Chapter 24

578 5 0
                                    

Chapter 24

"Sigurado ka ba?" nag aalalang tanong ni Leah bago nilapag ang pinabili ko sa kanya sa pharmacy, isang Pregnancy test.

Ilang araw ko 'tong pinag iisipan, ilang araw ko rin inisip ang pwedeng mangyari kung sakali man na maging positive ang result. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari dahil anong sasabihin sa akin ng ibang tao? Na ang anak ko ay isang anak ng rapist kung sakaliman at paano na ang buhay na pangarap ko kung maging positive man?

"hindi natin malalaman kung hindi ko susubukan. Ilang araw ko na inoobserbahan ang sarili ko, hindi naman ako ganito dati na sensitive sa pang amoy at pag kain, ng mga unang araw ko sa pangalawang buwan na hindi ako dinatnan ay madalas akong mag suka."

"Bat hindi mo sinabi agad?"

"Hindi ko alam, ang alam ko lang at ang na sa isip ko ay baka epekto lang 'to ng gamot na iniinom ko." Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang pregnancy test sa harap ko bago pumasok ng banyo.

"Kung ano man ang mangyari ay kakayanin ko," sabi ko at pinikit na ang mga mata ko ng ilang minute. Agad akong napatakip ng bibig at patuloy na pag bagsak ng luha ko. Nanginginig ang katawan ko, dalawang pulang guhit. Positive.

Positive. Buntis ako at ang ama ng dinadala ko ay walang iba kundi ang Rapist na 'yon. Ang taong walang sawa akong binaboy at pinag samantalahan ang katawan ko.

"Preets! Lumabas ka dyan, ano ba?!" sigaw ni Leah sa labas at kinakampag ang pinto, ilang minuto na pala ako nandito sa loob.

Nanginginig na lumabas ako ng banyo bago inabot sa kanya ang pregnancy test kit.

"Omg!"

"Buntis ako leah, buntis ako." Naiiyak kong sabi.

"Preets," lumapit siya sa akin bago ako niyakap,

"Ano nang gagawin ko ngayon, Leah? Hindi ko kayang ipaako 'yan kay Kurt, ayaw ko madamay siya sa nangyayari sa akin. Leah, anong gagawin ko ngayon? Malapit na ang kasal ko, ba't ba kasi nangyari pa 'to? Masama ba ako para mangyari sa akin 'to, naging masama ako at masama bang mag hangad ng kompleto at masayang pamilya?"

"Shhh, Don't stress yourself, Preets. Makakasama sa anak mo 'yang pag iyak mo." Pag papatahan niya sa akin, pinunasan ko ang mukha ko kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko sa ginawa kong pag punas.

"Tutulungan ka naming, nandito ako. Tutulungan kita kahit anong mangyari, punta tayo sa doctor mo bukas para ipaalam na buntis ka." Tumango-tango nalang ako.

Hinayaan nalang ako umiyak ni Leah sa kwarto habang si Dexter naman ay dinalhan ako ng pag kain. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, akala ko ay ayos na ang lahat dahil wala ng ginagawa si Raven para sa ikaka-sira naming ni Kurt pero 'to, itong problema naman ang sisira sa amin.

May isang lingo nalang ako para pag isipan at isang lingo nalang ay kasal na naming, ano nalang ang sasabihin sa akin ng parents ni Kurt kung papakasalan ako ng anak nila na buntis.

"Preets? Nandito ang doctor mo para kamustahin ka, alam kong di ka papayag at di mo kakayanin na lumabas kaya s'ya nalang ang nag presinta na pumunta dito."

"Hindi ko pa siya kaya harapin, Leah." Mahina kong sabi bago nag talukbong ng kumot.

"kahit wag ka na bumangon, papasukin ko nalang s'ya" sabi niya at narinig ko ang yabag niya palabas ng kwarto.

Kung masama ang pag inom ng gamot sa mga buntis ay pwede malaglag ang bata sa t'yan ko, ilang araw akong uminom ng gamot baka kung na paano na ang anak ko. Mabilis akong napabangon at agad akong napahawak sa ulo ko ng makaramdam ng hilo.

"Preets?" napatingin ako sa bagong pasok, si Dexter, Leah at ang doctor.

"Doc! Ilang araw akong nakainom ng gamot dahil hindi ko alam na buntis ako, paano 'yon? Anong mangyayari sa anak ko?" kinakabahan kong tanong sa kanya at hinawakan ang t'yan ko.

"Mas mabuti munang tumigil ka sa pag inom ng gamot, kung pwede ay bukas pumunta ka s OBgyne. Irereccomend kita sa kaibigan ko para tignan ka bukas kung kaya mo gumalaw at kumilos." Napayuko ako sa sinabi niya at na papikit. Kahit anong gawin ko pamilyar talaga ang boses at itsura ng doctor na 'to sa akin.

"And Preets, stop stressing yourself. Kumalma ka para makapag-isip ka ng maayos at manatiling stable ang kalagayan mo, hindi ka pa totally recovered pero you need to stop your medicine kundi makakasama 'yon sa anak mo."

Tahimik lang ako habang umiiyak ng lumapit sa akin si Dexter at pinunasan ang mata ko.

"Alam niyo po ba tita Preets, 'yong mama ko po ganyan din." Sabi niya bago ngumiti ng pilit sa akin, "At ako po ang naging anak niya."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Dexter, hindi ko alam kung bakit pero kahit papaano ay kumakalma ang pakiramdam ko. Alam kong mahirap ang kalagayan ko ngayon pero kailangan kong tatagan, hindi nalang ako ang nag iisa ngayon kundi dalawa na kami.

"Doc, pupunta ako bukas." Sabi ko bago tumingin sa mga mata niya. "Mag kakilala ba tayo dati?" dagdag ko pa.

Nakita ko ang pag guhit ng kaba at saya sa mukha niya pero isang maliit na ngiti lang ang binigay niya sa akin.

"Matagal na din 'yon at expected ko na hindi mo na ako makikilala. Naalala mo 'yong kasabay mo kumain ng second year college ka, pansin ko na ikaw lang mag isa kumakain—"

"Ikaw si Mr Medtech!" putol ko sa sinabi niya. Mahina naman siyang tumawa at ginulo ang buhok ko,

"Hanggang ngayon ba naman ay ganyan pa rin ang tawag mo sa akin?"

"Alangan naman, akalain mo 'yon?" para naman lumuwag ang pakiramdam ko.

"ano?"

"Hanggang ngayon slow ka pa rin Mr Medtech, I mean kasi don na akalain mo 'yon ikaw pa naging doctor ko." Napatawa naman siya.

"Mag pahinga ka na, bukas sasamahan nalang kita sa kaibigan kong Ob kung ayos lang?" sabay tingin kay Leah,

"Pwede naman, basta ibalik mo s'ya agad at pwede ba mag usao muna tayo sa labas." Sabi ni Leah.

"Dexter, anak. Bantayan mo muna si Tita Preets mo okay?" tumango naman si Dexter at tumabi sa akin.

Nice.

THE RAPIST SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon