Chapter 53

846 6 0
                                    

“Baby, open your eyes”

Binukasan ni Nine ang mata n’ya, kita ko ang tuloy-tuloy na pag landas ng mga luha sa mga pisngi n’ya. Ang sakit makita, ang sakit makita na wala akong magawa para patahanin s’ya ngayon.

Sorry anak, sorry.

“Ibaba mo na ‘yan, Raven” sabi ko sa kanya pero ngumisi s’ya sa akin at tinaas ang kamay n’ya.

“Sige, gawin n’yo ang gusto n’yong gawin sa babaeng ‘yan.” Sabi n’ya bago na upo.

“Mommy!” sigaw ng anak ko. Naka-tingin lang ako sa kanya, habang sapilitan na tinatanggal ang damit ko ng isang lalaki.

Naalala ko lahat ng pangarap ko, pangarap na magkaroon ng buo at maayos na pamilya, ‘yon lang naman ang gusto ko, ‘yon lang pero bat naging ganito ang lahat.

Bakit? Bakit ang sama sa akin ng tadhana. Wala naman akong ginawang masama, wala akong inaapakan na tao hanggang makuha ko ang pinapangarap kong diploma pero bat ngayon naging ganito.

“Anak” bulong ko bago nag umpisa tumulo ang mga luha ko.

Gusto ko siyang papikitin pero pag ginawa ko ‘yon, walang pag dadalawang isip na babarilin ni Raven ang anak ko.

Ayaw ko, mas gugustuhin ko pa na maging baboy sa paningin ng anak ko wag lang s’yang mawala sakin.

“Please po! Wag!” pag mamakaawa ko, napa-tingin ang isang lalaki sa akin na may awa bago tumingin sa anak ko. 

“Wag sa harap ng anak ko parang-awa n’yo na”

Wala akong magawa kundi ang umiyak, habang ang isa ay hinuhubaran ako.

Please, Dylan dumating ka. Iligtas mo kami ng anak mo.

Tinignan ko si Raven nanaka-tingin sa amin habang umiinom ng alak, masayang-masaya sa nangyayari habang pinapanuod ako. Samantala ang anak ko ay walang humpay sa pag-iyak.
Anak.

“Tita Preets!” tawag ng isang bata na pumasok sa loob ng kwarto, si Joyce.

“Anong ginagawa mo rito?!” gulat na sigaw na tanong ni Raven sa anak n’ya.

Lumapit s’ya pero lumayo ang anak n’ya sa kanya.

Napa-tigil ang ginagawa ng isang lalaki sa katawan ko at napa-tingin din sa pumasok.

“Dylan!”/ “Daddy!” sabay na sigaw naming ng anak ko. Mag isa s’yang pumasok at agad na sinapak ang lalaking humahawak sa katawan ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko, binitawan n’ya ako at sinapak din ang kasamahan n’ya. Lumapit ako sa anak ko at mahigpit s’yang niyakap.

Ang anak ko. Umiyak ako sa harap n’ya habang yakap sya. Hindi ko alam ang gagawin pag may nangyaring masama sa anak ko, napa-tingin ako sa bagong mga pumasok, si Aizen at Kurt.

“P-paano n’yo nalaman!?” tanong ni Raven.

Nang mapatumba na ni Dylan at ng isang lalaki ang iba ay mabilis na lumapit sa akin si Dylan at binigay ang damit n’ya.

“Salamat” tumingin ako sa lalaki. Ngumiti s’ya sa akin bago tumango.

“May anak din akong babae, maam” sabi n’ya bago inalalayan kami pumunta sa isang gilid. Napa-tingin ako kay Dylan bago tumango.

“Ikaw?!” sigaw ni Raven, hawak n’ya na ang baril n’ya at ang nasa kaliwang kamay n’ya naman ay ang anak n’yang si Joyce.

Pumasok sa pinto ang isang babae, si Sarah.

“Hindi ko na kaya, Raven. Hindi ko akalain na handa kang pumatay ng isang bata at ng minsan mo ng tinuring na kaibigan dahil sa inggit at selos mo” sabi ni Sarah habang umiiyak.

“Mommy” umiiyak na sabi ng anak n’ya.

“Raven, wag!” sigaw ko ng itutok n’ya ang baril n’ya sa sarili n’yang anak.

“Kasalanan mo ‘to!” sigaw n’ya bago tumawa.

“Kasalanan mo kung bat nangyari ‘to, kung hindi ka na bumalik sa Pilipinas edi sana masaya na kami! Masaya na sana kaming pamilya pero isa kang malaking panira.” Sigaw n’ya.

“Mommy” umiiyak na sabi ni Bianca habang naka-tingin sa baril na nakatutok sa kanya.

“Tumahimik ka!” sabay tulak n’ya sa anak n’ya.

Agad kong tinakpan ang tenga ng anak ko ng mag umpisang putukan ni Raven, si Dylan na may hawak ng baril ganon na rin ang dalawa at si Sarah na napa-yuko.

“Joyce!” sigaw ko pero huli na.

Bumagsak si Bianca sa harap mismo n’ya. Nabitawan n’ya ang hawak n’yang baril at tumakbo sa anak n’yang may tama ng baril sa tagiliran.

“m-mommy” umiiyak na sabi ni Joyce.

“Please, baby. Pupunta tayo ng hospital” sabi n’ya at akmang bubuhatin na si Joyce  ng muli ‘tong mag salita.

“I love you, mommy” sabi ni Joyce at tuluyan na bumagsak ang kamay n’ya.

“No, anak please! Gumising ka!” sigaw n’ya bago umiyak ng malakas. Napa-yakap ako kay Nine nanaka-tingin sa pwesto nila.

Alam ko ang nararamdaman ni Raven, bilang ina masakit mawalan ng anak. Kalahati ng buhay ng ina ang mawawala.

“Joyce, anak. Gusto mo ng Ice cream diba? Wake up, anak. Bibilhan ka na ni Mommy” sabi n’ya bago inuugoy ang anak.

“Please, gusto mo punta tayo kela lolo’t lola?  Pupunta tayo, gumising ka na” sabi n’ya sa anak nya pero wala. Wala nang response si Joyce.

“Kasalanan mo to!” sigaw n’ya bago dinuro ako, nang maiba ang atensyon ni Raven ay agad na kinuha ni Dylan ang bata at agad na ilabas.

Please, si Joyce. Iligtas n’yo ang bata.

“Kung hindi mo inagaw ang lahat sa akin, sana masaya na ako! Sana, sana buhay pa ang anak ko.” Kinuha n’ya ang baril bago tinutok sa akin, agad na humarang si Kurt  sa harap naming at tinaas ang kamay.

“Ibaba mo na ‘yan, Raven!” sigaw ni Sarah pero parang wala lang s’yang narinig.

“Lahat nalang inagaw mo sakin, lahat nalang Preets.” Sabi n’ya at muling kinasa ang baril na hawak n’ya bago itinutok sa amin.

“Bakit kasi gusto ka nang lahat kahit wala naman kagusto-gusto sa’yo? Bat ikaw ang palagi nilang pinipili kahit ako naman ang nag bibigay ng lahat ng kailangan nila at bakit ikaw ang laging nagiging masaya.”

“Mommy” umiiyak na sabi ng anak ko kaya’t mas lalo ko pang hinigpitan ang pag-yakap sa kanya.

“Shh, don’t cry baby” pag papatahan ko sa kanya, ng isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar.

“Masaya kayo habang wala ako, masayang-masaya kayo kahit wala ako kaya sana maging masaya na kayo.”

Agad akong napa-takip ng bibig ko at tinakpan ang mata ng anak ko.

Si Raven, na napapaliguan ng dugo at wala ng buhay. Napa-tingin ako sa lalaking na sa harap ko na nabitawan ang baril na hawak n’ya bago napa-upo.

“Im sorry” sabi n’ya bago ako niyakap.

Binaril ni Raven ang sarili n’ya, kinitil n’ya ang sariling buhay na napuno ng inggit at galit. Nasa kanya na ang lahat pero lumihis s’ya ng landas. Mas pinili n’ya tignan at pag tuunan ng pansin ang mga bagay na kina-iinggitan n’ya kesa sa mga bagay na meron s’ya.

“Raven” bulong ko at nag umpisa na mag tuluan ang mga luha ko.

Hindi ko akalain na ganito pala ang kayang kahantungan ng galit at inggit sa katawan, si Raven. Si Raven ang isa sa naging biktima.

“Preets!” sigaw ng bagong dating. Si
“Dylan” banggit ko at umikot na ang buong paningin ko, siguro tapos na ‘to.

THE RAPIST SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon