Chapter 6
Nag patuloy nalang ako sa pag-iikot mag-isa ng maisipan ko na manuod ng sine, total ay maaga pa naman para umuwi. Nakabili naman ako agad ng ticket dahil walang pila pero dalawang tao ang naka-agaw sa atensyon ko.
Dalawang tao na hindi ko aakalain na magagawa 'to.
"Kurt? Raven?" kuha ko sa atensyon nilang dalawa, ang kaninang ngiti nila sa isa't-isa ay tila nawala ng mapag-tanto nila na ako ang tumawag sa kanila.
Mag kahawak ang kanilang kamay at ang kabila naman ay may hawak na kung ano-anong paper bags. Madiin ko silang tinignan bago na pagtanto na ang mga mata ko ay nag umpisa na umiyak sa nakita.
All this time, akala ko ako lang ang babae sa buhay niya. Akala ko walang makaka-sira sa relasyon naming dalawa dahil sa tagal at parehas na kaming may tiwala, hindi rin pala.
Tama nga ang sabi nang iba na 'Once ang tao gusto mag cheat mag ccheat yan kahit gaano pa kayo katagal mag kasama, dahan-dahan akong humakbang patalikod bago tumakbo. Ang sakit isipin na ang tinuring kong kaibigan at ang tao na naging sandalan ko sa buong buhay ko ay lolokohin lang pala ako, niloko ako.
Mabilis akong pumunta sa Exit ng mall, rinig ko rin ang malakas na sigaw ni Kurt. Humabol pa pala s'ya.
Mabuti nalang ay may huminto agad na taxi sa labas ng mall at mabilis akong sumakay. Hagulgol agad ako sa nakita ko, hindi ko akalain na mangyayari pa 'to samin. Kasal nalang ang hinihintay namin para bumuo ng pamilya.
"Manong sa Emerald subdivision lang po ako iba---" napatitig ako sa lalaking nag drive, masama itong nakatingin sa akin at may mas ang kanyang buong mukha. Agad akong kiniliabutan at tumabi sa gilid ng bintana.
"Kuya, pababa nalang pala ako dyan sa 7/11" sabay turo ko sa 7/11 na madadaanan naming pero diretso lang 'to nag drive hanggang malampasan namin ang 7/11. Muli pa sana ako mag sa-salita ng isang masangsang na amoy ang pumuno sa buong lugar kasabay ng panghihina ng aking katawan.
"TULONG!" kasabay nito ang pag kawala ng aking malay.
---------
Madilim ang buong lugar kung saan ako na ka-upo, tahimik rin ang buong lugar nang malalakas na tawa ang namayani. Malalakas ang tawa nang mga kalalakihan na nag pakilabot sa buong balahibo ko sa katawan.
Marahas na hinila ko ang kamay ko mula sa likod ng isang mahapding bagay ang agad na pumunit sa balat ko, doon ko napansin na mahigpit na nakatali ang aking kamay at paa, mag-isa lamang ako sa kwarto at ang mga ingay ay na sa labas.
"tulong! Tulungan niyo ako!" takot kong sigaw at pinipilit na kuma-wala sa tali, pero kahit anong pag pupumiglas ko ay wala akong magawa.
"Gising na ang prensesa!" sigaw ng bagong pasok na lalaki, malaki ang kanyang katawan at may mahabang bigote sa kanyang mukha.
"Sino kayo?" kabado pero pinipilit kong lakasan ang aking boses.
"Gusto mo talaga kaming kilalanin?" sabay hagikgik nito. Isa-isang nag pasukan ang ibang mga lalaki sa loob ng kwarto at inalis ang pagkaka-tali sa kamay at paa ko habang ang lahat sa kanila ay may ngisi sa mga mukha.
"Wag! Please, wag po!" mabilis na sambit ko ng hawakan ng isang lalaki ang aking dibdib.
"Masa-sarapan ka naman dito sigurado ako hahaha" mabilis na hinablot nito ang damit ko at sa lakas ay mabilis na napunit ang damit.
Wala akong magawa kundi ang umiyak habang yakap ang sarili na wala ng pang itaas na damit ng muling bumukas ang isang pinto, isang matipuno at matangkad na lalaki ang pumasok sa buong kwarrto ngunit hindi ko maaninag ang kanyang buong mukha dahil sa takot at luha na pumupuno ng mga mata ko.
"Diba'y ang sabi ko sa inyo na walang gagalaw sa kanya habang wala ko?" gamit ang malamig n'yang tono na sinabi sa mga lalaki.
"Pasensya na boss!" sabi nang nag punit ng damit ko bago isa-isa'y nag labasan ang mga kalalakihan maliban sa isang lalaki nan aka-tayo pa rin sa aking harapan.
"Sal--- anong ginagawa mo?!" tanong ko ng takpan niya ang aking mukha ng panyo.
"Tatakpan ang mga mata para hindi mo Makita." Kaswal niyang sabi.
Maya-mayang itinayo niya ako mula sa pag kaka-upo at mabilis na itinulak sa isang malambot na bagay, muling nag umpisa manginig ang buong katawan ko sa takot at muling naalala ang lahat ng na sa panaginip ko.
"Tama nga sila, ang ganda at sexy mo. Wag ka masyado maingay para malasap mo ang langit." Bulong nito sa tenga ko at hinalikan.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" hiyaw ko at pilit na tinatakpan ang aking buong katawan gamit ang aking mga kamay, nanghihina man ay pilit kong tinutulak ang lalaki kahit na alam ko na walang epekto ang ginagawa ko.
"ahh" tili ko ng mahawakan nito ang aking dibdib.
Madiin kong pinikit ang aking mga mata at taimtim na nag dasal na sana magising na ako kung sakaliman na panaginip nga 'to, gusto ko ng magising pero ramdam ko ang sakit ng ginawa sa akin.
Tanging iyak na lamang ang ginawa ko habang patuloy na bina-baboy ang buong pagka-tao ko ng lalakin 'to, pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas pag katapos ng nangyari ngayong araw. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin at hindi ko alam kung ano ba ang naging dahilan para mangyari 'to sa buhay ko.
Ang gusto ko lang naman ay ang mag karoon ng sarili at masayang pamilya na hindi ko naranasan ng simulang mamulat ako sa mundong ibabaw. Wala akong ginawa buong buhay ko kundi ang mag sumikap para mag karoon ng sariling buhay, sump aba 'to?
"Tulong" muling bigkas ko, wala na akong lakas at wala na rin ang boses na lumabas sa labi ko.
Walang hupa ang pag labas ng luha ko, masakit ang buong parte nang katawan ko mas lalo na ang pagkababe ko ng iwan ako ng lalaki. Madiin pa rin akong nakapikit at humihingi ng tulong sa Diyos.
Kahit huli na'y may umaasa pa rin ako na may darating upang tulungan ako, kahit paano ay umaasa pa rin ako na darating s'ya kahit alam kong impossible.
"Kurt" huling banggit ko at tuluyan na akong nawalanng ulirat.