Chapter 44

527 10 0
                                    

“Nine, you should rest na. kanina ka pa nandyan sa pool, baka sipunin ka na.” suway ko sa anak kong ayaw pa rin umalis sa pool. Halos dalawang oras na s’ya nandon, ayaw pa rin umahon kahit pinag sasabihan na.

“Let him, Preets. Minsan lang naman s’ya nandito.” Napa-tingin ako sa momma ni Dylan na masayang naka-tingin sa anak ko na lumalangoy.

“Kung sipunin s’ya ay ako na bahala mag paliwanag sa anak ko.”
Tumango nalang ako bago tumingin ulit sa anak ko, sigurado na pag tumagal kami dito ay magiging spoiled at titigas ang ulo nitong si Nine at hindi na makikinig.

“Ma, ihahanda ko po muna ang ang gamit niya sa taas.” Paalam ko, tumango naman siya at hinigop ang hawak niyamg juice. Pumasok ako sa loob ng bahay, habang ang mga katulong ay busy sa pag aayos ng buong bahay kahit wala naman kailangan ay ayusin at ang tito ni Dylan.

“Iha” tawag niya sa akin ng makalapit ako sa pwesto niya, hawak ang tungkod at seryosong naka-tingin sa akin.

“Alam mo na ba?” pinipigilan ko itaas ang kilay ko sa tanong niya.

Bakit, ano ba ang kailangan kong malaman? Ngayon ko nga lang nalaman na may kambal ang momma ni Dylan.

“Ano po ba ang kailangan ko malaman?” tanong ko rin sa kanya, umiwas siya ng tingin sa akin at umiling.

“Nothing,” sabay talikod niya sa akin, naka-tingin lang naman ako sa kanya habang papalayo siya sa pwesto ko.

“Kilalanin mo muna silang mabuti” sabi niya bagong tuluyan na pumasok sa isang kwarto.

May ano ba? Ano ang kailangan kong malaman at ano pa ba ang kailangan ko kilalanin. Nag kibitz balikat ako at tumuloy na sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamit namin ni Nine. Hindi ko na pinatagal ang pag aayos at lumabas na rin ako, hindi ko na nakita ang tito ni Dylan.

Pumunta agad ako sa pool, umahon na si Nine at naka-tayo na siya sa tapat ng lola niya na nilalagyan ng tuwalya, lumapit na agad ako sa kanila para kunin na si Nine. Bawal mapagod ang momma dahil may sakit na rin siya dahil sa katandaan.

“Nine, mag banlaw ka na.” tawag ko naman sa anak ko na dumidiretso na papunta sa akin ng makita niya ako, ngumiti ako kay momma at ganon din siya pero agad na nawala ang ngiti niya ng dumaan mula sa likod ko ang kapatid niya.

Hinila ko na papasok si Nine, mukhang kailnagan ko nga muna makiramdam sa mga tao dito. Mukha lang silang mag kasundo pero ba’t ganon ang naging reakyon ng momma ni Dylan.

Halatang  may nangyayari pagitan sa kanilang dalawa pati na rink ay Dylan ng huling pumunta naming dito.

“Mommy, Lolo Romano looks scary” napa-tingin ako sa anak ko na nag sasabon ng katawan niya “ I always caught him staring at you”

“Since when?”

“Since we arrived po, lagi kop o siya nahuhuli.” Tumango-tango ako bago hinarap siya sa akin.

“Baby, can I have a favour?” tanong ko rito, tumaas kilay niya sa akin abgo marahan na tumayo. “Don’t tell this to your dad, okay? Magagalit ang daddy mo pag nalaman niya ‘yong tungkol dito. Ayaw mo naman na magalit ang daddy at mag away sila ni Lolo Romino mo diba?”

“Yes mommy” tinaas niya ang kanang kamay niya bago tumingin sa akin na nakangiti, “I won’t tell this to dad, I promise” pinaliguan ko na nag anak ko at pinatulog na, hapon na rin at kailangan niya na matulog katulad ng nkanasanayan naming palagi.

Bumaba ako ao para pumunta sa salas, nag babakasakali na nandon ang Tito Romando para matanong ko kung ano ba ang problema at ano ang kailangan kong malaman sa kanila. Sa pitong taon na pag sasama namin ni Dylan ay halos kabisado ko na siya sa ugali, pag kilos at sa pananalita maliban sa pamilya niya.

“Kailangan niya malaman ang totoo!” galit na sigaw ni Tito Romano kay momma na ngayon ay naka-yuko at umiiyak habang pinag sasabihan siya ng kaptid.

“Hindi pwede. Hindi ‘yon pwede Romano! Ngayon lang naging masaya ang anak ko, ayaw ko na malungkot siya ulit. Please naman!” hu,ihikbi na pakiusap ni tita, tinignan ko ang buong paligid. Wala ang mga katulong na kanina’y mga nakakalat sa bawat parte ng bahay.

“Tapos ako? Hahayaan mo akong mamatay sa konsensya at hayaan ko na ibaon ang katotohanan ha?! Alam mong maling-mali ‘to!” binagsak ni tito ang katawan niya sa sofa at hinawakan ang ulo niya. “Malapit na sila ikasal, Romina. Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon”

“Hindi ko rin hahayaan na  bumalik sa dati si Dylan, alam mo kung gaano niya kamahal ang mag ina niya kuya. Please naman, hayaan mo na maging masaya ang anak ko kasama ang anak at asawa niya.” Mas lalong lumakas ang iyak ni tita at akmang luluhod na sa harap ni tito “Kahit para sa akin nalang, hayaan mo na sila.”

Hindi ko alam pero bakit parang ang hirap sa kanila ang sitwasyon at damay kaming dalawa ni Dylan sa problema nila ngayon, ganito ba ‘yon? Ito ba ang sinasabi ni tito na kilalanin ko muna sila. ‘to na ba ‘yon?

“Paano naman ako Romina?”
malumanay na sabi ng tito romano bago niya tinignan ang kapatid niyang nakaluhod sa harap niya. “Grabe na ang dinanas ko sa kamay niya, alam mo ang naging kasalanan niya kaya sana wag mo na ipag tanggol pa ang mali. Kailangan mamulat sa katotohanan ang dalawa pato na rin ang anak nila.”

“Kuya, parang awa mo na.”
“Hindi Romina, kailangan na malaman ni Preets ang totoo” anong totoo?

Akmang lalabas na ako sa pwesto ko nang marinig ang hindi ko kailangan pang marinig at sana- sana hindi ko narinig pa.

“Na ang anak mong si Dylan ang walang ibang tao na nang rape sa kanya, gusto ko na matahimik. Gusto ko na tumahimik. Wala akong pake kung ipabugbog ulit ako ng anak mo katulad ng ginawa niya ng malaman niya na nakita ko ang lahat ng kahayupan na ginawa niya kay Preets. Hindi na ‘to tama. Palayain mo na ang totoo.

Ano?

THE RAPIST SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon