Chapter 19
"Hindi ako yan!" tili niya sabay duro sa akin, "Ganyan ka na b akainggit sa akin para siraan mo ako?"
"Bat hindi ka mag audition sa ABS-CBN, papasa ka doon for sure. Best in actress, gusto pa ba makita nang lahat ang itsura mo dito?" natahimik naman siya bago yumuko, ang mga kamay niya ay bumilog at handa na manuntok.
Best in actress ang gaga, ang galing umarte halatang pro na sa paninira at pag tanggi ng mga kasalanan sabay pasa sa iba para maging mukhang mabait at kampihan ng lahat.
Hindi ko alam kung may konsensya pa siya sa lahat ng ginagawa niya, sa lahat ng mga paninirang ginawa niya. Ganyan na talaga ang tao pag kinulang sa aruga at sa pansin, gagawa ng mga paraan para mapansin at mag mamalinis na kung kailangan na.
I hate them, I hate them dahil ganito ang ginawa nila sa akin.
"Love, please tumigil ka na." sabay hila na sa akin ni Kurt pero bago niya mahawakan ang kamay ko ay isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Silang dalawa ngayon ang sumira sa akin, ang taong mahal na mahal ko na handa kong pakasalan at ang babae na tinuring kong matalik na kaibigan.
"Tumigil? Bat ako titigil kung kayong dalawa hindi ako tinitigilan na gaguhin?" tumahimik naman siya ulit at pilit na hinahawakan ang kamay ko.
Sobrang nag iinit ang ulo at dugo ko ngayon, tumao ako papunta kay Raven at agad na hinablot ang buhok niya, napatili naman siya at mabilis din na hinawakan ang buhok ko.
"Ganito ang gusto mo diba? Na makita ang tunay kong ugali pati na rin makita ako kung paano magalit. Pwes ngayon alam mo na at this time pwede mo ng sabihin na panget ang ugali ko at bigla nalang kitang hinablot out of nowhwere!" sigaw ko sa kanya bago kinalmot siya sa mukha, hindi naman siya makapalag dahil maraming tao.
Diba nga't magaling mag malinis kaya hindi marunong lumaban sa tuwing may taong nakakita at pag wala ng tao ay doon mag mamalinis saka mag babait-baitan, kilalang-kilala ko na ang ugali niya, sobrang kilala ko na kaya sobra na akong nangigil.
"Ano ba tama na 'yan!" hinila na ako ni Kurt palayo kay Raven, nangginginig ang buong kamanan ko sa kanyan at hindi ko na kaya pang mag timpi habang nakikita siya.
"Bibitawan mo ako o hindi na mtutuloy ang kasal?" seryoso kong tanong at hindi ko na pansin na pasugod na sa akin si Raven sa pwesto ko at makita na isang katawan ng babae ang humarang sa akin at malakas na simpal para matumba siya sa sahig.
"Hindi mo talaga titigilan ang kaibigan ko, Raven." Seryoso niyang sabi. "Gusto mong ako ang kakalbo sayo?" dagdag pa niya.
Si Leah.
Mabilis na hinila na ako ni Kurt papunta sa office niya, iniwan namin si Leah at Raven sa labas, mabuti nga sa kanya!
"Hindi mo dapat ginawa kay Raven 'yon, Love?!" na pa tigil ako sa ginagawa ko ng galit na pumasok si Kurt sa loob ng office niya dito sa restaurant, hawak ang ulo siyang umupo sa harap ko at halata mong problemado ang mukha.
Ah, so kasalanan ko pa?
"Ayun ang gusto ko, kaya gagawin ko." Maigsi kong sabi siya tinignan nang masama. "At wag na wag mo akong pataasan ng boses mo, Kurt" banta ko.
Ang kaninang problemado niyang mukha ay biglang umamo ng sabihin ko 'yon, mukhang na pansin niya ata na wala ako sa mood makipag-talo at ang tanging gusto ko lang na maramdaman ngayon ay saya sa nangyari kanina. Ganito naman ang gusto niya diba, ang makita ang ugali ko na wala ng pasensya then ipakita sa taong magaling mag malinis at taong magaling gumawa ng kwento.
"Pero mali ang ginawa mong pag eskandalo kanina, nakakahiya sa costumers at mga trabahante dito." Napatawa ako sa sinabi niya, kung hindi ko lang alam na niloloko n'ya ako ay malamang iiyak na ako habang pinag sasabihan niya.
"Tapos hindi kayo nahiya sa pangga-gago niyo sakin? Wow!" palapak kong sabi bago tumingin sa kanya na hangang-hanga.
"Baka nakakalimutan mo,klayo ang naging dahilan kung bakit ako na rape at habang ako nag dudusa sa nangyari kayo nag papakasarap sa kusina. Ngayon sabihin mo sakin, Kurt. Masarap ba gawin sa kusina?" umiwas naman siya ng tingin sa akin, guilty pala.
Wala na akong maramdaman na sakit ngayon dahil ang puso ko ay puno na ng galit. Galit sa mga tao na akala ko ay totoo at hindi ako kayang saktan pero sabay-sabay nila akong ginagago, ginagago nila ako dahil ang lagi nilang sinasabi at iniisip ay mabait ako walang ginagawa kundi mag patawad sa isang sorry lang nila.
Binago nila ako, pinilit nila na magalit ako hanggang mapuno ako sa lahat ng ginagawa nila. Niloko at sinira nila ako sa lahat ng bagay, mas lalo na si Raven. Hinding-hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya nawawala sa paningin ko at hindi ko siya titigilan hangga't hindi makita ng lahat ang baho na meron siya sa katawan.
"Im sorry,"
"Im sorry? Sa tingin mo may magagawa ng sorry mo ang lahat ng sakit na pinaramdam niyo sakin, sa lahat ng ginawa niyo sa tingin mo makukuha at madadala ng lahat ng sorry mo?" sarcastic kong tanong sa kanya bago tumawa ng mahina.
"Nag dadalawang isip na rin ako ituloy ang kasal nati-"
"Itutuloy natin ang kasal, PREETS!" malakas niyang sabi, "Itutuloy natin ang kasal, wala akong pakealam kung ako ang nakauna sayo o hindi. Wala akong pake kahit na rape ka at kung ilan pa ang nakagalaw sayo, wala akong pake, Preets. Gusto ko mag stay ka, mahal na mahal kita."
Mahal?
Mahal din kita, pero hindi ko alam kung tama pa ba ang pag mamahal na binigay at nararamdaman ko sayo dahil niloko mo 'ko, niloko niyo 'ko.
"Handa ka naman gawin ang lahat ng gusto ko, diba?" para naman siyang bata na tumango sa akin.
So, lets start the plan.
Ang gusto ko na ngayon bago ikasal ay matigil ang lahat na kahibangan ni Raven pati ang buhay niya.