087

187 9 2
                                    

saturday; 06:51 [edri]

"saan ka pupunta?" tanong ni asherha na nagising ata.

"magpapahangin lang sa labas." sagot ko.

"aga mo naman nagising. late na tayo natulog kagabi at may party pa mamayang gabi." reklamo ni asherha.

natawa nalang ako saka lumabas na.

naglakad-lakad ako sa dalampasigan. napakakalmado ng paligid. just a typical morning pero napakagaan sa kalooban.

naupo naman sa isang bench sa tabi at napangiti nalang ako sa mga batang naglalaro sa tabing-dagat at naghahabulan.

napalingon naman ako sa tabi ko ng biglang may umupo. lumingon siya saakin sabay ngiti at abot ng isang cup ng kape. kitang-kita tuloy ang dimples niya.

"thanks." i said as i accepted his coffee.

"kamusta?" he asked kaya napatingin ako sa kanya. he was just looking at the cup he was holding both of his hands.

"still trying to be okay. ang hirap e." i honestly replied.

"i'm sorry kung hindi kita naipaglaban." wika niya sabay tingin saamin.

his eyes are full of sincerity and.... regret?

i sighed as i smiled at him at tumingin nalang sa karagatan na nasa harap namin.

"i understand. huwag mo na ako isipin uther, hindi pa man ako completely okay ay magiging okay rin naman ako."

i turned to face him. "basta ipangako mo lang saakin na magiging masaya ka uther, sapat na yun saakin."

napatungo naman siya at kagat-labing napatango bago tingnan ulit ako sa mga mata ko.

"ipangako mo ring maging masaya ka, edri. please?"

this time ay ako naman ang napatungo at kagat-labing tumango.

ang hirap. ang hirap-hirap pa rin tanggapin na hindi kami ang end game. na ang happy ending namin ay hindi ang isa't isa. pero ganon talaga.

life is not just about cupcakes and rainbows.
  
  

.

happy 2k reads ♡(∩o∩)♡

catching odds ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon