Chapter 11
Isang buwan na ang nakalipas pero hindi ko parin nakikita si Yusef.
Kahit takot akong mabasura pero kakayanin ko dahil gusto nang makita ng anak ko ang ama nya. Minahal ko si Yusef at malakas ang loob kong hindi nya itataboy ang anak nya.
De bali nang itapos nya ako basta tanggapin nya lang ang anak ay masaya na ako don. Habang nanood kami ng Princess Cinderella ay biglang may kumatok.
Agad akong tumayo dahil baka si Bea iyon madalas kasi itong bumusita.
Pero nanlaki ang mata ko nung buksan ko ang pinto at nakita ang lalaking nakatayo at bahid sa mata ang pangungulila.
"My love..." Sambit nito.
Naalala ko ito ang tawag nya sa akin noon.
Napaluha ako sa pagtawag nito sa akin.
"Paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko.
"Nasan ang anak ko?" Imbis na sagutin ako ay nagtanong din sya.
"Momy who's that" Napabaling ang atensyon ko sa anak kong papalapit.
Malakas ang kabog ng puso ko.
Dahil sa wakas ay makikita na nya ang ama nya.
"Anak ko..." Mabilis na nagtungo si Yusef sa anak at niyakap ng mahigpit.
"Sorry... sorry." Bulong nito sa anak.
Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang sakit at saya ng nararamdaman.
"Daddy..." Ngiyaw ng anak ko.
"Where did you go daddy? Why you left me? Us?" Tanong ng anak ko at umiiyak pa.
"I'm sorry anak. Daddy misunderstood everything. Daddy wants Mommy and you back." Sabi nito at muling niyakap ang anak.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano ang ibig sabihin nito.
"I'm sorry." Sabi ulit nya sa anak.
Ilang minuto muna silang nag-iyakan bago bumaling sa akin si Yusef.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Mahigpit.
"I'm sorry love... I'm sorry." Ngayon ko lang syang nakitang umiyak.
"Hindi ko alam patawad. Nagkamali ako sorry nagkamali ako..." Paulit ulit nitong sabi.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"My private investigator said that it was not you. It is set up. The video is edited!"
"Anong video?" Takang tanong ko.
"The video I thought you had sex with that trash." Nanlaki ang mata ko.