10
"WELCOME TO YJM ENTERTAINMENT, Blue."Malugod at malawak ang pagkakangiti ang pagbati ni Manager Kiko kay Blue nang dinala na siya ni Kallix doon. Nasa meeting room sila at silang tatlo pa lamang ang tao. Sa pagkakaalam niya ay makikilala niya rin ngayon ang CEO at ang ibang staff na makakatrabaho niya. Hindi na siya makapaghintay.
"Manager Kiko! Maraming salamat po," aniya sabay yakap dito pabalik.
"Mabuti at napapayag ka nitong alaga ko? Your talent is really quite amazing," puri nito sa kaniya.
Natawa siya at napakamot sa kaniyang batok. Tinanaw niya si Kallix na nakikipagsagutan na sa mga kabanda nito na kakarating lamang din. Sobrang ingay kaagad niyong Thai nilang drummer. Nakilala niya na rin naman ang mga ito kanina isa-isa. Seeing them before sa videocall and seeing them now in person, hindi na nagtaka pa si Blue kung bakit marami ang nahahalina sa banda na ito. Pero siyempre, para sa kaniya, si Kallix ang pinakagwapo.
"Pasensiya ka na sa mga alaga ko at maiingay," dinig niya muli ang pagsalita ni Manager Kiko.
Natawa siya. "Ayos lang, Manager. Masarap kasama ang mga kwela kesa seryoso."
Tumango si Manager Kiko sa kumento niya.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang CEO. Bagama't kinakabahan, naging maayos naman ang paghaharap nila dahil sobrang bait nito. Medyo strikto ang mukha, pero napakakwela rin.
"Kallix," tawag pansin ng CEO sa bokalista. "Tour Blue around our building. Ikaw na ang bahalang magdala sa kaniya sa composition room at magpakilala sa mga makakasama niya roon."
Kallix grabbed one of his arm na kinabigla niya. "You don't have to tell me."
Hinila siya nito paalis doon at dinala sa direksiyon patungo sa composition room. Nahihiya na lamang siyang kumaway sa naiiling na CEO at kay Manager Kiko.
Pagkarating nila sa lugar, nagulat pa si Blue sapagkat walang katao-tao roon. Naisip niya na baka wala pa ang mga staff sa mga oras na iyon. Mangha siyang naglakad-lakad sa loob habang pinakatitigan ang mga kagamitan doon. He can't believe that finally, narito na siya.
Wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang singsing.
"You happy?" Kallix asked him na noo'y nakapamulsa na tinatanaw siya.
Tumango siya rito. "Sobrang saya. Hindi ko aakalain na makakarating ako rito. Thanks to you, Kallix."
"Nah. It's thanks to your talent."
Naupo ito sa swivel chair kaharap ang computer kung saan yata nag-i-input at nag-e-edit ng mga kanta na kinompose. Sinenyasan siya ni Kallix na lumapit doon kung kaya walang pagtanggi na sumunod naman siya.
"After we finish our song, gagawin na natin ang magiging takbo ng tugtog dito. I requested na tayong dalawa ang tatapos ng lahat."
Nagulat siya. Ibig bang sabihin nito ay tanging silang dalawa lamang ang magtatrabaho noon? Not that Blue hated the idea. Hindi lang akalain ni Blue na maalam din pala si Kallix pagdating dito.
"Siguro may mangilan-ngilan na kayong awitin na ikaw ang gumawa lahat, ano?" mangha niyang tanong dito.
"That is right."
Look at that confidence. Pero hindi nayayabangan si Blue rito. Mas tumaas pa nga ang respeto niya sa bokalista.
Yumuko siya at masinsinang tinitignan ang mga tinuturo ni Kallix sa kaniya. Sobrang saya niya habang pinapakinggan ito. Sobrang masaya siya na matuto. Blue was too engrossed na hindi na niya napansin ang mga titig ni Kallix sa kaniya.
BINABASA MO ANG
🌈 TLTS1: Strumming of Hearts (BL) ✔
Aktuelle LiteraturCOMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Tesoro went back to the Philippines after his 'tragic' love story ended at the city of love - Paris, France - wherein, his and his man's dream p...