Chapter 40

568 6 0
                                    

"Mahal na ang prinsesa" nag tawanan ang mga lalaki na nasa harap ko, ang mga ngisi nila ay kaka-iba pati na rin ang mga tingin na pinupukol nila sa akin.

Tinignan ko ang buong lugar, madilim at tangin iisang Ilaw lang dito sa kwarto ang bukas. Ang buong lugar ay gawa lang sa kahoy at ang mga dingding na halatang luma na.

"A-anong ginagawa ko rito?!" sigaw ko sa kanila pero tanging mga tawanan lang ang namayani sa buong lugar. Piniglas ko ang aking mga kamay at doon ko na pansin na mahigpit nan aka-tali ito sa upuan, ganon na din ang paa ko.

"Wag ka na pumalag pa, masasarapan ka rin sa gagawin natin. Medyo masakit 'to pero mapupunta kang langit." Mas lalong lumakas ang tawanan nila.

Pinikit ko ang aking mga mata, nangingig ang buong katawan ko. Panaginip lang 'to, panaginip lang to!

Muli kong binuksan ang mga mata ko at isang mukha ng lalaki ang agad na tumambad sa akin, malapit ang kanyang mukha sa akin at ang ngisi niyang mas lalong nag palakas ng kaba ko.

"Gising, Preets"

Minulat ko ang mata ko at hinahabol ang hininga, ang araw na 'yon. Hindi ko mapigilan ang takpan ang buong mukha ko at umiyak. Bakit ba hindi na ako tigilan ng nakaraan? Bakit patuloy niya pa rin akong sinsundan?

"Drink this" tinaas ko ang paningin ko sa nag abot ng tubig. Si Dylan, doon ko na pansin ang anak ko na umiiyak sa gilid.

Mas lalo akong na taranta at tumayo papunta sa anak ko na nakatingin din sa akin. "Nine, why are you crying?" nag aalala kong tanong sa kanya bago pinunasan ang luha niya sa mukha.

Mabilis niya lang akong niyakap at mas malakas na umiyak sa balikat ko, binuhat ko siya at dinala sa higaan bago tinignan Si Dylan nan aka-tingin din sa amin dalawa ni Nine.

"Gigisingin k asana n'ya kanina ng bigla siyang nag sisigaw kaya mabilis akong pumunta dito para tinignan ang nangyari, pinipilit kitang gisingin hanggang umiyak na siya dahil patuloy ka lang sa pag-ungol." Mabilis niyang sabi bago muling inabot sa akin ang tubig na hawak niya, "Uminom ka muna, Love. Nanginginig pa rin ang kamay mo"

Napansin ko ang kamay ko na nanginginig pa rin habang inaalo si Nine na tumigil na sa pag-iyak, inabot ko ang baso at ininom ang laman. Bumugtong hininga ako, nakita ng anak ko kung paano ako managinip. Ayaw ko malaman niya na bunga lang s'ya ng isang gabing kasalanan ng ama niya, ang hayop na walang awing bumaboy sa buong pagka-tao ko.

Ilang oras din kaming na sa ganon na posisyon, Hanggang parehas kaming kumalma ni Nine bago bumaba. Kumain na kami ng sabay na tatlo at nag mamadali nang umalis si Dylan ng maka-tanggap ng isang tawag sa cellphone niya, mukhang emergency dahil parehas nan aka-kunot ang dalawa niyang kilay.

"Baby, you want to go at play ground?" tanong ko sa anak kong busy na ngayon sa harap ng Ipad niya. Ang kabataan talaga ngayon, ang bata pa ay masyado ng bihasa sa pag gamit ng mga gadgets at kung ano-anong devices.

"Yes mom, I want milk tea also." Nilapag niya ang Ipad bago lumapit sa akin, "Daddy says that he loves you, mom!" naka-ngiti niyang sabi sa akin.

"When he says that?" Hindi na sila gaano nakakapag-usap ni Nine, simula nang mag propose niya sa akin dahil sa trabaho niya sa hospital.

Nalaman ko rin na ang lolo niya ang nag mamay-ari ng hospital na pinag-dalhan sa akin dati seven years ago, kaya naman mabilis niyang na ipag-palit ang pasyente niya sa akin.

"A few hours ago, before I enter to our room." Maang na sabi ni Nine sa akin, "I'm going to change my clothes na po," sabi niya bago tumakbo papunta ng kwarto naming.

Inaayos ko ang mga dadalhin namin, ang iba niyang laruan pati na rin ang mga pamalit niyang damit at syempre ang isang jar ng tubig na siguradong hahanapin niya. Inayos ko na rin ang sarili ko at nag suot ng jeans at puting t-shirt.

Sinilip ko ang anak ko sa kwarto, nakita ko naman siyang nag lalaro sa Ipad niya habang walang sawa na nag dudutdot. "Nine, are you ready?" agaw ko sa atensyon niya, binaba niya naman ang hawak niyang lpad.

"Wait mom, im going to pee" sabay mabilis na tumakbo palabas ng kwarto, sinilip ko naman ang dinudutdot niya. Nanlaki agad ang mata ko sa nakalagay sa screen, isang page na na sa thousand likes. Nakalagay doon ang mga pictures niya at pati na rin ang Buo niyang pangalan.

"Mom!" sigaw niya at mabilis na kinuha ang Ipad niya.

"What's that Nine?" napanguso naman siya sa akin.

"Nothing mom, let's go." Sabi niya bago lumabas nan g kwarto bitbit ang Ipad niya, mamaya ko nalang kakalikutin pag tulog na siya.

Halos ilang oras din kami bumyahe, habang nag drive ako ay siya walang tigil sa pag dutdot ng Ipad niya, minsan naman ay mag seselfie sabay muling dudutdot.

"We're here!" anonsyo ko, mabilis niya tinggal ang seatbelt niya at hinintay ako buksan ang pinto niya.

"Yehey, what the name of this park mom?" tanong niya, malawak ang buong paligid. Mas malawak din na rebulto ng pilipinas ang na sa unahan kaya naman ang dami ng tao na bumababa ay dumadagsa.

"Luneta Park, baby" sabi ko sa kanya, muli nanaman siyang dumutdot at parang may sinned na message sa isang groupchat.

"What are you doing?" nag tataka kong tanong sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko bago hinila. "Let's go mom!" tili niya sa akin bago huminto sa isang spot kung saan may mga nag pi-picture.

"Take a picture" sabay abot niya ng Ipod niya, pinicturan ko naman siya at mabilis na nag iiba ang post niya every time na nag click. Akala mo naman ay model siya sa pag post, tinignan ko ang paligid naming.

Marami ng nanunuod, may mga teenager na nag titilian na kaya mas lalong nag pa-cute si Nine para mag lakasan at mas makakuha pa ng atensyon sa ibang na daan.

"Pwede po ba, papicture din kami?" paalam ng isang teenager. Napatingin naman ako sa anak ko na pinag kaka-guluhan na.

Kinuha ko ang cellphone niya bago sila pinicturan, kahit nag tataka ako ay di ko maiwasan ang mapa-ngiti. Mukhang alam na ni Nine ang gusto niya pag laki.

"Alisha stop!" may isang boses na umagaw sa atensyon ko na papalapit din sa amin, isang boses na kilalang-kilala ko.

Si Kurt.

THE RAPIST SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon