[11] Rise By Sin, By Virtue Fall (Part 3)

46 13 0
                                    

GOD DEL VALLE[11]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


GOD DEL VALLE
[11]

Chivalry Dormitory, 5 days ago

The reason why I want to turn into God is to avoid problems. Pero ngayon na nakita ako ni Mikhael habang nagta-transform, 'di ko alam kung ano ang gagawin ko.

Pagkatapos umalis ni Mikhael kanina sa may CR, agad akong pumunta sa kwarto namin para tignan kung andito siya. He's not yet in here and since then, I kept pacing around the room, thinking what would I say when he returns.

"Anong sasabihin ko kay Mikhael? Nakita niya akong lumabas ng girls' CR!" sabi ko habang paikot-ikot sa kwarto. "Sabihin ko na lang na nagkamali ako ng tingin sa CR! Para naman 'di niya isipin na ako si Goddess."

I looked at the Melpomene hoodie I'm wearing. "Shit! He already know that the hoodie I'm wearing is Goddess' hoodie!" I said, giving myself a facepalm. I angrily took off the hoodie I'm wearing and threw it on my bed. "Putangina!"

Binuksan ko ang closet ko at naghanap ng pwedeng suotin. After finding a black shirt for me to wear, I stopped to look myself at the mirror attached on my closet's door.

"Napakalaki ko namang tanga para isipin na porket nagbago hitsura ko, mawawala na agad mga problema ko," I said, looking at my reflection. I closed my eyes and cringed on what I had done a while ago. "Goddess, what are you thinking? 'Di pa lumulubog ang araw nag-transform ka na agad!"

May narinig akong kumukuluskos sa doorknob ng pintuan. "That must be him already!" I said, immediately pulling the shirt over my head and wearing it. "Bahala na. Perhaps I would end up telling him the truth, but it's okay."

Naglakad na ako papunta sa pinto nang biglang bumukas ito. I thought it is already Mikhael, but it isn't. I'm not expecting to see... "Antonio?" sabi ko sa lalakeng nakatayo sa doorway namin. Bakas pa rin sa suot niya ang mantsa mula sa binuhos kong iced coffee.

"God? What are you doing here?" he asked. To which I replied, "This is my room. What are you doing here?"

"Mikhael's my best friend. I need his advice after what your sister did to me," tugon niya. Binulsa niya ang phone na hawak niya at naglakad papunta sa akin. "This is all your fault, God!"

Throughout the months I've been dating Antonio, ngayon ko lang siyang nakitang magalit. That's one of the things I like about him— his ability to control his temper. Pero ngayon, habang nakatingin sa mga ugat sa sintido niya, 'di na ako sigurado kung may kontrol pa ba siya.

"Dapat 'di ka nakikisawsaw sa relasyon namin! Wala ka namang alam, God! Wala!" sigaw ni Antonio habang hawak-hawak ang kwelyo ng t-shirt na suot ko. I'm honestly scared of him right now. "Goddess couldn't even listen to what I'm trying to say! Kasalanan mo 'to at magbabayad ka!"

MelpomeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon