[6] The Head That Wears The Crown (Part 2)

85 31 3
                                    

ROSE DE GUZMAN[6]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ROSE DE GUZMAN
[6]

"Is it good?" tanong ko kay Laurel. Nasa loob kami ng open studio dito sa Purity para mapakita ko sa kanya ang ginawa kong kanta para kay Oscar. Wala gaanong laman ang open studio bukod sa isang speaker at mga salamin sa mga pader.

Niyakap ko ang gitarang hawak ko habang hinihintay ang sagot ng roommate ko. Kinakabahan ako baka kasi masyadong corny ang naisulat ko.

"It's not good," Laurel said. Nang nakita niya ang malungkot kong mukha, pahabol niyang sabi, "It's perfect! Grabe, Rose, ang galing mo! The lyrics clearly tell the story between you and Oscar!"

"Kinabahan ako akala ko napangitan ka na sa gawa ko," sabi ko sa kanya. "Baka sinasabi mo lang 'yan kasi kaibigan kita."

"Hay nako, Rose! Maganda ka naman pero kulang ka lang sa confidence," Laurel said, scrolling through her phone. "Speaking of confidence, kailan mo pala gustong i-perform 'yan kay Oscar? Gusto mo ngayon na?"

"Sira! Kailangan ko pa mag-practice para naman hindi ako mapahiya," tugon ko kay Laurel. Buong linggo na akong pumupunta sa open studio para mag-ensayo pero I still feel that I'm not yet ready.

I admit the thought to throwing your heart out to someone in public sounds terrifying (it truly is!). May iba na ngang members sa club ang umaalis kasi 'di nila gusto mapahiya. Aaminin ko na isa rin ako sa mga nagda-dalawang isip kung pagpapatuloy ko pa ba ang pagiging miyembro sa Harmony.

The reason I stayed in this club is because I remembered what Jekyll said, Harmony needs performers. And performers need confidence. I know I'm an extroverted person but when it comes to Oscar, I feel like I don't have any control!

"As if naman 'di ko alam na palagi kang andito para mag-practice," Laurel replied. "Besides, there are already a lot of videos of your bandmates online. Kailan ka dadagdag?"

Tinignan ko ang phone ni Laurel at tama nga ang sinabi niya. Marami nang nagpo-post ng mga performance videos nila. While I'm scrolling I noticed the account of Jekyll.

"Teka, bakit may video si Jekyll?" pagtatakang tanong ko at kinuha ang phone ni Laurel para mapanuod. "Hindi naman niya kailangan gawin 'to kasi may jacket na siya."

"H-hoy!" Laurel said, trying to get back her phone. Naglakad ako palayo sa kanya para mapanuod ang video at laking gulat na ang taong kinakantahan niya ay si Laurel.

Tinignan ko si Laurel na ngayon ay kasing pula ng suot niyang crop top. "Let me explain," she said. I folded my arms and smirked at her, "Oh my god! Jekyll has a crush on you!"

MelpomeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon