Chapter 12
"Preets, lalabas muna ako para bumili ng pag kain. Pag may problema click mo 'tong botton at may pupunta agad dito na nurse, saglit lang talaga ako." Marahan na hinaplos ko ang buhok ni Preets na hanggang ngayon ay tulala pa rin, hindi naman siya ganito kahapon pero mas lalong lumala ang kalagayan niya ng pumunta dito si Raven at nakaharap ang fiancée niya.
Bago ako lumabas ay nag balat muna ako ng mansanas at nilagay 'yon sa lamesa niya, upang hindi na siya tumayo pa kung sakali man na makramdam siya ng gutom. "Alis na ako" paalam ko sa kanya, tumango naman siya ng marahan na ikinahinga ko ng maluwag dahil kahit paano'y nag reresponce siya sa mga sinabi ko.
Pag labas ko ng kwarto ay mabilis na tumayo si Kurt at lumapit sa akin, "Kamusta siya?" nag aalala niiyang tanong habang pasimpleng tumitingin sa maliit na awang kung nasaan kita ang higaan ni Preets.
"Mas lumala kesa ng araw na pinunta naming siya dito, pwede ba Kurt kung gusto mo gumaling ang kaibigan ko wag ka muna mag pakita sa kanya at ng babae mo." Mariin kong sabi bago siya nilampasan.
Sa totoo lang ay naawa na ako sa kaibigan ko, nalaman niya na ang taong mahal niya at handa niyang pakasalan ay niloloko lang siya, simula ng una'y kita ko ang saya niya sa tuwing nag kikita sila ni Kurt pero niloloko lang pala siya. Wala akong karapatan magalit dahil hindi ko alam ang side ng sa kabila pero ng Makita ko si Raven na nasa kwarto kahapon ni Preets ay hindi ko maiwasan ang magalit.
Lumabas ako ng hospital at agad na pumunta sa pinakamalapit na supermarket para bumili ng mga prutas at mga kakailanganin sa loob, nag file na rin ako ng leave para maasikaso si Preets. Sa totoo niyan kaya parehas kami mag kasundo dahil parehas kami ng dinanas sa buhay, siya nga lang ay naging maintindihin at ako ay naging warfreak. I hate attentions mas lalo na 'yong mga atensyon nay un ay puro sa mga pekeng tao.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon Raven!" na agaw ng isang mataas na boses ang atensyon ko, dahan-dahan akong lumapit at nag order ng dalawang Milktea kahit hindi naman ako mahilig nito. Nag katinginan naman kami ng nagsalita ng tignan niya ang pwesto ko.
"Bakit hindi? Don't tell me ka-kampi mo na rin siya ngayon?" tama nga ang hinala ko, si Raven at may kausap siyang isang buntis na babae. Sino naman kaya to?
Pasimple na pumwesto ako sa likod ni Raven para hidi niya ma halata na nakikinig ako, total ay hindi naman ako kilala ng kasama niya dahil kung kilala niya ako ay sana huminto na siya sa pag salita ng magkatinginan kami sa mata.
"Ikakasal na ang tao, hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin siya titigilan? Grow up Raven, matanda na tayo at ilang taon na rin ang lumipas ng mangyaring issue dati. Ikaw nalang ang hindi maka-move on sa lahat." Sabi ng buntis na mukhang may lahi.
"Alam mo kung gaano ko ka-gusto si Kurt eversince pero nilandi niya 'yon!"
"Hindi niya nilandi, dahil ikaw ang nag pakilala sa kanya kay Kurt kayong dalawa ng Ex-Boyfriend mong si Joseph. Walang inagaw sayo si Preets, Raven. Nasa isip mo lang 'yan, hindi pa ba sapat sayo lahat ng ginawa mo sa kanya during college days?"
So, ganon pala ang istorya nilang dalawa at ang pinnalabas na naman pala ay nilandi ni Preets si Kurt. As far as I know na mahal na mahal ni Kurt si Preets kaya hindi ko rin lubos maisip na kaya palang lokohin ni Kurt si Preets at ang masakit pa ay na rape ang kaibigan ko after na malaman niya na niloloko lang s'ya.
Nang dumating ang order ko ay tumayo na 'rin ako para bumalik sa hospital, mas kailangan ako ng kaibigan ko kesa maki-chismiss sa mga 'to. Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa hospital, pero katulad ng inaasahan ay tulala pa rin si Preets at ang mansanas na nilagay ko ay nandon pa rin.
"Gusto mo milktea?" sabay taas ko ng hawak kong plastic kung san nakalagay ang milktea na binili ko, alam ko naman na gusting-gusto niya nito kaya sinadya ko talagang dalawa ang bilhin buti nalang hindi ako hinarang kanina dahil kialala na ako ng guard sa baba.
Kita ko naman na tumango siya kaya mabilis kong nilapag ang mga pinamili ko at binigay sa kanya ang milktea na binili ko, mabilis naman niyang ininom at nag-upo pero tulala pa rin siya sa higaan niya.
"Makakalabas ka na next day sabi ng doctor, iwas muna tayo sa makakapag paalala sayo ng mga bagay kung bat ka na Trauma." Umpisa ko.
"Kung gusto mo doon ka muna sa bahay ko habang hindi ka pa maayos, ako na ang bahala sayo muna." Suggest ko pero umiling lang s'ya.
"Uuwi ako sa bahay ko, ayos lang ako" maigsi niyang sabi pero tulala pa rin siya.
"Hindi mo pa kaya Preets, sasamahan muna kita sa bahay mo kung gusto mo sa inyo. Payagan mo na ako makasama ka, kailangan mo na may masasandalan ngayon, please?" sabi ko sa kanya sabay pumunta sa harap niya, bago hinawakan ang mukha niya.
"Hindi kita iiwan, kaibigan mo ako at kaibigan kita. Alam mong tayo nalang ang mag tutulungan sa mga araw na walang-wala na tayo. Alam kong nahihiya ka na pero wag mo pansinin 'yon naalala mo ng ma aksidente rin ako last time na ikaw nag alaga sakin, isipin mo na bumabawi lang ako sayo ngayon kaya please?" nakatingin lang siya sa akin bago marahan na tumango at inalis ang kamay ko na nasa mukha niya bago humigop ng milktea na iniinom niya.
Napangiti nalang ako sa inasta niya, alam ko na kahit tulala siya ngayon ay iniisip pa rin niya ang pag kakaibigan naming dalawa, alam ko na mabigat para sa kanya lahat ng pinag daraanan niya at alam ko nangangapa pa siya kung paano babangon ulit at bilang kaibigan tutulungan ko siya makabangon ulit.