Maaga akong gumising para mag ayos sa pupuntahan ko-ang parents ni Kurt at si Dylan na mag hahatid sa akin. Maaga na kinuha nila Leah si Nine para igala kaya naman ay hindi ko na siya kailangan pang dalhin.
"Are you sure na hindi na kita kailangan samahan?" nag aalala niyang tanong bago pinisil ang kamay ko.
Nandito na kami ngayon sa parking lot nang restaurant na kung saan pangalawang beses na lumuhod sa harap ko si Kurt.
"Ayos lang, gusto mo ay sumunod ka nalang mamaya sa loob." Naka-ngiti kong sabi bago hinalikan siya sa labi. "Alis na ako" sabay labas ng sasakyan.
Alam ko naman na nag aalala sa akin si Dylan at inamin niya na natatakot siya pag tapos namin ma-usap ng parents ni Kurt na baka iwan ko siya, kaya kanina ay ilang beses ko pa siya nilambing para sabihin na siya na ang gusto ko at wala ng iba.
Kuntento na rin ako sa kung anong meron ako ngayon. Si Nine, siya at ang mga kaibigan ko ay ayos na para maging masaya ako sa buhay ko.
Ngayon araw siguro ang pinaka-kinabahan ako ng sobra simula ng umuwi ako ng pilipinas. Ang dami kong naiisip na pwedeng mangyari at karamihan don ay negative thoughts na pwede nilang masabi sa akin at sa anak ko, pero alam ko naman na hindi nila kaya magawa 'yon .
Bago pa man ako makapunta sa pinto ay naka-ngiting binuksan nang isang crew ang pintuan.
"Natalia Martias" banggit ko sa pangalan ni Tita bago pa ako tanungin.
Agad na hinatid ako sa table kung saan ang pinas-reserve ni tita.
Nilibot ko ang buong paligid, ito ang restaurant na to ang naging saksi sa amin ni Kurt kung paano niya ako unang ayain ng kasal at ng tanggapin niya ako sa kalagayan ko. Iba na rin ang mga trabahador dito at mas umaliwalas ang lugar dahil na rin sa napapa-gitnaan na ito ngayon ng mga putting bulaklak.
Ilang minute at dumating na rin ang parents ni Kurt, sila Tita Natalia at Tito Michael.
"Good morning ija," bati sa akin ni tita at nakipag-beso. Tumayo naman ako para salabungin sila at nag man okay tito nan aka-ngiti sa akin.
Parehas na tumanda na ang mga mukha nila pero parehas pa rin silang hindi mapag-hiwalay sa isa't-isa, ang mga mukha nila ay kumukulubot na at si tito na may saklay na gamit na ngayon, samantala si Tita ay inaalalayan ang asawa.
"It's been seven years iha, you look beautiful." Puri ni tito bago tumingin sa asawa niya na naka-tingin pa rin sa akin.
"Your Tito's right Preets mas lalo kang gumanda, halatang hiyang ka sa pagiging ina. So how's life?" tanong ni tita na nakatingin pa rin sa akin.
"Maayos naman po, tita. Nahirapan po ng una pero nakayanan naman po sa tulong na rin ng mga kaibigan ko." Diretso kong sabi.
Si tito naman ay busy sa pakiki-pag usap sa waiter para sa order.
"It's nice to hear that. Nalaman ko na umalis daw kayo ng bansa and that's the last update about you, kamusta ang anak mo? Bakit hindi mo dinala? Im so excited to see him." May halong excitement na sabi ni tita bago hinawakan ang kamay ko na sa table.
"Yes po, umalis po kami ng anak ko three years after ko siya ipanganak. May nag offer po kasi ng magandang trabaho sa akin sa ibang bansa, so I grab it agad po." Diretso kong sagot at umiwas ng tingin. "
Hindi pa rin mawala-wala sa dibdib ang kaba ko kahit kaharap ko na sila ngayon.
"I know your hurt ija. Gusto kita damayan that time pero sarili naming anak hindi naming ma-kontrol that time. I'm sorry,- we're sorry about what happened seven years ago."