020

161 10 11
                                    

sunday; 14:12 [heressy]

"thanks dad." i said at saka inayos na ang bag ko para umalis nang magsalita ulit siya kaya napahinto ako.

"wala ka pa rin bang ibibigay na apo saakin, heressy?"

i pouted. "dad naman. i'm still young to have a baby."

"you're still single to have a baby." he corrected.

"foul yan dad." i jokingly retorted kaya napatawa siya.

"anak, ilang taon nalang lalagpas na yang edad mo sa kalendaryo. wala ka pang ipapakilala na boyfriend mo saakin?"

i get it. as an only child ay gustong-gusto na talaga nila daddy na magkapamilya ako para bigyan ko daw sila ng apo. they like babies kaya rin gusto nila. pero anong magagawa nila kung hindi pa talaga ako handa?

"dad, i'm still busy with the hospital kaya i have no time for that stuffs."

"kaya nga now that you're taking a couple of months vacation leave ay baka naman. baka lang naman."

"for just 2 months, really?" i scoffed.

"or at least a suitor." he corrected immediately.

"nah, i bet wala." i shrugged.

"cause you don't entertain boys." he muttered that made me chuckle.

"it's been years. hindi mo na ba talaga bubuksan iyang puso mo para sa iba, heressy? i mean, i know you love him so much but not because you'll love another person ay ibig sabihin na non ay hindi mo na siya mahal. he has a special room in your heart. and i know he don't want you to isolate yourself from loving other guys. i know he wants you to have a family too. to be happy too."

natahimik ako sa sinabi ni daddy. he's right. hindi ito gugustuhin ni seint na ilayo ko ang sarili ko sa ibang lalaki. pero natatakot kasi ako e. natatakot ako na baka hindi ko pala kayang magmahal ng iba. na hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na ibibigay nila dahil alam kong ang puso ko ay na kay seint pa rin.

"kung makakahanap man ako dad. siguro iyong taong kaya akong intindihin dahil sa kalagayan ko. at tanggap niya na parte pa rin talaga saakin si seint." wika ko at agad na napakagat-labi.

napatango naman si daddy sa sinabi ko sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.

"just don't be too hard on yourself. take it slowly." dad smiled kaya napangiti na rin ako.

"sige dad. i'll get going." paalam ko at tumango naman si daddy.

"ingat."

lumabas na ako sa office ni dad at naglakad sa hallway ng hospital. maraming bumabati saaking nurses kaya binabati ko na rin pabalik.

"ate doc heressy!"

napatingin ako sa tumawag saakin at nakita ko ang isang 15 years old na batang naka-wheelchair na tulak-tulak ng isang nurse.

"angelo." tawag ko at nginitian siya.

yeah, this kid has the same name with seint. and funny how this kid became my patient weeks ago. may congenital heart disease si angelo and he needed a heart donor. luckily, bago pa man lumala ng husto ay may anghel na dumating at nagbigay ng puso kay angelo. and that donor, he was caught into a car accident. a serious head injury that needed an immediate operation. kaso hindi na naging successful ang operation and before he died, sinabi na nyang idonate ang puso niya. that guy is an angel too.

"how are you? your heart?" i asked.

"okay po ate doc! tumitibok naman po." he joked kaya natawa ako.

"buti naman kung ganoon. ingatan mo puso mo ha?"

"opo ate doc. salamat po ulit. utang ko rin po ang buhay ko sa inyo. idol ko po kayo! magiging doctor rin po ako tulad nyo." he said kaya napangiti ako. 

"gawin mo anong gusto mo. maging doctor ka. at tulungan mo ang nangangailangan, okay?" i said at tumango naman siya.

"bye na po ate doc. check up ko na kasi." paalam nya at tumango naman ako.

"bye. pakatatag ka." i said as i patted his head.

"salamat po. bye po." he said bago sila umalis ng nurse.

napahinga naman ako ng malalim saka napaangat ng tingin para magsimulang maglakad na sana.

but i was frozen to where i was standing. agad na kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko. i could also feel the blood drained in my face as i feel really cold.

napalunok ako saka agad na tumakbo para hanapin at sundan ang nahuli ng mga mata ko. pero hindi ko na ito makita.

palinga-linga pa ako sa raming tao na nandito sa lobby ng hospital.

namamalikmata lang ako diba? hindi sya yung nakita ko diba?

i saw it with my own two eyes how dad tried to save him. i saw how the machine turned into a flat line. i saw him died in front of my two own eyes.

he's dead... five years ago.

kaya impossible na siya yung nakita ko kani-kanina lang diba?

it wasn't him, right? it wasn't....

seint....

.

catching odds ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon