"You look prettier than as I expected, Ija." Bati ng tito ni Dylan na si Tito Romando.
Nang makita ko s'ya sa hindi ako mapakali sa mga tingin niya, halata naman kasi na tinitigan niya ako at ang mga bawat galaw ko sa loob ng bahay.
Inabot ko ang isang plato at nilagyan ng kaunting ulam ang pinggan ni Nine na busy sa pag papak ng hotdog na inaasikaso din ng daddy niya.
"I already told that to her kuya." Nakangiting sabi sa kanya ni Tita bago tumingin sa akin, "Kailan niyo balak mag pakasal? Aba't malaki na si Nine pwede niyo ng dagdagan."
Napa-tingin ako kay Dylan na nakatingin rin pala sa akin.
"Balak po namin Next year ma, after Nine's 7th birthday. Pinag-iisipan na rin naming kung isasabay ba sa birthday niya." Proud na sabi ni Dylan.
"That's great! Bigyan niyo kami agad ng apo, for sure ay matutuwa ang lolo mo." Tuwang-tuwa na sabi niya.
Sa ilang taon naming na pag sasama ni Dylan ay hindi ko alam na may kakambal pala ang momma n'ya at mag kasama ito sa bahay dahil ang alam ko lang ay patay na ang tatay niya dahil sa isang aksidente 10 years ago.
"Ija, nahirapan ka siguro palakihin si Nine 'no?" tanong ni Tita bago ngumiti kay Nine.
"No, tita. Sa totoo po niyan ay hindi ako nahirapan sa kanya, eversince po kasi na nag kaisip at lumaki siya ay sinusunod niya na ang Daddy niya." Tumingin ako kay Dylan bago ngumiti, "Ang kaso lang po tita 'yong daddy niya masyado siyang iniispoiled sa lahat ng bagay."
Ang pag spoiled ni Dylan sa anak ko ang isa namin sa madalas na pinag-aawayan, lahat kasi ng luho ni Nine ay binibigay niya agad mas lalo na't lumalabas kami para kumain ay kung ano-anong laruan ang mga binibili niya.
Katulad nalang ng mga laruan na sasakyan. Halos mapuno ang buong kwarto ni Nine sa sobrang dami ng mga laruan n'yang sasakyan at isang beses ay binilhan siya ni Dylan ng isang remote control na sasakyan na muntik na sumalpok sa puno.
"Pasensyahan mo na ija. Sigurado naman ako na gusto niya lang si Nine kaya naman inispoiled niya masyado, and besides halos anak na rin ang turing niya dyan." Ngumiti ako kay tita bago tumango.
Sa totoo lang ay nakikiramdam pa ako sa lahat ng bagay, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang gusto nila ako at mas gusto pa sila alamin tungkol sa akin.
Natapos ang lunch nang maayos, nag sabi na din ako kay Dylan na uuwi na kami bago pa mag dilim dahil may pupuntahan pa kami bukas. Hindi naman siya nag tanong pa ng kung ano-ano at sumang-ayon nalang.
Naka-tingin ako sa kanilang dalawa ni Nine na naliligo sa swimming pool ng bahay nila, ito kasing anak ko ay takot sa init na akala mo ay matutunaw sa tuwing madadapuan ng sikat ng araw.
"Ija," agad akong napalingon kung saan nanggaling ang boses.
Kay tita Romina.
"Alam mo ba na ngayon ko lang nakita na maging masaya ulit si Dylan after her papa died." Nakatingin lang ako sa kanya habang si Tita ay naka-tingin pa rin sa dalawang nag lalaro sa pool.
"Tara't may ipapakita ako sayo."umalis sa tabi ko si Tita bago pumasok sa loob ng bahay.
Tahimik lang ako na sumusunod sa kanya at alam kong alam niya na sumusunod lang ako bago naupo sa isang sofa at may kinuha na isang album.
"tita?"
"That's Dylan. He was just 9 years old at that time, when he knew na, may babae ang papa niya bukod sa akin, sobrang galit noon si Dylan na halos hindi na umimik. At first ay ayos lang sa kanya pero ng lumabas sa school nila na may kabet ang papa niya ay naging tampuhan siya ng Bully kaya nilipat namin s'ya ng school at doon na naging umpisa na tahimik s'ya." Tinignan ko ang Album na hawak ni Tita.