“Dito nalang kami,” paalam k o kay Kurt na hawak ngayon ang anak niya na mahimbing nang na tutulog.“Ingat kayo” nakangiti niyang sabi bago nakipag-apir sa anak ko na may hawak na tatlong ballot na nasa plastic.
“Kayo rin.” Sumakay na kami sa sasakyan habang ang anak ko naman ay hindi mapakali sa hawak niyang tatlong itlog, ngayon lang siya nakakain non at ang kaninang nandidiri ay gusting-gusto na kumain mas lalo na ang dilaw ng ballot at ang puti nito.
“Mommy, I don’t know na theres a egg po pala na may duck sa loob!” sabay taas niya ng plastic na mahigpit niyang hinahawakan. “Bakit po walang ganito sa Canada?”
Nag kibit balikat ako sa kanya bago tumingin sa side mirror para tignan an gang pwesto niya. “I don’t know baby, you should eat that before your daddy arrive. Kukunin niya ‘yan” paalala ko sa kanya.
“Yes, mommy!” actually ay hindi naming siya pinapa-kain ng street foods mas lalo na si Dylan na masyadong protective sa health naming ng anak niya, pag malaman niya na hinayaan ko si Nine na kumain ng ballot ay siguradong magagalit ‘yon.
Katulad ng inaasahan traffic sa manila, hindi naman talaga mawala-wala ang traffic sa lugar na ‘to. Mas lalo na kung saan naka-pwesto ang condo ni Dylan.
Habang na sa byahe hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Joyce kanina sa milktea shp, gusto kong tanungin kung bakit pero agad na sinuway siya ng daddy niya. Ganon na ba n’ya kamahal si Raven ngayon? Kung sa bagay ay hindi impossible, mas pinili niya sila Raven kesa sa’min dati.
Pag pasok naming ng condo ay mabilis nang tumakbo si Nine papuntang kusina dala ang isang plastic at ang ipad niya na hindi niya mabitawan, walang kapaguran na bata, kanina pa takbo ng takbo sa park at puro picture sa sarili, gwapong-gwapo sa mukha niya.
“Mommy! Faster! I want to eat na” mabilis na nilapag ko ang dala kong bag bago pumunta ng kusina, naka-upo na s’ya at nakalapag na ang mga ballot niya. Ngiting-ngiti naman siya sa akin, mabilis kong hinanda ang plate na gagamitin niya pati na rin ang asin na ilalagay niy.
“Isa lang kakainin mo, masama ‘yan sa katawan pag sumobra ka.” Paalala ko sa kanya bago nilapag ang ballot sa harap niya. Kinuha ko rin ang isa at binalatan para kainin din.
“Mom, that’s mine!” angal niya sabay tinuro ang hawak ko na ballot.
“No, ayan lang sayo.” Napa-simangot naman siya ng sabihin ko ‘yon at inumpisahan na kainin ang sa kanya, tinignan ko lang siya habang kumakain.Itong anak ko rin ba hihilingin na iba nalang mama n’ya?
“Anak?” tawag ko sa kanya.”why mom?”.
“Do you love me?”
“Yes mommy. I love you.” Sweet niyang sabi bago tumingin sa hawak ko na ballot, nakalabas na kasi ang sisiw na gusting-gusto niya. Napangiti nalang ako sa sagot niya,
Sana hindi ako nag kulang sa pag mamahal sa anak ko. Sana hindi siya makulangan sa lahat ng binibigay ko mas lalo na ngayon na lumalaki na siya at nag uumpisa na mag ka-isip.
“Daddy!” sigaw niya na tuwang-tuwa. Nagulat naman ako na tumingin sa likod ko kung saan naka-tingin si Nine, nandon nga si Dylan naka-ngiti sa amin at naka-tingin sa anak niya.
Yare.“I love you too, love.” Humalik siya sa pisngi ko bago lumapit ang labi niya sa tenga ko “Paliwanag ka mamaya.” Pahabol niya bago dumiretso sa anak niya at hinalikan ang noo..
“Daddy try it!” tili ni Nine bago hinawakan nag dilaw ng ballot na naiwan sa plato niya bago sinubo kay Dylan na naka-ngiti pa rin sa anak niya. Hindi naman nag alinlangan na isubo ang inaalok ni Nine sa kanya at mabilis na s’yang ngumanga at nginuya ang sinubo sa kanya.
“San ba kayo pumunta?” tanong sakin ni Dylan na ngumunguya pa rin.
“Sa luneta lang, gusto ko lang sana igala si Nine habang wala pang pasok” diretso kong sabi bago kinain din ang hawak ko. Tumango naman siya at naki-pag harutan sa anak ko na tuwang-tuwa dahil binalatan nang daddy niya ang natitira.Hindi niya alam na ako ang mayayare mamaya pag naka-talikod na siya. Nag harutan lang silang dalawa na parang hindi nila ako kasama, minsan naman ay nag bubulungan sa tuwing tumitingin sa akin sabay mag tatawanan. Pakiramdam ko tuloy may binabalak nanaman silang dalawa.
“Oo nga pala, peram ako ng ipad mo, Nine.” Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, bago tumingin kay Dylan.
Nakita ko naman na napipilitan lang ang anak ko na binigay sa akin ang ipad niya, buti nalang ay naalala ko pa. hindi niya ako kayang suwayin sa tuwing nandito ang daddy niya, maski na hindi sundin ang isang sinabi ko ay hindi niya magagawa pag mag kaharap kaming tatlo. Hindi ko alam pero mas mag kasundo sila kesa sa’min.
Binuksan ko ang ipad niya bago tumingin sa dalawang tahimik na nag uusap na, tinignan ko ang lahat ng naka-open ng tab at isang page rin ang nakita ko. ‘yong tinatago sa akin ni Nine kanina. Scroll lang ako at nakita ko na puro picture niya ang nandon kasama ang ibang nag papicture sa kanya kanina at ang ibang mga kuha naming dalawa.
“Daddy! I met a girl and her dad, I hate her. She pointed me and also she says that she wants my mom to be her mom!” inis na sabi ni Nine na may iritableng mukha.
“Why?” na kibit balikat naman s’ya sa ama niya bago muling nag usap. Tinignan ko ang ibang mga pictures niya ng maagaw ang atensyon ko sa bagong pop up na messages.
Si Joyce.In-stalk ko naman ang profile niya, may iilang mga post tungkol sa mga Barbie at mga pictures kasama ni Kurt at Raven. Tinignan ko ang mga pictures nila na iilan lang pero wala akong nakitang kasama niya ang lolo’t lola niya sa mga ‘yon.
“And daddy, pinatikim po ako ng daddy niya nitong ballot. Akala kop o panget lasa since you said po na madumi ganito pero masarap po daddy!” proud na proud na sabi.
“Sino naman daddy niya?”
“Si tito Kurt po.”
.