Chapter 49

592 8 0
                                    

“Si Raven”

Agad na napahigpit ang kamay ko sa pag kakahawak sa kamay n’ya, hindi ko mapigilan ang maiyak ng sabihin n’ya sa akin ang pangalan na ‘yon.

Hindi ko akalin na magiging ganito ang lahat na hahantong ang lahat sa ganito dahil sa inggit at away naming dati, hindi ko alam na masyado ng seryoso at handa s’yang isugal ang lahat pati ang imahe n’ya masira n’ya lang ako.

“P-paano?”

“Sorry, love. Hindi ko s’ya kilala ng mga araw na ‘yon pero lagi n’ya pala akong na huhuli dahil hindi lang ako ang sumusunod sayo kundi pati na rin s’ya.
Nalaman ko na kabit pala s’ya ng fiancée mo kaya mas lalo akong nagalit hanggang gumawa s’ya ng plano. Planado ang lahat nang nangyari ng gabi na ‘yon Preets. Simula ng pag text n’ya ng madaling araw pati na rin ng makita mo sila sa mall.”

Kaya pala saktong pag labas ko ng mall dati ay may may huminto agad na isang taxi at hindi na nag tanong kung saan ako pupunta. Unti-unting bumalik ang lahat ng nangyari sa akin 7 years ago, ang lahat ng bangungot ay kasalanan ni Raven.

“Bakit hindi mo sinabi?” tanong ko sa kanya.

Nag umpisa mag tuluan ang luha n’ya, nilapit n’ya ang kamay ko sa mata n’ya at bumigat ang kanyang pag hinga.

“Natakot ako. Natakot ako na baka iwan mo ko, may sakit ako love. Nag babago ang mood ko sa tuwing hindi sumasang-ayon sa akin ang lahat, tinago ko sayo ‘yon dahil alam ko na matatakot ka at kakamuhian mo ko. Kaya mas pinili ko na tumahimik hanggang makalimutan mo ang lahat na nangyari” umiwas ako ng tingin.

Kinuha ko ang braso n’ya at inumpisahan ulit linisin ang sugat n’ya kahit napapatakan na rin ng luha ko. Tumahimik lang kami pareho habang ginagawa ko ‘yon pati na rin siya nan aka-tingin lang sa akin. Masyadong malalim ang sugat n’ya, alam ko na iniinda n’ya lang ang sakit.

“Wag mo na ulit gagawin ‘yon” sermon ko sa kanya, bago diniinan ang pag pahid ng bulak sa sugat niya. “Hindi mo ba alam na takot na takot ako kanina ng saktan mo sarili mo. Para kang gago.”

Pinunasan ko ang luha ko bago tinignan s’ya “Punta tayong hospital, mauubusan ka nan g dugo sa sugat mo” .

Hindi ko na s’ya hinintay pa mag salita at tumayo na ako, sumunod naman siya agad at niyakap ako patalikod.

“Im sorry, sorry kung tin
akot kita, sorry kung –“ mabilis ko s’yang hinalikan para tumahimik pero mali ata ang ginawa ko.

Mabilis akong tumakbo at kinuha ang sling bag ko sa, ayos na ‘yon damit n’ya sa hospital lang naman nila kami pupunta at hindi rin kalayuan.

“Bakit na paaga ka ng uwi?” tanong ko sa kanya ng makasakay na s’ya sa passenger seat.

“Tumawag si momma na umalis daw kayo sa bahay, normally pag umaalis kayo ay nag papaalam kayo kaya na isipan ko kaagad bumalik. Nalaman ko rin na mukhang narinig mo—sorry” tumango nalang ako.

Mabilis lang kami naka-punta, pakiramdam ko ay nang hihina na ako sa pagod. Kanina pa ako bumayhe at mamaya ay pupuntahan ko si Nine kela Leah.

“Gusto ko mapag-isa, isipin kung tama ba na pakasalan kita o magagalit sayo dahil ikaw ang gumahasa sakin. Pero na isip ko na tapos na ‘yon pero hindi ko pa rin maiwasan na magalit sayo.” Prangka kong sabi bago tinignan s’ya “Gusto ko pag bayaran mo ang ginawa mo, pero naiisip ko rin ang anak ko. Gusto ko ng kompletong pamilya, ‘yon lang naman.”

“Preets” tawag niya pero hindi ko siya pinansin at agad na hininto ang sasakyan.

“Nandito na tayo, bumaba ka na.” sabi ko at lumabas na nang sasakyan, nakita ko naman s’ya na nag buntong hininga at sumunod sa akin.

Pag pasok naming ay agad na inalalayan s’ya, nalaman ko na hindi lang pala isang hiwa ang meron s’ya. Meron din siya sa paa at sa mag kabilaan na braso pero hindi ganon ka-lalim katulad ng unang hiwa n’ya.

Ilang oras rin ang tinagal, balita ko ay tinahi na rin ang sugat n’ya dahil sa lalim. Nandito lang ako sa labas at nag hihintay ng may nag abot sa akin ng isang kape.
Si Kurt.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya bago inabot ang kape na nasa kamay n’ya, wala pa pala akong kain simula kahapon.

“Ako ang dapat mag tanong sayo n’yan kung anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?” umupo s’ya sa tabi ko bago ngumiti.

“May hinatid lang ako” sabi ko sa kanya bago sinimsim ang kapeng binigay n’ya.

“Ang daming nangyari no?”umpisa niya bago tumingin sa malayo. “Ang gusto lang naman natin pareho ay ang mag karoon ng pamilya at maging masaya pero naging magulo dahil sa desisyon na naging padalos-dalos”

“What do you mean?”

“’yong araw ng kasal natin gusto kita piliin, gusto kita panindigan pati ang anak sa tyan mo. Mahal na mahal kita, pero ayaw ko rin takas an ang dinadala ni Raven. Iniwan kita Preets, hindi ko na tupad ang pangako ko sayo na ikaw lang ang pipiliin ko habang nabubuhay ako. Ayon ang pinaka-pinag sisihan ko”

Naka-tingin lang ako sa kanya, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko at hindi ko rin alam kung bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya ngayon. Hindi ako galit sa kanya, hindi ako nagagalit sa taong mahal ko- at si Kurt ang taong minahal ko ng sobra.

“Gusto ko ibalik ang lahat pero Malabo na, masaya ka na sa kanya at masaya na rin ako para sayo.” Naka-ngiti n’yang sabi.

“Tumawag sa akin si Aizen na kung pwede ay samahan kita, alam ko na ang lahat.” Ginulo n’ya ang buhok ko, may isang butyl ng luha ang pumatak sa mga mata n’ya.

“Nalaman ko na hindi ako ang tunay na ama ng anak ni Raven.” Ano?

Ibig sabihin “Walang kwenta ang naging desisyon ko dati. Sobrang nag sisi ako at pinakawalan pa kita” sabi niya.

“Alam mo rin ba na—“

“Alam ko na ang lahat, kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Una na ako” paalam niya bago tumalikod na.

“Raven”

THE RAPIST SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon