sa kanila kanina.

"Ahmm..." Blue cleared his throat. "Kallix, iyon bang sinabi mo kanina... sigurado iyon?"

Natigil si Kallix sa pagkain at nagtaas ng tingin kila Alex at Blue. Nasa mukha nito ang kaseryosohan, walang bahid ng biro. He's chewing his food like Blue's question did not bother him a bit.

Kallix shrugged his shoulder. "That's what I've said. Nais ko na tulungan mo ako sa pagko-compose ng mga bagong kanta namin para sa nalalapit naming comeback after our hiatus."

"Wait!" si Alex. "Dito? As in dito talaga sa amin?"

Tumango si Kallix kay Alex na namamangha pa rin. Alex squeled at sinapok pa si Blue sa balikat, dahilan para batukan siya ni Blue pabalik.

"Umayos ka nga!" Blue reprimanded his childhood friend bago muling itinuon ang atensiyon kay Kallix.
"Bakit dito? I mean, okay ba ang kumpaniya niyo diyan sa desisyon mo?"

Nang tumingin muli si Kallix sa gawi nila Blue ay hindi na ito seryoso. Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang nakanguso. Natigilan si Blue, sa isip niya ay baka na-offend niya ito dahil tanong siya nang tanong.

To some fans, they knew that if Kallix is pissed at something, he tends to pout.

"Ayaw niyo?" Kallix inquired at Blue and Alex. "I just... want to have a new environment. Isa pa, I feel so normal around you Blue. Except the fact that I need your help."

"No, hindi sa ayaw," depensa ni Blue. "Pero sikat ka Kallix, paano na lamang kung malaman ng mga fans niyo ito o mamataan ka ng mga taga media na lumalabas at pumapasok sa isang building na hindi sa entertainment niyo? Tsaka... baka maapektuhan din kami. Sorry, pero normal na mga tao lang kami ni Alex."

"Ayaw mo nga." Kallix pouted even more in front of Alex and Blue.

"I already instructed Kiko on what to do. Sinabi ko na kapag kumalat, sabihin sa media na lumipat ako ng condo dahil bawal na sa akin ang maingay na environment. Kapag may nakakita naman na kasama ko kayo dito, sinabi ko na sabihin na kaibigan ko kayo. Isa pa, Blue was already exposed to the people, right? It's easy to say na tinutulungan mo ako sa new songs namin dahil kumakanta ka rin at alam na nila 'yun. If worst comes to worst, I can have a presscon," dagdag nito.

Sinabi iyon lahat ni Kallix na tila ba pinaghandaan na talaga nito ang lahat. Natutulala lamang sila Alex at Blue sa pakikinig dito. Matagal pa nilang na-i-proseso lahat sa kanilang mga utak.

Nang makabawi ay si Alex ang unang nagsalita.

"Eh iyon naman pala!" tumawa ito ng pagak. "Pumayag na tayo, Blue!"

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon