Thy Love The Series: 19

285 29 8
                                    

19

NAGING MATAGUMPAY ANG comeback ng bandang Monochrome. Siyempre, isa si Blue sa mga pinakamasaya sa kanila. Ang kababata niyang si Alex ay halos bente-kwatro oras na nag-stream sa album ng mga ito. Blue just saw their MV once, pero may ngiti sa labi na pinanuod niya iyon.

Finally, his final message for Imo resonated.

"Hoy bughaw! Nakabihis ka na ba?" Dinig niya ang katok sa kaniyang pinto.

"Heto na! Heto na! Excited masyado. Isang oras pa naman bago ang concert, ah?"

Lumabas siya sa kaniyang kwarto hawak ang dalawang VIP ticket na binigay sa kaniya ni Kallix kaninang umaga para sa kanila ni Alex. Although awkward pa rin ang atmospera sa pagitan nila, masaya si Blue at kinakausap na siyang muli ni Kallix. Napagdesisyunan niya na pagkatapos ng concert ng mga ito ay aamin siya rito. He likes Kallix. He likes him a lot.

"Ano ka ba naman, par! Better early than late!"

Natawa siya sa narinig mula sa kababata.

"Grabe, nailusot mo pa 'yun, ha?"

Napag-isipan na rin ni Blue na kung sakali man na maging matagumpay ang pag-amin niya ay aayain niya si Kallix na bisitahin si Imo. Ramdam niya kasi na kaya siya iniwasan ni Kallix noon ay hindi dahil nagulat lamang ito na si Imo ang kasintahan niya, kung hindi dahil nararamdaman niya na gusto na rin siya nito. Ayaw niyang pakumpiyansa, pero nakikita niya lahat sa mga mata ni Kallix. Maging ang sakit kapag nakatingin ito sa singsing na ngayon ay hindi na niya suot.

He moved on, kaya kailangan na panindigan niya iyon.

"Ang daming tao!" gulat niyang sambit ng sa pagdating nila sa Arena kung saan ang concert ay halos magmistulang langgam ang mga tao sa rami.

"Oo naman, par! Expected na iyan. Sa tagal nilang hiatus, miss na namin silang mga fans."

Hindi akalain ni Blue na ganito pala ang buhay ng isang fan. Nandito lamang siya bilang suporta sa banda, pero masasabi niya na mas nakamamangha ang pagmamahal at suporta ng mga tao na ito.

"Doon tayo sa harap."

Hinila siya ni Alex sa VIP seat kung saan nakalagay sa ticket nila. Nagulat pa nga siya nang mamataan ang mga magulang ni Kallix sa bandang harap nila. Ang Mommy nito ay agaw pansin sa suot na headband na umiilaw at hawak ang isang lightstick. Ang asawa nito at kuya yata ni Kallix ay halatang nahihiya pero nanatiling seryoso.

Nang maupo na sila sa kanilang upuan at mapatingin siya sa malapad na stage, nakaramdam si Blue ng kakaibang init sa kaniyang puso. Gusto niyang sabihin na, 'Importanteng tao ko ang bokalista niyan!'. At sa kaisipan na mamaya ay tatayo ito roon sa harap ng maraming tao, siya na yata ang pinaka-proud.

Ang dati ay dinadaanan niya lang ng sulyap sa kaniyang newsfeed. Ang dati ay iniilingan niya ng ulo kapag nagkukwento ang kaniyang diehard fan na kababata. Ngayon ay isa na siya sa handang mag-alay ng pagmamahal at suporta sa mga ito, lalo na kay Kallix.

Hindi na siya makapaghintay na makausap ito at sabihin na hindi niya ito nagustuhan dahil tumitibok sa katawan nito ang puso ni Imo, kung hindi nagustuhan niya si Kallix dahil siya si Kallix. He likes Kallix for who he is not because he has something that is from the man he loved before. The past is already at the past. Kallix will be his present and future, Blue will make sure of that.

"Nga pala, par," narinig niya ang bulong ng kababata. "Matutulog ba sa labas mamaya si idol?"

Napakunot ang noo ni Blue sa katanungan nito. Lito siyang napatingin kay Alex.

"Sa labas? Bakit mo naman naitanong iyan?"

Nakita niyang yumuko si Alex, tila ba nalilito rin ito. Matagal itong nag-isip bago siya sinagot.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon