CHAPTER 3

15.1K 212 5
                                    

CHAPTER 3


Napamulat ang ako ng mata at unang nakita ko ang puting kisame.

"T-tubig." Paghingi ko ng tubig dahil sobrang nauuhaw ako.

"Louisse." Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ni Avria.

Binigyan nya ako ng tubig at inalalayang makaupo,masakit pa rin ang katawan ko.Naalala kong nahimatay ako kanina at dya pala ang dumalo sa akin kanina akala ko pa naman ay si Yusef medyo umasa ako.

"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ba puro ka pasa? At nasaan si Yusef bakit hindi ka nya tinulungan?" Natatarantang tanong nito sa akin.

"Wala nasa trabaho sya. Sorry tanga tanga lang talaga ako nahulog ako sa hagdan." Sabi ko pero kita sa mukha nya ang hindi naniniwala.

"Bes naman, pwede mo namang sabihin sa akin ang problema mo deba?" Sabi nito.Tumango na lamang ako dito.

"Wala naman talaga akong problema bes. Talagang nahulog lang ako sa hagdanan."

"Ah basta hindi ako naniniwala sayo, ganitong pasa talaga? Hindi to nahulog lang e. Ikaw ha, magtapat ka nga sa akin..." Kinakabahan ako sa sinabi nito at tatanungin.

"Sinasaktan ka ba ni Yusef?" Mabilis naman akong umiling kaya mas lumungkot ang kanyang mukha.

"Kung sinasaktan ka nya Louisse,iwan mo nalang sya. Marami pa namang lalaki sa mundo." Sabi nito sabay abot sa kamay ko at mahinanang pinisil.

"Pero mahal ko sa Avria..." Malungkot kong sabi.

"So sinasaktan ka nga nya?!" Galit na tanong nito kaya nagulat ako sa pagsigaw nya.

"Hindi..."

"Kung kelangan mo ng tulong nandito lang ako. Teka lang." Tumayo sya at may kinuha sa bag nya.

"Ito cellphone, tawagan mo lang ako kung kelangan mo ng tulong. Wag kang mahiyang lumapit sa akin Louisse, kaibigan mo ako!" Naiinis na sabi.

Tinanggap ko naman ang cellphone.

"Maraming salamat Avria ha." Naluluha na ako dahil kahit na mapait ang buhay ko ay andyan parin si Avria para sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang galit na mukha ni Yusef pero tila nanlambot ng makita nya kami ni Avria.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito kahit alam naman nya ang nangyari.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ulit ni Yusef.May sasabihin na sana si Avria pero hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya kaya napakalma sya.

"Nahulog lang ako sa hagdanan. Pasensya na." Nagulat sya sa sinabi ko.

Handa akong maging martyr para sa'yo Yusef mahalin mo lang ako ulit.


To be continued

TWS#2: Unwanted Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now