CHAPTER 17
Nagising ako sa isang madilim na bodega. Maraming lamok ang kumakagat sa balat ko.
Nakaupo ako sa isang silya at nakagapos ang aking kamay at paa.
Nasaan ba ako?
"Mabuti at gising ka na." Rinig kong sabi sa pamilyar na boses.
Agad bumalot sa akin ang kaba. Nanginig ako at nagsitayuan ang aking mga balahibo.
Pamilyar ang tinig ng lalaking ito!
Hindi ako pwedeng magkamali ito ang nagkidnap sa akin noon!
Biglang nagbukas ang ilaw tumambad sa akin ang isang malademonyong ngiti. Pulang pula ang mata nito feeling koy kakahithit lang nya.
"Nasaan ako?! Anong gagawin mo sa akin?! Tulong!" Sigaw ako ng sigaw.
"Wag mo ng sayangin ang lakas mo. Walang makakarinig sayo." Sabi nito at tumawa ng malademonyo.
"Tulong! Yusef! Tulongan mo ak-"
Sinampal nya ako ng malakas sa mukha kaya napatigil ako.
"Manahimik kang pokpok ka!" Sabi nito at sinampal muli ang ng napakalakas kaya naduwal ako.
"A-anong kailangan mo sa akin?" Nahihirapang tanong ko.
"Anong kailangan ko sayo? Gusto ko lang namang patayin ka!" Sigaw nito.
"Ano bang kasalanan ko?!" Sigaw ko pabalik kahit nahihiraoan ako.
"Pinatay mo si Kyla! Pinatay mo ang syota ko potangina!" Sigaw nito sabay suntok sa sikmura ko.
"No please..."Sumakit ang tyan ko at may tumulong dugo sa hita ko.
"No please... Ang baby ko." Sambit ko at nawalan na ng malay.