After 7 years
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 2:36 in the afternoon and the temperature is.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the captain turns off the fasten seat belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.
Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.
If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.
On behalf of Ninoy Aquino International Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"
"Nine, wake up. We're going to land." Marahan kong tinapik ang balikat ng ko para gisingin s'ya sa pag tulog.
"Mommy?" sabay kusot ng kanyang mga mata.
Inayos ko na agad ang seat belt niya para sa pag landing ng eroplano. It's been 7 years ng huli akong maka-tuntong ng manila at apat na taon na wala sa pilipinas, sigurado akong maraming nag bago at kasama na ako don.
Ilang oras din ang byahe namin sa eroplano galing sa Canada bago kami makarating sa pilipinas, alam kong pagod ang anak ko sa byahe at di ko rin na maitatanggi na ganon din ako pero bilang ina n'ya ay kailangan ko pa rin sya asikasuhin.
Dalawang taon nang na sa probinsya ako ay tumawag si Aizen at nag offer trabaho na i-manage ang company nila doon, kahit na hindi ako marunong ay inaral ko ang lahat para hindi maipahiya si Aizen at para hindi rin siya mag sisi na sa akin niya binigay ang trabaho na 'yon.
Hindi rin nag tagal ay sumunod na sa amin si Dylan at doon kami nag stay ng apat na taon. Ngayon ay bumalik kami dito ng mapag pasyahan na dito pag aralin si Nine at pag handaan na ang kasal namin ni Dylan.
"Are we here na po?" tumango ako sa kanya. Pinunasan ko ang mukha niya na kamukhang-kamukha ni Dylan.
Maliit ang mukha niya, kulot ang kanyang buhok at may matangos na ilong. Minana niya naman sa akin ang manipis na labi at ang mata ko.
"Yes, baby." Ngumiti ako sa kanya bago piningot ang ilong niya na madalas kong ginagawa. Si Nine Cruz. Nine ang pinangalan ko sa kanya dahil para sa akin dati ang Nine ang pinaka-importanteng numero para sa akin at ang Cruz na kinuha sa apelyedo ni Dylan.
Sumunod sa amin si Dylan katulad ng sinabi nya, hindi niya ako pinilit na sa gusto niya pero kusa niyang binigay ang surname niya sa anak ko. Siya na rin ang nag silbing daddy ni Nine sa anim na taon niya dito sa mundo, masaya ako dahil kahit papaano'y nabugyan ko ng buong pamilya ang anak ko.
"Mom, wheres daddy?" inalalay ko ang anak ko pababa ng eroplano habang bitbit ko ang bag na nakalagay ang mga pangunahin na kailangan ni Nine.
"He's waiting inside baby, don't worry." Hawak ang kamay niya ay lumabas kami, Inayos ko muna ang mga dala naming gamit pabalik ng bansa. Hindi ganon sobrang dami pero halos mga gamit ni Nine ang dala ko buti na nga lang ay nauto ko pa na wag nang dalhin ang mga laruan n'ya.
Napa-tingin ako sa anak ko na nilalaro ang sapatos niya. Simula ng lumabas siya sa akin ay parang nag liwanag ang mundo ko, hindi ko alam pero kusa akong nag pasalamat sa panginoon dahil binigay nya sa akin si Nine ng malusog.