057

181 11 3
                                    

tuesday; 09:12 [azeal]

nandito kami ngayon sa café ni ash. hindi pa kami nagsisimula dahil wala pa ang iba.

"thanks." wika ko at nginitian si kris na naglapag ng mga inumin namin.

bumalik lang ako sa pagrereview ng mga putahi na gusto nila vannette at psychord sa kasal nila.

"nakita nyo yung post ni iver sa ig niya?" rinig kong tanong ni vannette.

"oo. ang cute nong bata." sagot naman ni asherha.

"kala ko may kapatid si amber e." natatawang wika naman ni edri.

hindi ko nalang sila pinansin at patuloy lang ako sa pagrereview ng papers na nasa harapan ko.

"nakita mo ba, az?" tanong ni kris kaya napaangat ako ng tingin sa kanila.

"ha?" takang tanong ko.

"yung post ni iver na bata." sagot ni asherha.

"hindi e. bakit?" i shrugged.

"ang cute. tingnan mo! sarap nga i-adapt, hehe." sagot ni vannette.

"gumawa na kasi kayo ng inyo." natatawang gatong ni damion.

"sinisimulan na." sagot naman ni psychord.

"tingnan mo, az! dali! ang cute talaga, as in! kala ko nga anak ni iver sa ibang babae e na ngayon lang sumulpot." natatawang wika ni asherha.

kinuha ko naman ang cellphone at binuksan ang ig ko. pero agad ring napakunot ang noo ko.

agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakitang nagpop-up na message.

felix:
hi, zeal! we're already here but we have a problem.

felix:
i'm sorry but...

agad akong napatayo sa nabasa ko.

"i'm sorry. aalis muna ako! babalik rin agad ako!" paalam ko at agad na tumakbo palabas.

shit!

.

catching odds ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon