Thy Love The Series: 5

392 35 7
                                    

5

HINDI NA NAWALA pa ang ngiti sa mga labi ni Kallix kahit noong naka-uwi na si Blue. Paulit ulit niyang kinakanta sa kaniyang sarili ang awitin na kinanta ni Blue para sa kaniya kanina. Naweweirduhan na nga ang mga kabanda niya na bumisita sa kaniya sakto pagkatapos na pagkatapos umuwi ni Blue.

Ala-sais na ng gabi at hindi akalain ni Kallix na makakasama niya si Blue buong araw. Nais nga sana nito kanina na umuwi kaagad pagkatapos siya nitong kantahan, pero mabuti at napapayag niyang sa hospital na rin ito mananghalian. Hanggang nga na mas naparami pa ang pag-uusap ng dalawa na humantong sa pagbilin ng manager niya at ng mga magulang niya na si Blue na lang daw muna ang maiwan sa kaniya para magbantay. Hindi niya mapigilang mapangiti noon nang nag-uusap na sila tungkol sa mga awitin hanggang sa nagrequest ito na magpicture picture daw sila dahil ang kababata daw nito ay solid fan ng banda nila. Mas lumawak ang ngiti niya nang maisip na nahingi niya pa ang numero nito.

"Ayos lang kaya itong pasyente natin?" dinig niyang bulong ni Sharp na hindi na lamang niya pinansin dahil masyado siyang masaya. "Mukhang utak na yata ang susunod na ooperahan dito."

"Oo. Tapos kasama ka na rin d'un." masungit na sagot ni Ruan dito – ang second vocalist at lead guitarist ng kanilang banda na pinaglihi yata sa sama ng loob dahil sobrang ma-attitude.

"Tch. Ikaw ba ang kausap ko ha? Sungit? Si Miko kasi." busangot na sagot ni Sharp dito at tinutukoy ang tahimik lang nilang bassist na si Miko.

"Tama naman si Ruan." Miko answered with a shrug and as usual, OA na napahawak si Sharp sa sarili nitong dibdib na tila sobrang nasaktan talaga.

Doon na nakuha ang atensiyon ni Kallix ng magsimula nang mag-ingay ang mga ito, pasimuno ang madramang  Thai nilang  drummer. Hinagisan niya ng isang unan si Sharp na sumapol kaagad sa ulo nito.

"Shia!" (Shit!) sigaw nito. "Pati ba naman ikaw, Kallix? Gan'un na ba ako kung ituring ng banda na ito? Ayoko na! I quit!" himutok nito na sabay namang tinanguan nilang tatlo.

"Ay? Agree na agree? Wala manlang pipigil?" dagdag pa ni Sharp.

"Matagal na rin naman naming hinihintay na umalis ka, so.... the door is open." minwestra pa ni Ruan ang pintuan dito na ikinaingay na naman nito.

"Shut up already. Sinisira niyo ang tahimik kong pag-iisip." singhal ni Kallix kung kaya natahimik naman sa kanilang bangayan sila Sharp at Ruan.

"Ano naman ba 'yang iniisip mo? Uso share." si Sharp.

"Pearline?" Miko guessed then shrugged his shoulder.

Nangunot ang noo ni Kallix dahil muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa babaeng iyon. Muntik na niyang makalimutan na may syota pala siya. Well, hindi rin naman kasi niya tinuring na syota si Pearline na feel na feel namang syotain siya. Nasilaw lang talaga siya sa suporta ng mga fans sa loveteam nila, kung kaya pinatulan niya ito.

"Makikipagbreak na ako d'un." diretso niyang sabi at mukhang OA na naman sanang sasagot si Sharp ng pumasok  ang kakarating at mukhang stress na naman nilang Manager sa kaniyang silid.

And speaking of the devil herself, kasunod nito si Pearline na maarteng naglakad papasok kasunod ni Kiko. Kaya pala istress ito, dahil pala sa actress na nakabuntot dito. Sa malamang ay nalaman na nitong maaari na siyang bisitahin ng maraming tao at bumuntot kaagad sa kanilang Manager. Mukhang hindi lang sa trabaho naistress ang Manager nila ngayong araw.

🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon