Thy Love The Series: 6

331 35 8
                                    

6

"OH!"

Natigilan si Blue sa pagtitipa sa kaniyang loptop noong biglang sumigaw ang kababa niya na tutok na naman sa cellphone nito. Nagkaroon na rin kasi siya ng online job. Isa siyang freelance writer sa isang writing platform. Malayo man sa pinapangarap niyang maging newscaster, angay pa rin iyon sa tinapos niyang journalism. Isa pa, hindi na rin masama ang kita niya doon. Kapag papalarin ay baka maging stepping stone niya rin ito hanggang sa makapagsulat siya ng mga balita para sa mga radio station o telebisyon, sa ganoon ay mapapalapit pa siya sa kaniyang pangarap.

"Oh? Anong meron?" tanong niya sa kababata.

Hindi naman ito magkandakumahog na bumaba mula sa pagkakahiga sa sofa at lumapit sa pwesto niya. Nilapit pa nito sa kaniyang mukha ang screen nang cellphone nito kung kaya agaran niya ring tinampal iyon paalis.

"Si Kallix discharged na daw sabi dito sa page nang Dispelle sa twitter! May mga litrato silang stolen kuha kaninang umaga na papalabas ito sa hospital kasama ang manager nito." masayang bulyaw nito, kung kaya nakisilip naman siya kaagad sa cellphone nito.

Nakita niya ang app na may kulay blue na ibon na twitter kung tawagin. IG lang naman kasi ang social media na meron siya at hindi rin gaano ka active. In short, hindi mahilig si Blue sa social media life. Kabaliktaran nang kababata niya na halos lahat yata ng site meron ito. Para lamang makapagstalk sa mga idol nito.

Nakita nga niya doon ang isang artikulo kung saan may mga litrato ni Kallix kasama si Manager Kiko papalabas nang hospital. Kahit balot na balot ito ay makikilala pa rin na si Kalix iyon. May kakaiba kasi itong awra at kagwapuhan na kahit subukang itago, lumalabas pa rin.

"Hmm... mabuti naman kung ganoon." ang tanging naging kumento niya.

"Hindi na ba talaga nagtext sa'yo o tumawag?" tanong ni Alex sa kaniya.

Bahagya siyang ngumuso dito at mabilis na sumilip sa kaniyang cellphone. Dalawang araw magmula noong nakilala niya ito at noong makipagvideo call ito ay hindi na ito nagparamdam pang muli. Well, sikat nga naman ito kung kaya bakit naman ito makikipagtelebabad pa sa kaniya? Isa pa, aksidente lang naman kung kaya napavideo call ito noong isang gabi.

Nahihiya din siya na magkipagkamustahan dito dahil baka isipin nito na feeling close naman na siya masyado. Baka hiningi lamang nito ang kaniyang numero kung sakali na gustuhin nito muli na awitan niya ito. Iyon na lamang ang inisip ni Blue.

Umiling siya sa kababata. "Hindi na eh."

Napanguso din ito sa harapan niya at tumango tango. Nagpapasalamat siya at hindi na ito nagtanong pa kahit ramdam niya ang paghihinayang nito. Halata naman noong bumagsak ang dalawang balikat nito habang papunta sa kusina dahil magluluto na lamang daw ito ng hapunan.

Bumalik na lamang si Blue sa pagtitipa, pero nadidistract siya sa kaniyang cellphone. Hindi siya mapakali.

"Ayos lang naman siguro." bulong niya sa sarili at kinuha ang kaniyang cellphone para magtipa nang mensahe para kay Kallix.

Nais niya lamang itong batiin dahil nakalabas na ito at mangamusta kung maayos na ba talaga ito. Pikit mata niyang pinindot ang sent button noong matapos siyang magtipa nang mensahe. Hinintay niya pang basahin iyon ni Kallix habang kumakabog ang kaniyang dibdib sa antisipasiyon. Kaso, wala. Hindi nito binasa, wala ding reply.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon