[7] The Man That Has No Music In Himself (Part 2)

47 20 4
                                    

ROSE DE GUZMAN[7]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ROSE DE GUZMAN
[7]

Pagkatapos kong i-kwento kay Laurel na bumabait na sa akin si God at may tsansa na maging magkaibigan kami, tumawa na lang ito na rinig hanggang sa katabi naming kwarto.

"Seryoso ka ba talaga diyan?" tanong ni Laurel at kumuha ng isang slice ng pizza na tinake out niya kanina. "Are you really sure na 'yung kinausap mo ay si God? At hindi ibang nilalang na nagpapanggap bilang God?"

"Yes, I'm sure. To be honest, dahil sa kanya naintindihan ko kung bakit ako pinahiya ni Goddess noon," I replied while grabbing a slice of pizza. Buong araw ko 'tong hinintay at 'di ako makapaniwala makakakain na rin ako ng pizza! "In fairness, mas juicy 'yung pepperoni today, ha!"

"Sayang nga 'di available 'yung thin crust na gusto mo, but I'm glad that you liked the pepperoni," Laurel said. Patuloy kami sa pagkain ng pizza na tinake out niya. Masyado nga lang mahal pero this is my comfort food.

Bawal ang pagkain sa dormitory kaya nilagay ni Laurel ang bawat pizza sa isang tupperware. Mabuti na nga lang at hindi nagchecheck sina Jolly sa may reception desk kasi kung hindi, baka palayasin kami ni Laurel dito sa Purity.

"Kailan nga ulit 'yung Talent Show?" Laurel asked. To which I replied, "Uhmm... Wednesday next week, 4-5:30 PM. Why do you ask? Manunuod ka ba?"

Laurel nodded. Kinuha nito ang phone niya at tinignan ang schedule niya for Wednesday. "Kaso may klase ako that time. Pero 'wag kang mag-alala, I'll find a way," she said.

"Laurel, you shouldn't cut classes for me," tugon ko sa kanya. Kinuha ko ang phone niya at tinignan ang schedule niya. "Drama History with Prof. Victoria... Girl, you don't want to cut Drama History. Victoria is a menace."

"What do you mean? Prof. Victoria is a good teacher," tugon ni Laurel. Naubos na namin ang isang tupperware ng pizza kaya naman kumuha ito ng isa pa mula sa dala niyang bag. "One time, she let the whole class sleep after our Basic Stunts. Paano ba naman pinag-cartwheel kami ni Prof. Zubiri kaya ayon lahat kami pagod at inaantok."

Basic Stunts is basically PE pero mas mahihirap at mas intense ang mga routines na pinapagawa sa amin. From gymnastics to self-defense, Basic Stunts makes our bodies fit for action roles. Para pagpasok namin sa industriya, 'di na namin kakailanganin ng isang stunt double.

"She's the director for this year's Showcase—" I said. To which Laurel interrupted, "That's great news!"

"And she's the one who told me that I don't have what it takes to be the leading role," I added. To which Laurel replied, "Ouch. She's harsh. Pero alam mo naman sa sarili mo na kaya mo."

MelpomeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon